4

35 7 2
                                    

Napaaga ang pagpasok ko kaya kokonti pa lang ang mga estudyante. Dahil mamaya pa ang klase ko ay dumiretyo muna ako sa library sa may building ko. Pagpasok ko ay binati ko ang nagbabantay at nilibot ang tingin, mabibilang lang ang mga estudyante’ng andito.

Umupo ako sa may bandang dulo at nilabas ang mga libro ko, habang nilalabas ko ang mga gamit ko naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa loob ng bag ko.

Kinuha ko ‘yon at nakitang may tatlong messages. Ang isang text galing kay Archer, kahapon pa ‘yun nung tinawagan ko s’ya, ang isa naman ay kagabi at unknown number, ang huli ay text ni Kael ngayon.

Binasa ko ang mga text ng kapatid ko at hinuli ko ang unknown number.

“Hi Raine! This is Andre Ferrer.” Binasa ko ‘yon at napapikit. Bwiset na Ericka! Binigay talaga! Anong irereply ko dito? Hindi ako marunong makipagtext! Umiling ako at tinago ang cellphone ko sa bag.

Hindi ko talaga alam kung anong irereply sa kanya. Hindi ko alam kay Ericka! Hindi ko naman gusto si Andre kahit madaming nagkaka gusto sa kanya. Tsaka uulitin ko, ayoko sa basketball player!

Hindi ko din alam kung paano makipagusap lalo na sa gantong sitwasyon dahil hindi ko pa nararanasan ang magka-boyfriend kahit ‘nung nasa Cebu pa lang ako.

Nanatili ako sa library hanggang dumating ang oras ng klase ko. Niligpit ko ang gamit ko at lumabas. Dumiretyo ako sa room kung saan ang una kong klase. Nakita ko si Kristine na tinaas ang kanyang kamay kaya lumapit ako.

“Raine! Pupunta ba kayo mamaya ng mga pinsan mo?” Bungad n’ya sakin kaya nagtataka akong tumingin sa kanya habang umuupo.

“Ha? Saan?”

“May party mamaya sa Night Club, kaibigan ng pinsan mong si Caleb ang may birthday.”

“Hindi ko alam, Kristine. Baka sila Caleb lang.” Tumatango s’ya sakin at sinabihan akong sabihan s’ya kapag pupunta kami ng mga pinsan ko.

Tinanguan ko lang s’ya ng dumating ang aming professor. Mabilis na natapos ang klase namin. Inayos ko ang gamit ko habang nagkwekwento si Kristine. Naramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko sa bag. Text ni Aesha ang bumungad sakin at sinabing nasa Coffee Shop sila kung saan sila madalas tumatambay.

“Saan ka Kristine?” pagtatanong ko sa kanya habang palabas kami ng room.

“Kakain. Ikaw ba? Sabay na tayo?”

“Nagaantay ang mga pinsan ko sa labas, gusto mo sumama?” Nakita ko ang pamumula n’ya.

“Ha? A-ano… ahm okay lang ba?” Napansin ko ang pagkataranta n’ya. Ano meron? Hmm…

“Oo naman tsaka para sabay na rin tayo sa susunod na klase.” Classmate ko si Kristine sa dalawang klase namin pero sa huling klase ay hindi dahil sa maling schedule na nakuha n’ya, pero isang sub lang naman ‘yon.

Classmate ko si Kristine simula 2nd year, madalas kami talaga magkasama. Maganda at mabait s’ya kaya nakikita ko ang mga lalaking napapatingin sa kanya. S’ya lang ang nag-iisa kong kaibigan dito, marami naman lumalapit sakin kaso alam kong para lang sa kapatid at mga pinsan ko ‘yon.

Kilala ang apilyidong meron ako dito sa University dahil sa mga pinsan kong naggwagwapuhan at dagdag pa ang dalawa kong kapatid. Kilala din sa larangan ng negosyo ang pamilya namin.

Lumabas kami ng University at dumiretyo sa Coffee Shop. Pagpasok ko pa lang ay kita ko na sa bandang gilid ang limang pinsan ko at si Dave, andon din si Kael pero si Archer ay wala.

Hinawakan ko ang kamay ni Kristine at hinila palapit sa mga pinsan ko.

“Hey! Bakit hindi mo ko nireplayan?” Bungad agad sakin ni Kael.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now