19

23 4 1
                                    

Hinila ko agad si Kael at Archer palabas ng bahay para tignan ang mga fireworks sa langit. Narinig ko ang tawa ni Daddy sa likod namin. Inakbayan ako ni Kael habang pinapanood namin ang iba't ibang kulay na fireworks.

Inakbayan ako parehas ni Kael at Archer habang ngumingiti sa camera ni Daddy, ngumiti ako ng malapad habang nagpopose. Nakailang picture 'din kaming magkakapatid, lumapit sakin si Daddy para kaming dalawa naman.

"I wish your mother is here." Niyakap ko si Daddy patagilid. Nakita ko ang pasimple n'yang pagpunas ng kanyang luha.

Tinignan ko ang dalawang kapatid ko na nasa harapan namin na nakangiti. Si Kael ang may hawak ng camera habang tumatawa si Archer sa gilid ni Kael.

Masaya kami kahit kulang kami, siguro mas masaya kung andito si Mommy. Tumingala ako at nakita ang napakadaming bituin sa langit. Kahit maraming fireworks ay nakikita pa 'rin ang napakadaming bituin. Tinitigan ko ang pinaka-makinang na bituin. Ang sabi ni Mama kapag may namatay ka na mahal sa buhay at tumingin ka sa langit. Kung ano daw ang pinaka-makinang na bituin ay s'ya 'yun.

Ngumiti ako at tinitigan ang pinaka-makinang na bituin.

Sana po ay andito kayo kasama namin... Maraming salamat po Mommy. Bantayan n'yo po kami lagi. Mahal na mahal ka po naming magkakapatid.

Pagpasok namin sa bahay ay nagyaya na ng inuman si Archer, pabiro kong tinulak si Kael na nagtetext sa harapan ko. Nakita ko agad ang pagka-kunot ng kanyang noo. Dumiretyo ako sa duyan kung saan nilatag ni Archer ang mga alak.

"Bakit ang dami?" Nagtatakang tanong ko kay Archer dahil ang dami n'yang alak na hinahanda.

"Dadating sila Ericka." Tumango ako at inayos ang mga pagkain sa lamesa.

Maya maya ay naunang dumating ang kambal. Pansin ko ang maikling damit ni Ericka. Bar ba ang pupuntahan 'nito? Humalik s'ya sa pisnge ng nakatalikod na si Kael, nakita ko ang inis na pagpunas ni Kael do'n at bahagyang tinulak si Ericka. Tinapik naman ni Erickson ang balikat ng dalawang kapatid ko.

"Ang arte mo!" singhal sa kanya ni Ericka saka lumapit kay Archer para bumati 'rin. Dumiretyo s'ya sa tabi ko at yumakap. Tinignan ko ang suot n'ya at napailing.

"Bar ba ang pupuntahan mo?"

"Tse!" pagirap n'ya sakin.

Napatingin naman ako sa nag gulo ng buhok ko, si Erickson na umuupo sa tabi ko.

"Kailan uwi ni Dylan?" Ngiting tanong n'ya.

Napaiwas ako agad ng tingin sa bigla n'yang pagtatanong. "Hindi ko alam..."

Tumawa s'ya at tinusok ang baywang ko. "Dalaga na."

Mabilis kong pinalo ang braso n'ya at inirapan. Natigil lang ang pagtawa n'ya 'nung dumating sila Caleb.

Mabilis na umupo si Aesha na nakasimangot sa tabi ni Ericka. Napano na naman 'to? Pansin ko ang pamumula ng magkapatid na lalaki, mukhang nakainom na ang mga 'to. Lumapit samin ang nakangiting si Caleb pero ng mapansin ang mukha ng kapatid na babae ay napawi ang ngiti sa labi.

"Tumigil ka Ae, kapag nakita ko 'yang boyfriend mo bugbog talaga samin 'yan ni Brent."

"Don't ruin the night, Aesha. I told you, niloloko ka ng boyfriend mo." Sabi ni Brent habang umuupo sa tapat namin.

"Stop it, Kuya Brent. Hindi s'ya katulad mo."

"Brent!" Sigaw ni Caleb at mabilis na inawat ang kapatid dahil sa biglang pag-tayo 'nito.

Mabilis na lumapit 'din ang dalawang kapatid ko. Hinila ni Archer si Brent palayo samin at kinausap. Lumapit naman si Caleb sa kapatid dahil nag simula ng umiyak.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now