1

816 4 0
                                    

Chapter 1: Pagpapakilala

"Aha! Porn nanaman siguarado yan!" sigaw ni Tonio nang pumasok sya sa aking opisina, agad ko sinara ang laptop ko at nagpasimple pagkat nabuking nanaman nya ako. "Ano kailangan mo pare?" tanong ko sa kanya. "Asus sinara pa o, patingin nga pare, ikaw talaga mahilig ka parin sa porn dapat kasi maghanap ka na ng girlfriend mo pare. 24 years old ka na wala ka pang girlfriend and to top all that virgin ka pa!" sabi nya nang buksan nya ang laptop ko.

"Ang kapal ng mukha mo din magsermon sa akin ng ganyan ano? Meron ako girlfriend dati, sino kaya nanulot sa kanya...teka sulot is not the right term...sino ang umahas sa kanya? Kinama agad bago ako, ano pare nakokonsensya ka na sa ginawa mo? She was my first girlfriend and probably the only girl na pumatol sa akin tapos inahas mo sya, ganyan ba ang best friend pare?" sumbat ko at tumahimik sya at naupo.

"Pare up to now ba di mo ako napapatawad sa ginawa ko?" tanong nya. "Duh! Kung ako kaya gumawa non sa iyo pare ano din mararamdaman mo? Madali lang siguro sa iyo kasi gwapo ka pare, e mga tulad namin na wala itsura? Pare kay hirap ko sya napaibig sa akin tapos isang gabi lang kayo nagkakilala kinama mo agad, ahas ka pare e" sabi ko sa kanya at nagsisimula nanaman ako mag init. "Sorry pare, I know di mo na ako mapapatawad sa ginawa ko and I am thankful kahit ganon nagawa ko sa iyo binigyan mo parin ako ng trabaho. Mabait ka masyado pare and there will come a time na may iibig din sa iyo dahil sa kabaitan mo" sabi nya. "Shut up ka na nga! Yung time na yon dumaan na okay? Inahas na sya ng bestfriend ko. Fuck it pare, wag na nga natin pag usapan yan baka mabugbog pa kita e" sabi ko sa kanya at nanahimik na sya.

"Pare, isang tanong lang, kaya mo ba sya nilipat sa isang company niyo para parusa sa akin na di kami magsama dito?" tanong ni Tonio. "No pare, kasi pag nandito kayong dalawa can you imagine the pain I will go through everyday pag nakikita ko kayo? Pag nakikita kita natitiis ko kasi kaya naman kita bugbugin anytime pag nagalit ako pero pag sya nakita ko lalo ako nagagalit e at di ko kaya pagbuhatan ng kamay ang babae kaya mas mabuti pa sa malayo sya" sagot ko. "So hindi mo kami mapapatawad pare?" tanong nya. "Nope, never will pare" sabi ko. "Pero you still take me as your bestfriend?" tanong nya. "Yup, and take note pare boss mo ako, gusto man kita saktan pero wag na waste of time lang yon, mas maganda na ganito at utusan kita kaya wala kang karapatan magreklamo" sabi ko. "Wala akong balak pare, so ano pupuntahan ba natin lolo mo today?" tanong nya. "Ay oo nga pala no, sige bili ka ng favorite ensamada nya tapos meet me at the parking lot" utos ko at agad sya umalis.

Pagdating namin sa ospital madaming tao sa kwarto ni lolo, agad kami pumasok ni Tonio at lahat sila napatingin sa akin. "Demet Lolo buhay ka pa?!" sigaw ko at biglang tumawa ang lolo ko. "Jeff pakainin mo nga lolo mo, nag iinarte nanaman e, dinalhan na nga namin ng pagkain ayaw nya galawin" sabi ng tita ko. "Hi Kuya!" sabi ng pinsan kong mga twins, pareho silang maganda at mestiza, sana di ko nalang sila pinsan. Niyakap ako ng dalawa kong pinsan at tumawa nanaman ang lolo ko. Sinenyasan ko si Tonio para iabot ang ensamada at agad ito kinain ng lolo ko. "Yan si Jeff alam niya ang gusto ko, oy akin lahat to kung gusto niyo kumain kainin niyo yang dinala niyo" sabi ng lolo ko at parang bata itong kumain.

"Sige daddy aalis na kami at ihahatid ko pa tong dalawa sa school nila bago sila malate sa next class" sabi ng tita ko at umalis na sila lahat. Sinara ni Tonio ang pinto at nginitian ako, "Hoy Tonio mga pinsan ko mga yan, wag mo babalakin" sabi ko sa kanya at tumawa ang lolo ko. "Actually apo di mo sila pinsan" sabi ni lolo at napatingin kami sa kanya. "Nakita mo tita mo? Kayumanggi, yung asawa nya kayumanggi, yung twins mestiza, sige nga pwede ba mangyari yon?" sabi ni lolo at natawa ako. "Lolo ang puti nga ni tita e" sabi ko sa kanya. "Pumuti dahil sa pera, nakita mo ba kung may rosy cheeks sya? Wala! Pekeng kaputihan, yung twins natural mestiza kaya pwede mo sila patulan" biro ni lolo. "Lolo virgin pa si Jeff" banat ni Tonio at tumawa nanaman ang lolo ko. "Alam ko, torpe kasi yan nagmana sa akin at sa tatay nya, help me up Tonio at maglalaro kami ng chess ng apo ko" utos ni lolo at agad sya inalalayan ni Tonio.

BNK B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon