Chapter 15: Meow!
“Kuya bakit parang matamlay ka and have you visited your grandpa?” tanong ni Celina. Naupo sya sa sofa at tinawag ako para ihiga ko ulo ko sa lap nya, nahiga naman ako at minasahe nya ang ulo ko. “Oo nga no, dapat pumunta na ako mamaya or else madami tao na bukas” sabi ko. “Tara lets go later, have you eaten breakfast, sigurado ko hindi, tara lets go eat out” sabi nya ulit. Naligo ako ng mabilis at pagkalabas ko ng banyo pumasok sa kwarto si Celina, “Ei kuya, don’t wear something fancy, wear something super ordinary lang like me” sabi nya at nakita ko sya parang naka pambahay lang. “E madaming tao din siguro don e” sabi ko. “So? Sige na para naman terno tayo” sabi nya at natawa ako.
Thirty minutes at lumabas na kami, “kuya wag tayo magkotse, lets commute” sabi nya at nagtataka na ako sa binabalak nya. Pareho kaming naka walaking shorts lang at shirt at nagpunta kami agad sa pinakamalapit na resto, “Kuya wag dito sa turo turo tayo” sabi nya at talagang naninibago na ako sa kanya. Pumayag ako at nagpunta kami sa malapit na turo turo, nag enjoy ako sa pagkain dito at matagal narin kasi ako di nakakain sa turo turo. Napansin ko si Celina na medyo iba ang ginagalaw at parang ayaw pa nya kumain. “O bakit di ka kumakain, niyaya mo ako dito tapos ganyan ka” sabi ko. “Wala, first time ko kumain sa ganito” sabi nya at natawa nalang ako. “Ikaw talaga niloloko mo ako, sige na kain na masarap ang food tapos lets go to my Lolo later” sabi ko at di ko alam kung nagsisinungaling si Celina o hindi dahil parang tense syang kumakain.
Mausok sa turo turo pero masarap ang pagkain, sobrang dami ang nakain ko at aliw na aliw si Celina sa akin. “Grabe gusto ko pa ng inihaw pero sasabog na tummy ko” sabi ko sa kanya at tawa sya ng tawa. “See if we ate sa resto it would be expensive, dito mura lang but look madami kang nakain at nag enjoy ka pa” sabi nya. “Oo pero ikaw parang di ka nag enjoy” sabi ko. “I did enjoy the food naman pero figure conscious kasi ako” sabi nya. “Walang ganyanan, walang figure figure pag ganito, madaya ka, mamaya gabi dito ulit tayo tapos bukas ng umaga aysus delicious ang tapsilog” sabi ko at aliw na aliw sya talaga.
Pagkalabas namin nabibigatan ako sa katawan ko kaya inalalayan niya ako maglakad. Out of nowhere may tumigil na sasakyan sa tapat namin at bumukas ang bintana at nagulat ako pagkat si Anya at Tonio yon. “Hey Pare whats up?” tanong ni Tonio. Lumabas sila ng kotse at napatingin sa akin si Celina, “kahit anong marinig mo ride on ka lang” bulong ko sa kanya. “Tony why don’t you invite your driver to the party tonight” sabi ni Anya at tinignan nanaman ako ni Celina. “Pare may Halloween party mamayang gabi punta ka” sabi ni Tonio sa akin at nilalakihan niya mata nya para senyasan ako na may problema sya. “Hi, come tonight at the party, wear a costume, Tony told me today is your day off. Oh is she your girlfriend?” tanong ni Anya at napatingin ako kay Celina. “Ah no” sabi ko at biglang umentrada si Celina, “I am the maid of sir Tony” sabi nya, nagulat kami ni Tonio pero ride on lang kami. “Okay, you can come too, have you eaten?” tanong ni Anya. “Yes mam, we ate here” sabi ko at tinuro ko ang turo turo. “Pare kausapin nga kita saglit” sabi ni Tonio at naglakad kami palayo habang naiwan si Anya at Celina.
“Pare, hard to get ito pare. Kailangan pumunta ka sa party mamaya, buti ka pa naka score ka kay Maria Ozawa, potek ako zero pare. Can you believe pagkaalis niyo hinatid ako sa bahay agad. Di ako makaangal pero wala ako magawa. Mahihirapan ako dito pero okay naman kasi nagtetext naman kami at lumabas kami the other day pero nagpasama lang sa mall ulit” sabi nya. “Oh nasan na ang Tonio magic mo pare? Akala ko ba lahat ng babae napapaamo mo e bakit eto parang nahihirapan ka ata, kasi ba english ang salita nya?” biro ko at ngumisi lang sya. “Iba ito pare, parang okay pero mamaya parang hindi, at least good sign pre kasama ko parin siguro sipag at tiyaga lang ano?” sabi nya. “Oo naman, pare ikaw si Tonio kahit girlfriend ng bestfriend mo kaya mo sulutin, be strong pare I have faith in you” sabi ko at napangiti nalang sya.