Chapter 7: Secret Admirer
Sumapit na ang first grading exams ni Miyu at tarantang taranta sya, sabado ng umaga at nagising ako sa sobrang ingay ni Miyu. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko syang kinukulit ang mga ate nya na tulungan syang mag review. “Miyu umagang umaga ang ingay ingay mo” sabi ko habang nagtipon sila lahat sa living room sa second floor. “Kuya kasi ayaw nila ako tulungan mag aral” sabi nya. “Bakit di mo ba kaya mag aral ng mag isa?” tanong ko. “Kaya pero natatakot ako bumagsak, ayaw ko umalis dito. Gusto ko pa dito e, baka pag bumagsak ako papaalisin mo na ako tapos makikitira nanaman ako sa tita ko e pangit don e” sabi nya at natawa nalang ako. Nakisiksik ako kina Loreen at Celine saka kumandong sa akin si Miyu. “Kuya tell them naman to help me your girlfriend” lambing ni Miyu at nagtawanan kami lahat.
“Kasi naman tell them nicely, sige na sigurado ako if you ask them nicely papayag naman sila. Mababait naman sila so sige na ask them properly” sabi ko at tila nahiya pa sya. “Mga ate help niyo naman ako mag study kasi pag bumagsak ako wala na kayong cute little sister dito. Tapos mawawalan pa ng girlfriend si kuya…pag nangyari yon malulungkot sya at madedepress” sabi ni Miyu at napakamot ako pero nagtawanan lang mga ate nya. “Sige sagot ko na english subjects mo” sabi ni Liezl. “Akin yung math” sabi ni Loreen. “Science and health sa akin” banat ni Tessa at tuwang tuwa si Miyu. “May cooking subject ka ba? Ayaw ko ng tagalong subjects, lutuan nalang kita mamaya ng masarap na pagkain” sabi ni Jaja at tawa ng tawa si Miyu. “Boyfriend ko na magtuturo ng iba” sabi ni Miyu sabay yakap sa akin. “Sige na acting boyfriend lang naman e” sabi ko. “Anong acting? Totoo kaya, mag syota tayo” sabi ni Miyu at natawa ako.
“Asus, ni hindi nga kita niligawan e” sabi ko sa kanya. “Kahit di mo ako ligawan kuya alam ko naman may lihim kang pagtingin sa akin e” sabi nya at tawa ng tawa yung iba. “Speaking of lihim may nagtext sa akin kagabi and this morning, di ko alam kaninong number yon” sabi ko sa kanila. “Ano sabi naman kuya?” tanong ni Tessa. “Nag I love you e, Miyu baka ikaw naman yon?” tanong ko at tinignan niya ako, “Hala kuya bakit ko pa itetext ang ganon, I love you kuya, o sasabihin ko diretso, alam naman ng lahat loves kita e” sabi nya at ang tindi ng tawanan ng iba pagkat feel na feel talaga ni Miyu ang pagkasabi.
“Lahat naman ng number niyo nakasave sa phone ko, pano ko ba malalaman sino yon?” tanong ko sa kanila. “Akin na number niya aawayin ko yang bruhang yan!” sigaw ni Miyu. “Kuya ayaw mo non may nagmamahal sa iyo na di mo alam” sabi ni Liezl. “If I know kinikilig ka e” sabi ni Loreen sabay siko sa akin. “Baka ikaw naman yon?” bawi ko sa kanya at nagulat sya. “Hindi ha, alam mo naman number ko e” sabi nya. “Ah nevermind na nga lets go eat breakfast, Miyu after breakfast mag aral ka na” sabi ko at lahat kami bumaba na.
After breakfast dinalaw ako ni Tonio at naglaro kami sa kubo. “Pare parang problematic ka ata” sabi nya sa akin. “May nagtetext sa akin pare ng I love you, di ko alam kaninong number” sabi ko. “Akin na tawagan natin” sabi nya. Binigay ko ang number sa kanya at agad niya tinawagan, “Ano pare?” tanong ko. “Shhh nagriring pare” sabi nya. Pagkatapos ng ilang sandali pinatay niya ang phone, “Di sumasagot pare e” sabi nya. “Nagriring so that means wala sa kanila kasi alam ko numbers nila” sabi ko. “Malay mo pare naka dual sim sila or dalawa phone nila” sabi nya at bigla ako napaisip. “You think isa sa kanila pare?” tanong ko at tumawa sya. “Malamang kasi you don’t socialize much, sino lang ba nakakaalam ng number mo? Ako di ko naman pinamimigay number mo, malamang pinagtritripan ka lang nila pare” sabi nya sa akin.
“Ay siya nga pala pare dumating tita ko from the States, eto pala para sa iyo” sabi niya at may nilabas siyang box sa dala nyang bag. “wow! PSP! Hahaha damn matagal ko nang gusto bumili pero lagi ko nakakalimutan” sabi ko. “Tatlo kasi inuwi niya, isa sa akin at sabi niya isa sa iyo” sabi nya. “Si tita talaga akala niya siguro bata pa tayo” sabi ko at bigla kaming naupo sa sofa at tinesting ang PSP. “Pare nakakaadik talaga, alam mo ba napuyat ako dahil dyan. Imbes na bumil ako ng games pare may pwede idownload sa net tapos burn mo nalang or lagay mo sa memory card” sabi nya. “Shet mahina ako sa pc stuff, ah ok lang nandyan naman si Loreen” sabi ko at tinukso nya ako. Alam ni Tonio na may namamagitan sa amin ni Loreen at alam din niya na nabinyagan na ako pero di ko na sinabi sa kanya ang tungkol kay Jaja at Celine.