15

32 7 2
                                    

Pagkatapos ng gabing pag-uusap namin ni Dylan ay hindi ko na ulit s’ya kinausap. Natigil na din ang pagtetext at pagtawag n’ya sakin. Siguro nga ay sila na ulit ni Steph. Mapait akong napangiti sa naalala. Masaya ako kahit papano na sila na ulit. Sinusubukan ko na ‘rin kalimutan ang anu mang nararamdaman ko para sa kanya.

Sumasama na ulit ako kay Ericka, nag-sorry pa nga s’ya sakin kahit wala naman s’yang kasalanan. Sa mga lakad namin ni Ericka ay laging wala si Dylan. Minsan kapag anjan naman s’ya ay hindi ko pa ‘rin s’ya tinitignan.

“Nakabili kana?” Tumango ako sa nagsalitang si Kael sa tabi ko.

Nasa mall kami ngayon para bumili ng mga regalo. Nabilhan ko na ang lahat ng kailangan kong regaluhan. Nagmamadali pa nga kami ni Kael sa pagbili dahil biya-biyahe pa kami mamaya papuntang Batangas.

“Teka lang, Kael. Antayin mo na lang dito.” Paalam ko sa kanya. Tumango s’ya sakin habang nakatingin sa cellphone n’ya.

“Bilisan mo lang. Tinext ko na si Kuya.” Tumango ako sa kanya saka mabilis na tumalikod.

Naghanap ako ng padalahan ng pera sa loob ng mall. Nang makakita ay dali dali akong pumunta. Magpapadala ako ng pera kala Mama sa Cebu. Wala kasi akong regalo sa kanila at para kahit papano ay may panghanda sila. Nang mapadala na ang pera ay tinawagan ko si Mama.

“Hello anak?”

“Ma, nagpadala po ako ng pera sa inyo ngayon.”

“Hala anak… nagpadala ka na naman? Sinabi ko na sa’yo na hindi mo na kailangan gawin ‘yun.”

“Ma, pang dagdag po ‘yun para sa handa n’yo mamaya.”

“Hindi mo na kailangan gawin yun… nagpapadala ‘din ang Daddy mo samin ‘di ba? At saka may trabaho ‘din kami ng Papa mo kaya kahit papano ay may pera kami rito… wag mo na kaming intindihan anak.”

“Ma, okay lang po ‘yun. Pang dagdag gastos na ‘rin po… tatawagan ko po kayo mamaya.”

“Salamat anak… mag-iingat kayo ng mga kapatid mo jan.”

“Ingat ‘din po kayo nila Papa jan, Ma. Miss ko na po kayo…”

Pagkatapos ng tawag ay nagpasya akong balikan kung saan ko iniwan si Kael, habang papunta kay Kael ay napadaan ako sa isang boutique, nakita ko ang nakasabit na isang dream catcher na kulay violet. Nilapitan ko 'yun at hinawakan. Naalala ko ‘nung may event sa school, naalala ko ang mukha ni Dylan nang hawakan n’ya ang dream catcher.

Dali dali ko ‘yun binili kahit walang naiisip kung kanino ibibigay.

Pagkatapos ay pinuntahan ko na si Kael na palinga linga at nakasimangot na. Napangiti ako dahil mukhang inip na inip na s’ya.

“San ka ba galing? Nasa labas na sila Kuya.” Nakabusangot pa ‘rin ang mukha n’ya sakin. Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang mukha.

“Papangit ka n’yan.” Ngiti kong sabi sa kanya.

Inis n’yang hinawi ang kamay ko saka kinuha ang mga hawak kong pinamili namin kanina. Paglabas namin ay andon na ang van. Nang buksan ‘yun ni Kael ay bumungad ang mga pinsan ko. Sa tingin ko ay diretyo na kami sa batangas.

“Ang tagal!” Inis na sabi ni Ericka habang pumapasok ako. Umupo ako sa tabi ni Caleb.

“May dinaanan pa kasi ako, sorry.”

“Okay lang kung regalo mo sakin ang dinaanan mo.” Tumawa s’ya kaya napaikot ang mata ko.

Tumingin ako sa likod namin, naka-upo do’n ang magkapatid na si Aesha at Brent. Natutulog si Aesha habang nakasandal sa nagtetext na si Brent. Sa harap ko naman ang kambal na katabi si Kael. Katabi naman ng driver si Archer.

Loving you (Y #1)Where stories live. Discover now