18

35 4 32
                                    

"Kristine, hayaan mo na nga si Brent." Sabi ni Ericka habang pumipili ng damit. Nasa mall kami ngayon dahil nagyaya si Ericka at sakto naman ay niyaya 'din ako ni Kristine dahil mukhang may problema ang isang 'to.

"Ano bang nangyari?" tanong ko kay Kristine.

"Hindi n'ya na ko kinakausap, simula 'nung nagpunta kayo sa Batangas."

Napaisip ako, limang araw na ang nakalipas 'nung nagpunta kami 'don. At saka nakita ko pa ang pagtetext ni Brent 'nung nasa van pa lang kami at 'nung nasa Batangas na 'din kami.

"Ganon katagal? Nag-away ba kayo?" tanong ni Ericka.

Umiling naman si Kristine. "Hindi nga e, sinubukan kong puntahan sa kanila ang kaso ay wala daw sabi ni Aesha."

"Kasama lang s'ya nila Erickson kagabi ah?"

"Hindi ko alam, Ericka. Naguguluhan na ko kay Brent. Okay naman kami bago kayo umalis, hindi kaya may nakilala s'ya sa Batangas?"

"Gaga! Andon kami ni Raine paano makakakilala ng bago 'yun." Sabi ni Ericka habang tinatapat ang isang damit sakin. "Teka nga lang, kayo ba?" dugtong n'ya pa at napatingin kay Kristine. Napatingin 'din naman ako kay Kristine.

"H-hindi." Nanlaki ang mata ko.

"Ano?! Akala ko kayo?" inis na sabi ko kay Kristine. Napayuko s'ya samin ni Ericka. Kita ko 'rin ang inis sa mga mata ni Ericka.

"Hindi ko kasi alam, Raine. Basta gusto namin ang isa't isa... pero hindi kami." Mahinang sabi n'ya. Napairap naman si Ericka saka kinuha ang cellphone. Lumapit naman ako sa kaibigan para aluhin dahil nagsimula na s'yang umiyak.

Pinaupo ko s'ya sa mga upuan do'n. Pansin ko ang mga tinginan ng mga tao samin. Hinagod ko ang likod ni Kristine. Napatingin ako kay Ericka na may kausap sa cellphone.

"Asan kayo?... Pumunta kayo dito! ... Oo punyeta ka!" Rinig kong sabi ni Ericka. Napatawa ako dahil sa mga sinasabi n'ya.

Nang matapos sa tawag ay pumunta s'ya sa pwesto namin ni Kristine. Nagmumura pa s'ya habang nilalagay ang cellphone sa bag.

"Tara, pupunta sila Erickson dito. Dun tayo mag-antay sa ice cream parlor." Tumango ako saka inalalayaan ang humihikbing si Kristine, napairap si Ericka saka umalalay 'din kay Kristine.

Pagpasok namin sa ice cream parlor ay kakaonti lang ang mga tao. Si Ericka na ang umorder para samin. Nanghingi ako ng tubig para kay Kristine. Umupo sa harap namin si Erika.

"Hayaan mo na si Brent, Kristine. Sa kanilang lahat s'ya pinaka malala."

"P-pero ang sabi n'ya gusto n'ya ko..."

"Naniwala ka naman?" Prangkang sabi ni Ericka. Sinipa ko ang paa n'ya sa ilalim ng lamesa saka pinanlakihan ng mata. Inirapan n'ya naman ako.

Naiyak ulit si Kristine sa sinabi ni Ericka. Sa dalawang pinsan kong babae si Ericka ang pinaka prangka. Matapang ka n'yang sasagutin at tatanungin.

Ilang minuto ay maingay na pumasok ang mga pinsan kong lalaki, nakita ko ang panlalaki ng mata ni Brent sa kasama naming si Kristine. Tatalikod na sana s'ya kaso tinulak s'ya ni Caleb. Napatingin naman ako sa seryosong si Dylan na nakatingin kay Brent. Tinapik n'ya ang balikat nito saka dumiretyo sa upuan namin.

Umupo sa tabi ko ang bagot na bagot na si Kael habang hawak ang cellphone. Hinila naman nila si Brent at tinulak sa katabi kong si Kristine, sinamaan ko agad ng tingin si Brent. Napayuko si Kristine at nakita ko ang pasimple n'yang pagpunas ng luha.

"Mag-usap kaya muna kayo?" Napatingin naman sakin si Brent at Kristine. Inirapan ko si Brent at hinawakan ang braso ni Kristine.

"Tsk! Let's go." Kinuha ni Brent ang kamay ni Kristine at hinila palabas. Tatayo na sana ako ng maramdaman ang dalawang kamay na pumatong sa balikat ko at parang pinapaupo ako ulit. Napatingin ako do'n at nakitang si Dylan 'yun. Umupo s'ya sa tabi ko at ngumiti.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now