12

33 5 1
                                    

"Raine, itutuloy ko pa rin ang panliligaw ko sayo..." Rinig kong sabi ni Andre sa tabi ko ilang minuto ng umalis si Dylan. Ano bang problema mo Dylan? Hindi ko maintindihan ang mga kilos mo.

Tumingin ako sa kanya. "Sorry Andre."

"Raine..."

"Pre, wag mong pilitin kung ayaw." Rinig kong sabi ni Archer na seryosong nakatingin kay Andre na nasa labas.

"Archer..." Inilingan ko s'ya pero inirapan n'ya ako saka lumipat ng pwesto.

"Pasensya na."

"Sorry Raine. I just really like you... hindi kita pipilitin but we can be friends right?" Tumango ako sa kanya. Pakiramdam ko ay magmumukha akong masama kung kahit 'yun man lang ay hindi ko maibibigay kay Andre. Sa tingin ko ay mabait naman si Andre.

"Oo naman."

"Thank you."

Nang matapos ang dalawang oras ay hinayaan kong ihatid ako ni Andre sa booth namin, pero bago ako umalis sa booth nila Archer ay kinuha ko ang 20k na iniwan ni Dylan. Ibabalik ko 'to sa kanya, masyadong malaki ang pera na 'to.

Pansin ko ang mga ngiti ng tao samin habang pabalik na ko sa booth namin. Umiling na lang ako sa kanila.

"Salamat." Ngumiti ako sa kanya saka tumango.

"Your always welcome." Ngiti n'ya rin sakin saka umalis.

Pagharap ko ay ngiti agad ni Kristine ang bumungad sakin. Inirapan ko s'ya habang s'ya ay tumatawang lumalapit sakin.

"So... anong nangyari?"

"Wala naman, Kristine." Simpleng sabi ko sa kanya. Wala naman talagang nangyari bukod sa eksena ni Dylan.

Hindi ko s'ya maintindihan. Lalo na sa pagbabayad n'ya ng 20k para lang makalabas ako do'n. Ayokong magisip ng iba, baka umasa lang ako...

Hindi na sumagot si Kristine pero bakas pa rin sa mukha n'ya ang pangangasar n'ya. Tinignan ko ang oras at nakitang alas tres na ng hapon. Ako na ang ulit ang pumalit sa isang classmate ko na nagaasikaso ng mga bayad.

Hanggang alas singko lang ang event na 'to. Konti na lang ang merch namin. Nakaupo na ang iba sa mga classmates ko dahil siguro sa pagod na 'rin. Mag aalas singko nang tumalikod ako para uminom ng tubig. Lumapit sakin si Kristine at bumulong.

"Kuya mo."

Humarap ako at bumungad agad sakin ang nakabusangot na mukha ni Dylan, umiwas ako agad ng tingin at tumingin sa mga kasama n'ya. Kasama n'ya si Archer at Dave.

"Hi Raine! Sabi ko sayo pupunta kami e." Ngiting sabi ni Dave.

"Wala kang sinabi sakin." Pagkukunwari kong sabi.

"Meron kaya!" Inilingan ko lang s'ya saka lumapit sa kanila ng konti.

Tumitingin sila sa mga merch, konti na lang 'yun. Nakita kong kinuha ni Dylan ang isang dream catcher na kulay violet. Tinignan n'ya yun at para bang namangha. Nalipat naman ang tingin ko kay Archer na nagabot sakin ng pera saka lumapit sakin para halikan ako sa gilid ng buhok ko.

Napaikot ang mata ko. Ako lang ang nagaasikaso sa mga bayad pero bakit sakin sila kumikiss? Tsk!

Nang makapili si Dave ay lumapit s'ya sakin na nakangiti. Inabot n'ya sakin ang saktong bayad saka lumapit para ikiss ako kaso biglang may humila sa kanya.

"Pick the other girl." Rinig ko ang malamig na boses ni Dylan. Lumapit s'ya sakin saka inabot ang bayad. Tinignan n'ya ang mukha ko.

"Here." Medyo malambing na sabi n'ya, napaiwas ako ng tingin saka mabilis na kinuha ang bayad n'ya. Napababa ang tingin ko ng magsimula na naman ang puso ko.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now