1

55 9 0
                                    

"Raine Azora Espina! Where are you? Kanina pa kami dito! Dalian mong pumunta dito at kailangan mong makita kung gaano kagago si Dylan" Narinig ko ang tawa ni Ericka na sumasabay sa ingay sa Night Club.

Narinig ko rin ang pagpapatigil ni Dylan kay Ericka sa mga sinasabi n'ya sakin. Napairap ako sa loob ng sinasakyan kong taxi. Galing akong school dahil sa meeting kasama ang mga classmates ko.

Sa dalawang taon ko dito sa Manila, nakilala ko rin ang kambal kong pinsan na si Ericka at Erickson. Ang tatlong magkakapatid si Caleb, Brent at Aesha. Sa dalawang taon na 'yon natuto ako ng mga bagay bagay dahil kay Ericka, isa na do'n ang paginom ng alak. Sa lahat ng natutunan ko kay Ericka, ang paginom pa ng alak ang naisip ko.

Nagbayad ako ng taxi at pumasok Night Club, pagpasok ko kita ko agad ang ilang kakilala. Binati ako nung iba, habang hinahanap ko ang pwesto nila Ericka. Sinalubong ako ng nakasimangot na si Kael, problema na naman ba nito? Nginisian ko s'ya. He's wearing simple black tshirt and pants. Sobrang simple lang pero angat na angat ang kagwapuhan n'ya.

"Bakit hindi mo ko tinawagan? E 'di sana sinundo na lang kita tsk. " Inakbayan ko s'ya at ginulo ang buhok.

"Umuwi na lang kaya tayo? Are you tired?" Inilingan ko 'to. Totoong pagod ako ang kaso ayoko naman magalit si Ericka.

"Asan sila? Si Archer andito ba?" Pagtatanong ko habang hinahanap sila Ericka.

"Yes our Kuya Archer is also here. I told you, tawagin mo din s'yang kuya." Tinawanan ko s'ya. Pati ba naman pagtawag ko ng kuya kay Archer ay inaalala n'ya? Tsaka mas gusto ni Archer na walang kuya kapag tinatawag ko s'ya. He's cool with it.

Hinila n'ya ko sa pwesto nila Ericka. Kita ko ang pamumula ni Ericka dahil sa iniinom n'ya. She's wearing black tube dress matching with black heels while I'm wearing a white tank top matching boyfriend pants and white converse. Tumili s'ya ng makita n'ya ako at mabilis na tumayo para mayakap ako, rinig ko ang pagsaway ni Kael sa kanya pero inirapan lang s'ya ni Ericka. Hinila n'ya ko paupo. Pagupo namin ay nakita ko si Dylan na nakaupo sa tapat namin na madilim ang mga tingin.

"Finally! You're here! Kanina pa kita inaantay kasi tignan mo tong lalaki 'to" sabay turo n'ya sa pinsan n'yang si Dylan. Pinsan ni Ericka si Dylan sa mother side habang pinsan ko naman si Ericka sa father side.

"Kanina pa may mga lumalapit sa kanya pero puro tanggi s'ya! Ewan ko ba jan, naging gago bigla nung nalaman na pupunta ka." Pagsasabi ni Ericka habang inaabutan ako ng inumin. Kita ko ang pagiling ni Kael sa pagbigay ng inumin sakin ni Ericka. Tinignan ko si Dylan habang tinitignan ang mga tao do'n.

"Hayaan mo nga s'ya tsaka matagal ng gago 'yan diba?" Bulong ko kay Ericka at binaba ang inumin na binigay n'ya.

"Ayaw mo?" Halata na sa boses n'ya ang pagiging lasing n'ya.

"Mamaya." Ngitian ko s'ya kahit wala akong balak uminom. Umiinom ako pero konti lang hindi katulad n'yang lasinggera.

Habang nagkwekwento si Ericka ay kita ko ang paglapit ng isang babae kay Dylan. Narinig kong niyaya s'ya nito sumayaw kaso tumanggi si Dylan. Kita ko ang pagirap ni Ericka at chineer pa si Dylan. Kinalabit ako ni Ericka at binulungan na gayahin ko daw s'ya sa pagpilit kay Dylan. Inirapan ko lng ito at tinignan si Dylan na nakatulala sa hawak n'yang baso.

"Go Dylan, sayaw lang yan pagbigyan mo na." nakita kong gulat na napatingin sakin si Dylan pero bigla n'ya itong nabawi at inirapan ako. Narinig ko ang pagbugtong hininga n'ya, tumayo s'ya at tumingin sakin.

"Fine!" inirapan n'ya ko at tumalikod na sa amin para magsayaw. Tumili si Ericka nung nakita n'yang nagsasayaw na sila Dylan. Tinawanan ko ito at tumayo, napaalam na pupunta ng cr.

Pagtapos kong magcr ay nakasalubong ko ang isa kong pinsan na si Caleb, hinanap ko si Aesha na kapatid n'ya dahil pansin ko na wala s'ya rito.

"Ewan ko ba dun. Baka kasama yung bago n'yang boyfriend... may bago na naman kaming bubugbugin ni Brent." Sabay tawa n'ya. Pinalo ko lang s'ya sa braso at sabay kaming pumunta sa pwesto ulit nila Ericka. Andon na si Brent at Archer.

