31

19 4 2
                                    

Hinintay ko ang pagdating ni Dylan kahit pilit na kong pinapatulog ni Daddy.

Hindi ko alam kung paano ko s'ya napapayag sa pag-uwi ko sa Cebu. Ang sabi n'ya sakin ay aasukasuhin n'ya agad pagkarating ni Dylan.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yun, agad nahanap ni Dylan ang mata ko.

"Why are you still awake?" Tanong n'ya sakin habang pumapasok.

Dumiretyo s'ya sa sofa para ilagay ang bag na dala.

"Hinihintay ka 'daw n'yang dumating, hijo."

Tumingin ako kay Daddy ng tumayo at lumapit sakin. Hinaplos n'ya ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko.

"Dylan, stay with her tonight."

"Yes, Tito."

Tinapik ni Daddy ang balikat ni Dylan at tango naman ang tugon ni Dylan.

Pinanood kong lumabas si Daddy, pero bago n'ya sinara ng tuluyan ang pinto ay tinanguan n'ya ko.

Napatingin ako kay Dylan ng lumapit s'ya sakin at inayos ang kumot ko.

"Matulog kana. It's already 11 pm."

Tumango ako at umurong ng konti sa higaan. Tumingin ako sa kanya at tinapik ang higaan ko sa tabi.

"P-Pwede bang tabihan mo ko?"

Nagulat s'ya pero agad 'din nakabawi, "Of course, baby."

Ngumiti ako at tinignan s'ya habang humihiga sa tabi ko. Inakbay n'ya sakin ang balikat n'ya at dahan dahan n'ya kong pinahiga sa dibdib n'ya.

Agad gumaan ang pakiramdam ko. Hinawakan n'ya ang kamay ko habang ang isang kamay n'ya ay hinahaplos ang buhok ko.

Gusto ko na lang manatili sa dibdib n'ya dahil pakiramdam ko ay protektadong protektado ako sa mga bisig n'ya.

"I'm sorry... kung dumating lang ako ng mas maaga ay hindi mangyayari sa'yo 'yun." Ramdam na ramdam ko ang pagsisisi sa boses n'ya.

Napapikit ako sa naalala at biglang bumalik ang pakiramdam ko sa nangyari kanina. Namuo ang luha ko at napahikbi ako sa dibdib n'ya. Humigpit ang hawak ko sa kamay n'ya.

Inangat ko ang tingin sa kanya. Nang makita ang mukha n'ya ay agad kong hinawakan ang pisnge n'ya at umiling. Pumungay ang mga mata n'ya habang pinupunasan ang pisnge ko.

"I'm sorry, baby..." Hinalikan n'ya ang noo ko, "I promise, hinding hindi ako titigil hanggang hindi nila nababayaran ang ginawa nila sayo."

Sinandal ko ang noo ko sa pisnge ni Dylan habang yumayakap sa kanya. Hinigpitan n'ya naman ang yakap sakin. Gusto kong manatili na lang dito sa bisig n'ya pero alam kong hindi pwede dahil ito na ang huling pagkakataon na mayayakap ko s'ya.

"Stop crying... Shh i'm here, no one can hurt you now."

Tumahimik kami. Tumigil ako sa pag-iyak pero hindi nawawala ang paghikbi ko. Patuloy pa 'rin si Dylan sa paghaplos sa buhok ko kaya pakiramdam ko ay inaantok na ko.

Napadilat ako agad ng gumalaw si Dylan, "D-Dito ka lang..."

"Baby, umayos lang ako ng higa so you can sleep peacefully."

Tumango ako at inayos ang paghiga ko sa dibdib n'ya. Naramdaman ko ang paghalik n'ya sa ulo ko.

"Rest."

Nagising ako ng wala si Dylan sa tabi ko. Nalibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto at nakitang ako lang mag-isa. Bigla akong kinabahan at bumalik ang alala sa nangyari kahapon. Napaiyak ako agad habang umaalis sa higaan.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now