9

47 4 3
                                    

Mabilis ang lakad ko papunta kung saan ang tinext sakin ni Ericka, nakalipat na s'ya ng ibang shop. Ramdam ko ang pagsunod ni Dylan pa rin sakin. Naabutan naming nagbabayad si Ericka at pansin ko na konti lang ang pinamili n'ya dito. Tinignan ko ang paligid at nakitang wala sila Erickson kaya tinanong ko si Ericka kung asan sila.

"Pinauna ko na sa Mcdo, naiirita ako e reklamo ng reklamo." Sabi ni Ericka ng makalapit na samin. Tinignan ko ang mga hawak n'ya, medyo marami 'yun kaya kinuha ko sa kanya ang iba.

"Anong binili mo?" Tanong n'ya sakin habang hinahanap ang binili ko.

"Notebook at ballpen lang." Maikling sagot ko sa kanya saka umiwas ng tingin. Hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol sa librong binili ko. Kahit wala naman 'yun sa kanya ay hindi ko pa rin sinabi dahil nahihiya ako lalo na tuwing naaalala ko ang malapitang mukha ni Dylan.

Hinablot ni Dylan ang mga paper bags na hawak ko, gulat akong napatingin sa kanya at sa tingin ko ganon rin si Ericka.

"Wow Dylan! Yung kay Raine kinuha mo pero yung dala ko hindi?" Nagtatakang tanong ni Ericka. Inirapan lang s'ya ni Dylan pero hindi kinuha ang mga dala n'ya.

Tumingin sakin si Ericka sabay tingin kay Dylan, bago pa magsalita si Ericka ay kinuha ko na sa kanya ang mga paper bags at inabot kay Dylan saka hinila si Ericka kung asan sila Erickson. Rinig ko ang buntong hininga ni Dylan sa likod, tumawa naman si Ericka dahil do'n.

Pagpasok namin sa Mcdo ay kita agad sila Erickson. Tumawa sila 'nung makita nila si Dylan sa likod.

"Oh Kuya? Kailan ka pa naging taga bitbit?" Tanong ni Dave habang tumatawa. Nag apir pa si Erickson at Brent.

"Tsk." Yun lang narinig ko kay Dylan.

"Oh di pa kayo umorder?" Asik ni Ericka.

"Aba malay namin kung matagal ka pa?"

"Bwiset! Kayo umorder do'n!" Iritang sabi ni Ericka habang umuupo. Dahil mukhang walang balak ang mga 'to ay ako na lang ang nagpasya.

"Ako na lang oorder, ano ba gusto n'yo?"

Ngumiti naman ng malapad si Erickson at Brent saka sinabi ang mga order nila. Napailing na lang ako batid kong sinadya nilang damihan dahil minsan lang daw ako manlibre. Sinabi na rin ni Ericka at Dave ang sa kanila.

Tumingin ako kay Dylan para tanungin ang order n'ya, umiling s'ya at tumayo.

"I'll come with you." Napatango na lang ako kahit sa loob loob ko ay ayoko s'yang sumama. Kinakabahan ako kapag magkasama kaming dalawa.

Hangga't maari ay lumalayo ako sa kanya, ayokong marinig n'ya ang mabilis na tibok ng puso ko dahil baka magtaka s'ya. Natatakot din akong malaman n'ya na gusto ko s'ya...

Nauna ako sa kanya pumunta sa may pila, nagtitingin ako habang nakapila na. Ramdam ko rin ang pagpila ni Dylan sa likod ko.

"What do you want baby?" Nagulat ako pero hindi ako tumingin sa kanya. Nanginginig kong sinabi ang order ko habang nakatingin ng diretyo sa harap.

"Okay." Simpleng sabi n'ya saka s'ya humakbang sa counter para umorder. Tumango ako at gumilid, nilabas ko ang wallet ko saka nagabot ng pera sa kanya.

Tinignan n'ya yun saka umiling "Keep it, it's my treat."

"H-hindi Dylan, masyadong maraming inorder ang mga pinsan ko..."

"Don't hurt my ego baby, keep it please." Napaiwas ako ng tingin at dahan dahan binaba ang kamay. Ayokong makipagtalo sa kanya lalo na nanghihina ako bawat tawag n'ya sakin ng ganon.

Nang binigay na ang mga order namin ay lumapit ako ng konti para tulungan s'ya pero inilayo n'ya sakin 'yun.

"Go to our table, I can do this."

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now