32

16 4 1
                                    

"Iabot mo muna 'to sa bisita mo at hahanapan ko s'ya ng damit." Tumango ako kay Mama at kinuha ang tuwalyang binigay n'ya.

Naabutan kami ni Mama sa ganong posisyon kanina. Pinagalitan pa kaming dalawa kahit hindi n'ya kilala si Dylan dahil sa pagpapaulan namin.

Nakita kong niyayakap ni Dylan ang sarili habang nakaupo sa maliit naming sala. Naglapag si Leo ng kape sa harap ni Dylan. Nagpasalamat naman si Dylan at bahagyang uminom sa kape'ng binigay sa kanya.

Napatingin s'ya sakin ng lumapit ako kaya inabot ko ang tuwalya. Umiling s'ya at inurong sakin ang tuwalya.

"Maligo kana. Magkakasakit ka n'yan."

"Oo mamaya, kunin mo na baka magkasakit ka 'din."

"I'm fi—"

"Kunin mo." Mariin kong sabi

Wala s'yang nagawa kaya kinuha n'ya agad. Napatingin ako kay Mama na lumapit samin at inabot kay Dylan ang mga damit.

"Ito muna ang gamitin mo. Sa papa ni Raine 'yan sana'y magkasya sa'yo." Ngiting sabi ni Mama.

Tumingin ako kay Dylan sa pagtayo n'ya at kinuha ang damit. "Thank you."

Nabasa ang ibang damit ni Dylan na nasa loob ng damit n'ya kaya inaasikaso 'yun ni Mama. 'Nung una ay tumatanggi si Dylan dahil siguro'y nahihiya s'ya pero wala s'yang nagawa kaya pinaubaya n'ya na lang ang mga gamit n'ya.

Tumingin s'ya sakin, "Maligo kana din."

Tumango ako at tinuro ang cr sa bandang kusina. Sinamahan naman s'ya ni Leo.

Naligo naman ako sa loob ng kwarto ko.

Anong ginagawa ni Dylan dito? Tanga lang Raine? Malamang ay sinundan ka! Iwan mo ba naman e!

Bigla akong kinabahan. Ano na kayang nangyari sa Manila? Sila Evany?

Mabilis kong tinapos ang pag ligo ko. Lumabas ako at naabutan s'yang kinakausap ni Mama.

"Ano ka ba ni Raine, hijo?"

"Boyfriend po."

Bigla akong namula sa sinabi n'ya. Napatingin s'ya sakin dahil nasa likod ako ni Mama. Nakasuot na s'ya ng puting damit at itim na short na sa tingin ko ay kay Papa.

May sasabihin pa sana si Mama kaso ng makitang nakatingin si Dylan sakin ay napatingin 'din s'ya sakin.

"Raine, samahan mo ang nobyo mo mag-agahan."

Tumango ako kay Mama, "Opo."

Niyaya ko si Dylan papunta sa kusina. Nauna akong maglakad dahil sa kabang nararamdaman. Kaming dalawa lang ang nasa kusina.

Umupo s'ya sa pang apatang upuan sa lamesa. Nagsandok ako ng sinangag at nilapag sa harap n'ya. Binuksan ko ang nakatakip, itlog, tuyo at hotdog ang andon. Tinignan ko s'ya at nakitang nakatingin 'din s'ya sakin kaya napatalikod ako agad.

"G-Gusto mo ba ulit ng kape o juice?" Kinakabahang tanong ko dahil ramdam ko pa 'rin ang pagtitig n'ya sa likod ko.

"Tubig ang gusto ko."

"O-Okay."

Dumiretyo ako agad sa ref. para kumuha ng tubig para sa kanya.

Nanginginig kong nilapag ang tubig sa harap n'ya at nanatiling nakatayo sa harap n'ya.

"Upo." Seryosong sabi n'ya at tinuro ang upuan sa harap.

Tumango ako at dali daling umupo.

"Hindi ka kakain?" Seryosong tanong n'ya sakin.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now