A Beautiful Secret Affair Chapter 17

978 15 8
                                    

A Beautiful Secret Affair Chapter 17:

Nagsisimula na ang ikalawang plano ni Ronald laban sa kakaibang pagkakaibigan ni Andrew kay Mew kung kaya bigla na lamang nagtaka si Mew dahil sa biglang panlalamig ng kaibigan at napansing iniiwasan na lamang siya nito. Kahit sa oras ng rehearsal ay lagi nang kasama ni Andrew ang iba pang kabanda habang si Mew ay nag iisa.

Samantala, nasa bahay na si Mario nun ng may natanggap siyang bisita.

Mario : Babe?

Coleen : Babe! Im Sorry. (yakap)

Mario : No, I should be sorry. Nasira 'yung phone ko kaya di ako nakapag contact.

Coleen : Pumapayag na akong ituloy mo ang pag aaral. Naisip ko para din pala sa atin 'yang ginagawa mo. Im sorry for what I have told you last night. Ayokong mawala ka babe.

Mario : Mahal na mahal kita babe. Thank You.

Sasabihin sana ni Mario kay Coleen na hindi na niya itutuloy ang pag aaral pero inunahan na siya ni Coleen na pumayag itong mag aral siya. At nagbalikan muli ang dalawa.

Mag isa nun si Andrew kung kaya nagkaroon ng pagkakataon si Mew na makalapit at makausap ang umiiwas na kaibigan. Gustong linawin ni Mew ang mga bagay na di niya maintindihan kay Andrew.

Andrew : Bakit ka nandito?

Mew : Ano bang nangyayari sa'yo Andrew? May nagawa ba akong mali? Namimiss ko na ang dating ikaw.

Andrew : Wala kang ginawang mali. Masanay ka na dahil hindi na maibabalik 'yung dati.

Mew : Bakit ka ba nagkakaganyan? Ni hindi ko maintindihan kung bakit mo na lang ako biglang nilalayuan. Nung isang gabi okey naman tayo ah tapos ngayon hindi mo ako kayang tingnan o kausapin man lang. Umiiwas ka sa akin.

Andrew : I just need space Mew. Ayokong umasa ka sa mga bagay na akala mo maaaring mangyayari, mga bagay na akala mo posible.

Mew : Ano bang sinasabi mo Andrew?

FLASHBACK

Ronald : May sinabi sa amin si Erika bro. Si Erika na bestfriend ni Mew. Sinabi niya sa amin ni Vince na may gusto si Mew sa'yo. Matagal na.

END OF FLASHBACK

Andrew : Pwede ba Mew. Tigilan na natin 'to. Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako manhid. Alam ko naman eh. Alam ko. May mga bagay na talagang imposible Mew, at ikaw at ako 'yun. Tanggapin mo na lang hanggang maaga pa.

Mew : Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Edi sana --

Andrew : Edi sana ano? Dahil kung alam ko lang din naman na bibigyan mo ng malisya 'yung mga ginagawa ko. Edi sana matagal na kitang nilayuan. Hindi ko sinabing umasa ka sa akin. At higit sa lahat hindi ko sinabing mahalin mo ako dahil imposibleng mahalin kita. Kaya lumugar ka. Bandmates lang tayo at hanggang dun lan 'yun.

Sobrang nasaktan si Mew sa sinabi ni Andrew kung kaya hindi niya mapigilan ang humagulgol at umiyak na lamang. Hindi niya matanggap na sa ngiting pagtulog niya ay luha at sakit ang madadatnan niya sa paggising niya. 

* Mew's POV *

Tama naman si Andrew eh. Sana hindi ako nag assume. Sana hindi ako umasang ibabalik niya ang pagmamahal ko. Talagang may mga bagay na imposible at h'wag na lang bigyan ng malisya. Pero sana, hindi siya nagpakita ng motibo para tuluyan ko siyang mahalin T_____T.

Nasa bahay na si Mario nun matapos ang date nila ng girlfriend na si Coleen. Umuwing masaya si Mario nun ng ibinalita kay Mommy Divine ang nangyari sa araw na 'yun.

Mario : Ma, kami na ulit ni Coleen. Sobrang saya ko Ma.

Mommy Divine : Masaya ako sa'yo anak. Talagang si Coleen lang ang nakakapag pasaya sa'yo.

Mario : At isa pa Ma. Pumayag na si Coleen na mag aaral na ako. Wala na akong iisipin pang problema. Tiyak, magiging masaya na si Papa tungkol dito.

Narinig ni Maricar ang balitang sinabi ni Mario sa kanilang ina kung kaya bigla niyang kinausap si Coleen.

Maricar : Bakit pumayag ka?

Coleen : Sa desisyon ng kapatid mong mag aral?

Maricar : Oo. Alam mo bang dahil sa desisyon n'ya pati ikaw mawawalan ka ng career?

Coleen : Oh common Maricar. Are you really concern on me? O di kaya natatakot ka na ikaw ang mamumulubi?

Maricar : That's not my point Coleen.

Coleen : Common Maricar, ayokong mawala sa akin ang kapatid mo. Nagtalo kami sa mga bagay na 'yan at nakipag break ako sa kanya. Hindi man lang niya ako magawang ee text para makipagbalikan. Ayokong tanggapin na kaya na niya akong ipagpalit sa pangarap niya.

Maricar : That's what I mean Coleen. Paano kung mawawalan siya ng oras sa'yo? Paano kung makahanap siya ng iba at ipagpalit ka niya?

Coleen : Hinding hindi 'yan mangyayari. Mahal ako ng kapatid mo. At kung may aagaw man sa kanya sa akin, baka mapatay ko ang magiging babae n'ya at baka maisali ko pa siya.

Hindi na nakapagsalita pa si Maricar sa sinabi ni Coleen at wala na siyang choice kundi tanggapin na lang ang desisyon ni Mario.

Coleen : Dont worry Maricar. Natapos na ang contract ko sa manager ko at ikaw ang ipapalit ko.

---

Please Proceed to Chapter 18 for the Continuation of the Story.

A BEAUTIFUL SECRET AFFAIR ( Mew & Tong's Other World )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon