Chapter 4: Makeover
“Alam mo pare what you need in a make over” sabi ni Tonio sa akin habang nagkakape kami sa lounge. “Bakit may problema pa sa porma ko pare? Ganito naman dapat ang suot ng executive diba?” sabi ko sa kanya. “Pare twety four ka lang at when people look at you sa ganyan na formal na suot you look older. Araw araw ka naka slacks, tie and coat, nakalimutan mo na ata magsuot ng casual attire e” sabi nya. “Oo nga pare eh, alam mo the last time I wore maong pants was the day before graduation. After that work agad dito, lahat ng damit ko sa cabinet panay polo, tie, slacks, tapos pambahay na yung iba” sabi ko sa kanya at tumawa sya.
“Well pare you should wear clothes na pang yuppie, alam mo may tauhan ka dito na magaling sa fashion sense, si Gege ka department ko” sabi nya. “Sus babae yon e, mahihiya lang ako don” sabi ko sa kanya. “Bading sya pare, Gerald Genio alysas Gege pero magaling sya pare ha” sabi nya at tumawa ako. “Bakla ang magdadamit sa akin? Ano papasok ako dito naka butterfly costume? O kaya alitaptap hairdo with matching poise and gay mannerisms?” sagot ko at tawa kami ng tawa. “Pare sige na try mo lang, papuntahin ko sa opis mo mamaya” sabi nya. “Ulol, alam mo naman na medyo aloof ako sa bading, sumama ka” sabi ko at tawa sya ng tawa.
One hour later kasama ni Tonio si Gege na pumasok sa opisina ko. “Gege, I heard from Tonio you are good, so I need a total make over in terms of appearance” sabi ko agad at tinignan ako ng bading from head to foot. “Okay naman suot mo sir, ano ba gusto mo mangyari sa itsura mo?” tanong nya. “Gusto ko maging sirena” biro ko at nagsimangot ang bakla pero si Tonio tawa ng tawa. “Just kidding Gege, I want to look my age, 24, sabi ni Tonio mukha daw ako matanda dito sa suot ko” sabi ko sa kanya. “I see, well e di magsuot ka ng uso, jeans, tucked in na polo, tie, tapos coat, then sneakers o diba?” sabi nya at di ko sya maimagine. “Di ko magets itsura ko pag ganon” sabi ko.
“Hay naku sir, talagang di mo maimagine kailangan natin magpunta sa mall para matry mo talaga. May shop ang friend ko doon tayo para pwede tayo mag matching ng babagay sa iyo” sabi nya. “Ngayon na?” tanong ko. “Pwede naman in ten years sir” bawi nya at tinignan ko ang computer, “May bakante ata ang janitorial baka gusto mo ilipat kita doon?” biro ko at tumawa ang bakla. “Si sir talaga, nagbibiro din ako” sabi nya.
Nagpunta kami sa shop ng kaibigan nya at madami ako sinubukan na damit. After thirty minutes nagustuhan ko ang nakita ko sa salamin. “Wow, ok to ah” sabi ko at tumawa ang mga bading. “Saan kweba ka ba nagtago?” tanong ni Gege at napangiti ako. “Pero executive ako tapos ganito suot ko? I mean naka jeans ako tapos sneakers, pero upper part polo and tie then coat? It looks good pero baka naman di na ako magmukhang executive nito?” sabi ko.
“Hellow! Ganyan ang uso! Sabi mo something that suits your age o ayan na. You can also lose the tie pero you have to open the bottons of your shirt. Madami combination ang pwede sa jeans. Pero sir suggest ko din you have to change your haircut, dapat naman medyo bagets ka, semikalbo tapos magpalagay ka ng hikaw sa tenga” sabi nya at tawa na ako ng tawa. “Sobra naman na ata yon” sabi ko sa kanya. “Try mo lang, ang nagpapapangit lang sa iyo ay yang buhok mo, masyado dry parang iskoba ng banyo, maganda naman shape ng head mo so try mo lang” sabi nya. “Sige antayin niyo ako dito” sabi ko at dumireto ako sa barbero at nagpasemikalbo. Pagbalik ko nakangiti sila sa akin.
“Ayan e di nadagdagan ka ng pogi points, plus two” sabi nya at parang nasiyahan ako sa sinabi nya. “Talaga? Ilang points ko in total?” tanong ko. “Two” sagot nya at natawa ako. “E si Tonio ilan?” tanong ko at tumili sila, “One hundred” sabi nya at nanghinayang ako bigla. “Paakyatin mo naman ang pogi points ko sa kahit ten man lang” sabi ko at tawa sila ng tawa. “Hay naku sir alam mo di lahat nakukuha sa kagwapuhan, kailangan mo lang ay tamang pagdala sa sarili mo at sa suot mo, at higit sa lahat ugali” sabi nya.