27

26 5 1
                                    

Nakahinga ako ng maluwag habang papalabas kami ni Krsitine ng room. Tapos na ang prelims namin. Makakapagpahinga 'rin ng konti tapos sunugan ulit ng kilay para sa finals.

"Night Club kayo mamaya?"

Umiling ako, "Hindi sa bahay lang. Sama ka ah?"

"Sasamahan ko si Mommy mamayang gabi, I'm sorry."

"Okay lang."

Tumango ako kay Kristine para magpaalam, naglakad ako papunta sa parking lot.

Napahinto ako ng marinig ang bell na nanggagaling sa high school building. Nanliit ang mata ko sa nakita.

Si Kael galing sa building na 'yun.

Hindi na ko nagdalawang isip tawagin s'ya, nagulat s'ya at dali dali n'yang hinanap ang tumawag sa kanya. Napahinto s'ya sa tapat ng high school building.

Hindi ko na s'ya hinintay makalapit sakin at tumakbo na ko papunta sa kanya.

"Anong ginagawa mo 'dito?" Tumingin pa ko sa likod n'ya kung nasan ang high school building.

"Ah..."

"Babe naiwan mo 'yu-"

Napatingin ako agad sa likod n'ya. Parehas kaming nagulat sa isa't isa. Napaatras ang paa ko pag tingin ko kay Kael.

"A-Anong..." Binalik ko ang tingin ko sa babae.

"Raine..." Lumapit sakin si Kael at tinangkang hawakan ang kamay ko pero agad kong nilayo ang kamay ko sa kanya.

Tinitigan ko sila. Napayuko si Bella habang si Kael ay nakatingin sakin na para bang nagmamakaawa.

Umiling ako at nag lakad patalikod. Narinig ko ang tawag ulit sakin ni Kael pero tuloy tuloy ang lakad ko. Namuo ang luha sa mga mata ko.

Ano 'yun, Kael? S'ya ba ang pinupuntahan mo? S'ya ba ang tinatago mo samin? Bakit ka n'yang tinawag na babe? Bakit kasama mo 'yung high school na nagbigay sa'yo ng cup cakes?

Bigla akong kinabahan at natakot sa posibleng mangyari.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng matanaw si Dylan sa tapat ng sasakyan n'ya. Nakatingin s'ya sa cellphone n'ya saka nilagay sa tenga. Nang makita ako ay agad agad s'yang lumapit sakin.

"Where have you been?"

Ngumiti ako at tumuro sa likod, "Kay Kael."

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Kanina pa kita tinatawagan, pinakaba mo ko." Inis na sabi n'ya sabay yakap sakin.

"Sorry."

Humiwalay s'ya sakin at tinignan ako sa mukha. Tumaas ang kilay n'ya habang sinusuri ang itsura ko. Kinabahan ako baka mahalata n'ya ang pag-iyak ko.

"Are you okay?"

Tumango ako at ngumiti.

"Okay." Ngiting sabi n'ya saka ako hinila sa sasakyan n'ya.

Pumasok ako at pumasok naman s'ya sa driver seat. Tumingin ako sakanya, kahit gustong gusto kong sabihin sa kanya ang nakita ay hinayaan ko na lang sa sarili.

Sorry Dylan

"Ihahatid muna kita at uuwi muna 'rin ako para makapagpalit."

Tumango ako at tumingin sa labas.

Tahimik kami hanggang maihatid n'ya ko sa bahay. Alam kong pansin n'ya ang pagiging tahimik ko pero hindi s'ya nag tangkang magtanong.

Ngumiti ako at kumaway sa papaalis n'yang sasakyan.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now