17

26 5 1
                                    

Ala una na ko ng hapon nagising, napatingin ako sa tabi ko at nakitang natutulog pa 'din si Ericka. Si Aesha naman ay wala na sa loob ng kwarto, siguro ay bumaba na s'ya. Tumayo ako para maghilamos, pagkatapos ay tumingin sa bintana, sa baba ng bintana makikita ang balkonahe ng resthouse.

Pagsilip ko ay nakita ko sa baba ang nag-uusap na si Dylan at Caleb. Parehas may hawak na sigarilyo ang dalawa habang topless. Tinignan ko ang magulong buhok ni Dylan, ang gwapo n'ya kahit ganon ang buhok n'ya. Napatingin ako sa mukha n'ya. Napasandal ako ng dahan dahan sa bintana nang mapatingin sa mga labi n'ya. Hinithit n'ya ang sigarilyo saka binuga ang usok.

Sa lahat ng nakita kong taong naninigarilyo, s'ya lang ata ang gusto kong titigan. Napaiwas agad ako ng tingin ng bumaba ang tingin ko sa katawan n'ya. Ayokong magkasala ang inosente kong mga mata!!

"Hoy!" Napatingin ako sa baba ng sigawan ako ni Caleb.

Nakita ko ang mabilis na pagkawala ng sigarilyong hawak ni Dylan. Nag-angat s'ya sakin ng tingin. Napatingin ako sa kanya at mabilis ako kinindatan, napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko namula ako sa ginawa n'ya.

"Tulog pa si Ericka?"

"Gising na ko dahil sa ingay mo!" Napatingin ako sa nagtataling buhok na si Ericka sa gilid ko na sumilip din.

"Ano ba yan! Magdamit nga kayo! Kadiri!" Sigaw ni Ericka sa kanila sa baba.

Tumawa naman si Caleb saka pinalo ang katawan. "Anong kadiri? Maraming gustong makakita nito 'no! Swerte n'yo nga e libre n'yong nakikita."

Napatingin ako sa tumatawang si Dylan, pumipikit s'ya habang nakatingala samin dahil sa silaw sa araw.

"Yuck!" Inirapan ni Ericka si Caleb saka tumalikod. Humarap ako ulit sa baba at nakitang nakatingin pa rin sakin si Dylan, nabaling lang ang tingin n'ya sa iba nang sikuhin s'ya ni Caleb. Natatawang umiling si Dylan.

Tumalikod naman ako para maligo. Habang naliligo ay napahawak ako sa kwintas na suot ko. Naalala ko ang nangyari kagabi, napatingin ako sa salamin at tinitigan ang namumula kong mukha. Hinawakan ko ang kwintas saka tinitigan sa salamin.

Dylan...

Napapikit ako, pakiramdam ko'y mababaliw ako sa mga ginagawa ni Dylan para sakin.

Matapos maligo ay nagsuot ako ng short at t-shirt. Napansin ko ang dalawang jacket na nakapatong sa bag ko, dali dali ko 'yun kinuha saka tinago sa bag. Akin muna ang mga 'to, ibibigay ko na lang kapag nalabhan ko na.

Paglabas ko ay andon si Aesha, inaantay ako matapos maligo para maligo na s'ya. Sinuot ko ang regalo ni Kael sakin saka lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Archer at Brent sa kusina.

"Mahal na prinsesa, buti naman po at gising na kayo." Napairap ako sa pagbibiro ni Brent sakin. Tumatawa naman s'ya habang palabas sa kusina.

Umupo ako saka inabot sakin ni Archer ang plato na may pagkain na. "Thanks, Cher."

Tumango s'ya sakin saka umupo sa harap ko. Napatingin s'ya sa leeg ko at tumaas ang kilay.

"Bigay n'ya?" Tanong n'ya sakin. Kahit wala s'yang nabanggit na pangalan, alam ko na agad kung sino ang tinutukoy n'ya.

"Oo." Nahihiyang sabi ko.

"Dalaga na." Ngumiti ako sa sinabi ni Archer saka umiling. Ngayon ko lang naintindihan ang sinasabi n'yang 'yun.

Maingay na pumasok sa kusina si Caleb, Erickson at Dylan. Napaiwas ako agad ng tingin dahil nakahubad pa 'rin ang dalawa.

"Pwedi ba? Magdamit kayo! Pakiramdam ko ay hindi ako makakakain ng maayos." Singhal sakanila ni Ericka habang pumapasok sa kusina. Umupo s'ya sa tabi ko saka nagpaabot ng pagkain kay Archer.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now