14

31 4 1
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas pagkatapos kong marinig ang pagkakabalikan ni Dylan at Steph. Mabilis kumalat ang balita sa University. Sa dalawang linggo 'yun ay wala akong ginawa kundi ang umiwas kay Dylan. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati.

'Nung nag-gabi nang araw na narinig ko ang balitang 'yun ay wala akong ginawa kundi ang umiyak. Totoong nasaktan ako sa aking narinig. Sobrang gusto ko ba s'ya para masaktan ng ganto?

Ngayon ang huling klase namin dahil bukas ay umpisa na ang Christmas break. Nakatanggap ako ng tawag kay Ericka habang palabas kami ni Kristine ng room.

"Uwian n'yo na? Punta kayo dito sa coffee shop."

"Sinong anjan, Ericka?" tanong ko sa kanya.

Napalingon ako kay Kristine ng kalabitin n'ya ko. Pinakita n'ya sakin ang phone n'ya at nakitang si Brent ang tumatawag. Tumango tango ako kay Kristine, lumapit s'ya sakin para bumeso. Kinawayan ko ang naglalakad paalis na si Kristine.

"Erickson, Caleb and Dylan. Punta kana." Rinig ko ang boses ni Dylan sa kabilang linya. Narinig kong sinaway s'ya ni Ericka.

"Ah hindi... may gagawin pa kasi ako, kailangan ko ng umuwi." Pagsisinungaling ko.

Sa dalawang linggo na 'yun ay wala akong ginawa kundi ang tumanggi sa mga yaya ni Ericka kahit minsan ay nagagalit na s'ya sakin. Hindi ako sumasama dahil alam kong andon si Dylan. Nang isang beses na napilit n'ya ko na andon si Dylan ay kahit isa hindi ko s'ya tinapunan ng tingin kahit gustong gusto ko na matitigan ang mukha n'ya, tiniis ko.

"Ano? Last day na ah? Wala ng gagawin!"

"Meron... sige na." Binaba ko ang tawag kahit magsasalita pa s'ya.

Naglakad ako palabas ng building namin ng nagmamadali. Tinawagan ko ang cellphone ni Archer at mabilis n'ya naman sinagot.

"Asan ka?" bungad ko agad sa kanya.

"Sa building nila Amara, why?"

"Uuwi na ba kayo?"

"Yes, uwian mo na ba? Sumabay kana sakin. Where's Kael?"

"Oo. Hindi ko alam kung asan s'ya, baka may klase pa."

"Alright, punta kana sa parking lot." Binaba n'ya ang tawag.

Lumiko ako para pumunta sa parking lot ng University, alam ko kung saan madalas magpark ng sasakyan si Archer. Nang makita ko ang isang puting sasakyan ay nagantay lang ako gilid no'n.

Ilang minuto lang ay dumating na si Archer at Amara. Lumapit agad sakin si Amara para yumakap.

"I'm sorry, ang tagal ba namin?" Bumitaw s'ya sa yakap saka inayos ang buhok ko.

"Hindi, okay lang... hindi naman ako nag-antay ng matagal."

Pinagbuksan ni Archer ng pinto si Amara at ako. Habang pauwi ay nadaanan namin ang coffee shop na pinagtatambayan nila Ericka. Napatingin ako do'n.

Nakita ko agad ang mukha ni Dylan na nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone n'ya hanggang makalagpas ang sasakyan ni Archer ay si Dylan lang ang natitigan ko. Ayos na sakin kahit hindi ganon katagal at kalapit atlis nakita ko ang mukha n'ya.

Napatingin ako sa cellphone kong hawak ko ng umilaw 'yun, 107 messages na ang galing kay Dylan pero kahit isa ay hindi ko binabasa. Tumatawag 'din s'ya pero hindi ko sinasagot. Mabilis kong sinilent ang cellphone saka nilagay sa bag.

Napasandal ako ng bumalik sa isipan ko ang pagbabalikan nila ni Steph. Kahit nagkabalikan sila ay hindi ko pa sila nakikitang magkasama sa University, mas okay na 'yun dahil paniguradong masasaktan ako.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now