Tinuro ako ni Brent nung makita n'ya ko, tumayo si Archer at niyakap ako. Binulungan ako nito... "Bakit hindi ka tumawag? Don't drink too much, wag ka nang gumaya kay Ericka. She's drunk and you're tired." Pahabol na bulong n'ya sakin. Tinapik ko ang braso nito nginisian.

Tinignan ko si Ericka na pumipikit pikit na habang nakaupo, sinampal ko 'to ng mahina pag upo ko.

"Ano? Uwi na ta'yo?" inayos ko ang damit n'ya at buhok. Inilingan ako nito at kumuha ulit ng panibagong inumin pero hinablot ko ito sa kanya at inilayo. Tinawag ko si Kael na nakikipag-usap sa isang kakilala para pagpatulong sa pag alalay kay Ericka. Lasing na lasing tsk.

"Oh uuwi na kayo?" rinig kong tanong ni Brent.

"Uuwi na tayong lahat." Sagot sa kanya ni Archer, narinig ko pa itong umangal pero wala ring nagawa. O'sge! Maiwan ka dito magisa!

Si Kael at Brent na umalalay kay Ericka, binalik ko ang tingin ko sa mga taong nagsasaya sa bar, nakita ko ang kakambal ni Ericka na si Erickson na nakikipagsayaw pa. Hindi lang sayaw ginagawa ng isang to, nakikita ko ang pagbaba ng kanyang kamay sa bewang ng kasayaw n'ya. Nilapitan ko ito at tinapik sa braso.

Gulat s'yang napatingin sakin at tinuro pa 'ko "Raine, andito ka pala!" inirapan ko ito at hinila s'ya. "Oo, andito ako at uuwi na tayo." Narinig ko ang pagtawag n'ya sa pangalan ng kasayaw n'ya.

Dinampot ko na din si Caleb na nagsasayaw din. Umangal pa ito ngunit walang nagawa. Sa dalawang taon ito na ata ang trabaho ko tuwing lumalabas kami tuwing gabi, laging tagahila ng mga lasing.

Medyo lasing na ang dalawa kaya medyo nahirapan ako sa pagbitbit sakanila sa palabas kung nasaan ang mga kapatid ko at pinsan naming lasing na nagaantay.

 Nagulat pa si Kael nung nakita ang paglabas ko sa Night Club dahil ang akala nya ay nasa loob na ko ng sasakyan namin. Inilingan ko ito at inalalayan ang dalawang pinsan kong lasing papasok sa sasakyan ni Kael. Dalawa ang dala nilang saksakyan, yung kay Kael at Archer dahil sa bahay daw sila matutulog.

"Hey, sa sasakyan ka ni Kuya Archer sumakay. Dito na sakin yung dalawang lasing na to. And also Brent." Pagtutukoy n'ya sa dalawang naming pinsan na si Erickson at Caleb na lasing. Si Brent naman ay hindi ganon kalasing.

Tumango ako kay Kael at pumunta sa kotse ni Archer. Binuksan ko ang likod kita ko si Ericka na natutulog at si Dave. Oh san galing 'to si Dave? Parang di ko naman nakita kanina sa loob. Batid kong lasing 'din ang isang 'to.

"Get in Raine. Tabihan mo na si Ericka jan." sabi ni Archer na nakaupo sa harapan. Tumango ako at tumabi kay Ericka. Inayos ko ang damit n'ya.

"Asan si Dylan?" Pagtatanong ko kay Archer habang tumitingin sa labas.

"Maybe he's still inside. Pupuntahan ko lang." pagsagot ni Archer sakin. Inilingan ko ito at sinagot "Ako na. Dito ka na lang. Mabilis lang ako" hindi ko na inantay ang sagot ni Archer at binuksan ang kotse.

Tinakbo ko pabalik ang Night Club, bumungad ulit sakin ang mga nagsasayaw na tao. Hinanap ko si Dylan sa mga nagsasayaw ngunit wala s'ya. Binati ulit ako ng mga taong kakilala. Nginitian ko lang ang mga 'to. Hindi ko makita si Dylan.

Palabas na sana ako ng makita ko ang likod nito, likod pa lang nito ay kilala ko na. He's wearing a simple black longsleeve polo na nakatupi hanggang siko n'ya. Nilapitan ko ito at kinalabit.

"Dylan, let's go. Nagaantay na sila do'n." Tumingin s'ya sakin pero inirapan lang ako nito at nagiwas ng tingin. Aba't attitude amp! Kanina pa 'to irap ng irap sakin.

"Ang arte mo! Buti nga binalikan pa kita rito! Bahala ka riyan!" inis na sabi ko at tinalikuran ito.

Rinig ko ang mag "tsk" n'ya pagtalikod ko, naramdaman ko ang paghabol n'ya at pagakbay sakin. Siniko ko ang tiyan n'ya at kita ko ang paghawak n'ya rito. Sinamaan n'ya ko ng tingin.

"Damn! That's hurt." Tinawanan ko lang ito at nauna na kong maglakadpalabas ng Night Club. Narinig ko pa ang tawag n'ya kaso mas binilisan ko paang lakad ko. Bahala ka jan!

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now