A Beautiful Secret Affair Chapter 7

1.2K 15 8
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 7:

* Mew's POV (Point of View) *

Dalawang taon na din ang lumipas pero hindi ko na nakita pa si Tong. Ayoko na ding umasa pa dahil alam ko na masaya na siya kung nasaan man siya naroroon. Hay naku! Bakit ko pa siya iisipin eh wala naman talagang happy ending eh, pwera na lang kung manalo ka nang LOTTO, sure happy ending 'yun. Hay! Sa wakas makakapag aral na ako ng kolehiyo. Ano kaya ang hitsura nang Maynila? Gaano kaya kalaki 'yun? Bahala na, im sure gagabayan naman ako ni Lolo kung nasaan man siya naroroon, tutal para din naman sa kanya ito eh.

Lumipas ang dalawang taon at unti unti nang nakakalimutan ni Mew ang kaibigan kasama ang mga masasayang sandali na magkasama sila. Natuto na din niyang tinanggap ang pagkawala ng nag iisang pamilya niya na si Lolo Jose. Isang taon din siyang huminto ng pag aaral dahil sa lubos na kalungkutan ngunit nagpasya din siya sa huli na mag aral at gawing inspirasyon ang sarili. Ano kaya ang tatahaking landas ni Mew sa bagong yugto ng kanyang buhay?

Mew : Wala na sigurong rason para suotin ko ang kwintas na ito. (habang hinuhubad ang kwintas).

Hinubad ni Mew ang kwintas na bigay ng kanyang kaibigan at itinago. Dumating ang araw ng kanyang pag alis papuntang Maynila at kasabay ng kanyang pag alis ay ang pag iwan ng mga masasakit at malungkot na alaala. Sa magiging bagong buhay niya sa Maynila, ang tangi lamang niyang hiling ay ang makapagsimula ng bago at masayang buhay.

* Mew's POV *

Sa wakas, nandito na ako sa Maynila, gustong gusto kong sumigaw dahil sa wakas nararamdaman ko nang unti unti nang mabubuo ang mga pangarap ko. Thank You Lord.

Hindi naging madali kay Mew ang makipagsapalaran sa Maynila gayung wala siyang ideya, gayunpaman ipinalalakas niya ang loob niya at nagkaroon pa rin siya ng kumpiyansa. Iba't ibang mukha ang nakakasalubong niya sa bawat pagtawid at iba't ibang mga malalaking gusali ang natanaw niya na tanging sa libro lamang niya nakikita. Kahit sino na lamang ang tinanong niya upang siya ay maihatid sa paroroonan niya. Habang nakasakay sa jeep na pagod at inaantok ay bigla siyang nagising at tila nagnakaw ng kanyang pansin. Napansin niya ang magazine na hawak ng dalawang babae na tila kinikilig dahil sa isang larawan.

* Mew's POV *

Tama ba itong nakikita ko o sadyang inaantok at pagod lamang ako? Hay, ano ba 'to.

Hindi mapigilan ni Mew ang magkaroon ng curiousity kung kaya ----

Mew : Miss, pwede bang matingnan 'yang magazine na 'yan?

Miss 1 : Uhm ....... okey sige.

Tiningnan ng maigi ni Mew ang larawan na nasa magazine at tinitigan ang bawat detalye nito.

Miss 1 : Gwapo niya noh?

Miss 2 : Don't tell me, pati ikaw nanggigigil na sa kanya? or don't tell me, you belong? HAHAHA.

Miss 1 : Gwapo naman kasi talaga siya, maraming ngang nababakla sa kanya eh.

Mew : Sino pala siya?

Miss 2 : OMG, hindi mo siya kilala? Ikaw lang ata 'yung hindi nakakakilala sa kanya eh, unless taga probinsya ka.

Miss 1 : Ano ka ba (siniko ang kasama) ah pasensya ka na, masyadong mapagbiro lang talaga itong kaibigan ko. 

Mew : Ok lang. Sino nga pala siya?

Driver : Oops, hanggang dito lamang tayo.

Miss 1 : Sige, mauna na kami. 

Mew : Sige. Maraming Salamat.

* [ Mew's POV ] *

Siya nga ba 'yung nasa larawan o kamukha niya lang? Siguro nagugutom lamang ako. Hay, ayoko na ngang isipin 'yun.

Hindi na inisip ni Mew ang nakita dahil may mga bagay pa siya na dapat unahing isipin. Habang naglalakad at naghahanap ng makakainan ay may narinig siyang isang boses.

" Mew ... "

---

 Please proceed to Chapter 8 for the continuation of the story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon