11

25 5 0
                                    

Dumating ang araw ng Sabado, ngayo'ng araw ay ang Christmas event na magaganap sa University. Napagkasunduan ng section namin ang kissing booth. Maraming natuwa at alam kong marami ring nabigo dahil ang inaakala nila ay isa sa mga lalaki kong pinsan ang maaassign do'n. Isa si Kristine sa representative namin sa kissing booth habang ako naman ang magaasikaso sa mga bayad.

'Nung una ay naboto ako pero nang maalala nila ang dalawa kong kapatid ay napalitan ako agad ni Kristine. Hindi ako nagalit ng mapalitan ako, sa totoo lang ay mas gusto ko pa 'yun.

Nagulat 'din ako sa biglang pagiging okay ni Kristine matapos ang usapan nila ni Brent pero wala pa 'din akong alam kung anong meron sa dalawa dahil hindi naman naoopen sakin ni Krsitine.

"Ulan! Matagal ka pa ba?" Rinig kong sigaw ni Kael sa labas ng kwarto ko.

"Anjan na!" Sinuot ko ang rubber shoes ko. Nakat-shirt akong maroon dahil 'yun ang napili ng section namin na kulay para sa booth namin at naka jeans. Nagsuot ako ng headband na manipis at naglagay ng liptint.

Lumabas ako at naabutan ang nagtetext na si Kael habang nakasandal sa may dingding. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa.

"Ang tagal mo. Maganda ka na naman bakit nag papaganda ka pa?" Ngiti n'ya sakin.

"Bolero." Inirapan ko s'ya saka naunang maglakad.

Tumawa kami at sabay bumaba para pumasok. Nakatanggap ako ng text kay Kristine na inaantay n'ya na ko sa field ng Universirty namin kung saan nakalagay ang napakaraming booth.

"Nameet ko na si Amara, Kael." Paguumpisa ko kay Kael.

"Oh sila na ulit?"

"Oo." Tumango ako habang nakatingin ng diretyo sa kalsada. "E 'ikaw? Kailan ko mame-meet ang girlfriend mo?" dugtong ko pa.

Napansin ko ang pagkagulat n'ya sa tanong ko.

"W-wala akong girlfriend..." Tumango tango ako sa kanya at hindi na ulit nagsalita.

Tinanggal ko na sa isipan ko ang nakita ko sa restaurant. Ayokong pangunahan si Kael at mas lalong ayoko s'yang pakielamanan.

Nang makarating sa University ay napakarami ng tao. Halo halo ang mga estudyante, kahit mga high school ay may mga hinandang booth din, may mga magkakaparehas pa ng booth. Isa ito sa pinakagustong event ng mga estudyante. Habang naglalakad sa field ay tinitignan ko ang bawat nadadaanan na booth. May mga tumawag pa kay Kael at tinatanguan n'ya ang mga 'to. Hinatid ako ni Kael sa booth namin.

"Punta na ko sa booth namin. Take care." Pasimple n'yang ginulo ang buhok ko. Hinawi ko agad ang kamay n'ya saka inayos ang buhok ko. Kumaway lang sakin si Kael at naglakad na paalis.

Tumingin ako sa mga classmate kong nakatingin din sakin. Lumapit ako sa pwesto ni Kristine.

"Ang sweet sayo pero ang sungit sa iba." Rinig kong sabi ni Kristine. Tumawa ako at tinignan s'ya. Nakaskirt s'ya habang suot ang t-shirt naming kulay maroon.

Nagumpisa na ang booth namin. Apat ang napili sa section namin para sa kissing booth, dalawang lalaki at babae. Ang akala ko ay simpleng kissing booth lang pero naisipan ng isa sa mga classmate namin na magbenta ng kahit anong merch ng may kasamang kiss.

Maraming pumila samin at karamihan ay pumila sa dalawang lalaking classmate ko. Puro babae ang nasa booth namin.

Alas dose na ng napatingin ako sa nagtiliang mga babae, nakita ko ang mga pinsan kong lalaki kasama si Kael. Napailing ako. Pakiramdam ko ay mangtritrip ang mga 'to.

"Kailangan ba bumili pa ng merch para makakiss sa kanila?" Rinig ko ang malanding tanong ni Erickson sa isa sa mga classmates ko. Nahihiya naman tumango ang classmate ko.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now