35

24 3 4
                                    

"Ulan! Ang tagal mo!"

Napairap ako sa sigaw ni Kael sakin. Inayos ko ang kwintas na bigay ni Dylan at tinignan ang sarili sa salamin. Naka black off shoulder dress matching with white ankle strap heels ako.

Sinuot ko ang headband na regalo sakin ni Kael at nag lagay ng konting make up.

Kinuha ko ang sling bag ko at ang apat na paper bag na regalo ko para kay Archer, Amara, Caleb at Dylan.

Nakasimangot na si Kael pag labas ko ng kwarto ko. Napangiti ako at nag peace sign sa kanya. Inirapan n'ya ko at kinuha ang dala kong paper bags.

Gumaling na ang mga sugat ni Kael pero ang puso n'ya kaya gumaling na 'din? Tinignan ko s'ya habang bumababa kami sa hagdanan.

Pagtapos ng usapan namin ni Kael 'nung nasa ospital pa s'ya ay hindi na n'ya nabanggit sakin si Isabella. Kahit 'nung nakalabas na s'ya ng ospital.

Hindi muna pinapayagan si Kael uminom kung saan at magdrive ng sasakyan dahil sa nangyari sa kanya.

Binuksan ni Kael ang van at pinauna akong pumasok. Si Manong ang paghahatid samin sa University para sa graduation nila Archer.

Nauna na si Daddy at Archer samin dahil may ceremony pa kaya napagdesisyunan namin magpipinsan na pumunta na lang kapag tapos na ang ceremony.

Mismong sa gate kami binaba ni Manong. Pagbaba namin ay marami ng tao ang nagpapasukan.

Hinawakan ko ang kamay ni Kael dahil takot ng maipit habang nakikipagsisikan sa mga tao.

Dumiretyo kami sa field kung saan nagaganap ang graduation. Malayo pa lang ay nakita ko na ang mga pinsan kong maingay.

Nagpipicture sila. Lumapit kami at nakipagsisikan para masali sa picture.

"Congrats, Cher!" Niyakap ko si Archer at inabot ang regalo ko sa kanya.

Ginulo n'ya ang buhok ko, "Thanks, ulan."

Tinignan ko si Amara na kausap sila Ericka. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang tiyan n'yang medyo halata na.

Ngumiti s'ya at hinawakan 'din ang tiyan n'ya, "Hi, Tita ulan!"

"Congrats, Amara." Inabot ko ang regalo ko sa kanya at niyakap 'din s'ya.

"Thank you, Tita ulan."

Tumawa ako at hinawakan ulit ang tiyan n'ya. Ngumiti ako sa nakangiting si Tita Cha sakin sa likod nila Amara.

Napatingin ako sa nagsigawan, pinagkakaguluhan si Caleb ng mga classmates n'ya para magpapicture.

"Teka... Aray!" Tumawa kami ng naapakan ang sapatos n'ya.

Inis s'yang naglakad palapit samin habang kumakamot sa ulo.

"Hirap talaga maging gwapo!"

"Feeling mo naman gago!" Rinig kong sigaw sa kanya ni Erickson.

Maraming ng tumitingin samin dahil sa gulo at ingay ng mga pinsan ko. Inabot ko ang regalo ko kay Caleb. Agad naman s'yang napangiti sakin.

"Ito ba?"

Napairap ako at tumango. Tumawa s'ya at agad akong niyakap.

"YES! Thank you, ulan!"

Tinapik ko ang braso n'ya at nakitawa na 'rin sa kanya. Nirequest n'ya sakin ang bagong labas na medyas ng nike, medyo may kamahalan pero binili ko naman.

Nagpicture pa kami ng ilang beses magpipinsan. Medyo tumagal dahil maraming nakikisama na mga classmates nila Caleb.

"Raine."

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now