20

1.1K 9 5
                                    

Chapter 20: Secret Admirer Revealed.

Desyembre na at ang bilis sumikat ng Tweetums, nagrequest sila ng follow up commercial kaya eto nanaman kami back to shooting sa naisip na ideya ni Miyu. Madilim ang bahay at nakapakama sila lahat. Dahan dahan sila bumababa ng hagdanan at nakakapit sila kay Jaja. Nakita nila ang anino, may pigtail ulit.

“Sabi ko na nga ba si Miyu nanaman yan” sabi ni Tessa. “Nandito kaya ako” sabi ni Miyu at inilawan nila ang mukha niya. “Ha? E sino yan?” sabay sabay nila sinabi. Inilawan nila ang tao at ako naman ang inosenteng nakatingin sa kanila may hawak ng cake sa kamay. May suot akong headband na pigtail at sabay sabay nilang binigkas

“Daddy?!!!”

“Cut!” sigaw ni direk at nagsimula na ang tawanan. Naka twenty takes kami sa scene na yon pagkat pati crew tinatawanan itsura ko. Super halakhakan ang mga tao at kahit ilang beses na nila ako nakitang ganon. Pinilit nila si direk makita ang raw video at pati si direk di mapigilan ang pagtawa. “Oh lagyan na ng pigtail ang lahat para sa pictorial, Miyu at bossing kayo na mauna” sabi ni direk at nagphoto shoot kami ni Miyu na magkasama, pareho kami naka pigtail. Lahat ng girls kasama ko din nagpapicture at sobrang saya namin.

“Naiimagine ko na billboard ni Kuya” sabi ni Tessa at siya naman ang tawa ng tawa habang kumakain kami ng breakfast the next day. “Oy sa January na siguro ipapalabas yan” sabi ko pero bungisngis parin sila. After breakfast nagpahinga kami lahat bago sinimulan ang badminton tournament. Unang match kami ni Maureen kalaban sina Liezl, nanalo kami at dun na nabuking ang galing ni Maureen. Last match of the day sina Miyu at Tessa kalaban ang twins, masama ang loob nina Miyu pagkat ang galing ng mga pinsan ko. Halatang nagsisisi sila at masama ang itsura. “Ang daya naman ang gagaling niyo pala” tampo ni Miyu. “Ayan kasi over confident ka, ayan ano talo ka” biro ko at bigla syang ngumiti. “Okay lang be sport, pero ang daya naman sana sinabi niyo na magaling kayo pati si teacher ang galing e” drama nya at tawa kami ng tawa. Dahil don natigil ang tournament, sumuko na sila pero kailangan daw ng panibagong tournament para sa summer para makapag practice ang lahat.

Nagkaroong ng emergency meeting ng hapon at sumama sa akin si Maureen sa office. Di pa ako kailangan sa meeting kaya tumambay muna kami sa office ko, si Tonio ang namumuno ng meeting kaya medyo nagkalandian kami ni Maureen sa sofa. Nalaglag sa sahig ang phone ko at pagpulot ko napindot pindot yon at nakatapat sa number ng secret admirer ko. Napatitig ako sa phone ko habang pinaghahalikan ako ni Maureen sa leeg. “Itabi mo na yan sayang oras” bulong nya at talagang nanggigil sya sa akin. Habang pinaghahalikan niya ako naisip ko subukan tawagan ang number, nagring ito at after three rings papatayin ko na sana pero sinagot ito. Di nagsasalita ang secret admirer ko pero naririnig ko ang boses ni Tonio. Pinatay ko ang phone at tumayo, nagulat si Maureen at tinignan ako, “Bakit?” tanong nya. “I have to go to the meeting” sabi ko. “E di ka pa pinapatawag ah” sabi nya. “I know pero I have to go now, will you be okay here?” tanong ko at ngumiti sya, “Uy wag kang magtatagal ha” landi nya at nahiga sa sofa.

Agad ako nagpunta sa conference room at nagulat sila lahat at tumayo. “Seat down everyone, Tonio please continue” sabi ko at naupo ako sa isang gilid at pinagmasdan ang mga tao sa loob. Babae ang secret admirer ko at tatlo lang ang babae sa loob ng kwarto. Bumilis ang tibok ng puso ko pagkat nandon si Nadine, pero may dalawang babae pang iba na employees ko. Imposible na si Helen yon pagkat may asawa na sya at dalawang anak, napatingin ako kay Liza, dalaga pa sya at maganda din pero napatingin ako kay Nadine at imposible naman na sya yon.

Napatitig ako kay Liza, phone nya nasa tapat nya, nilabas ko ang phone ko at tinawagan ang number, nagriring ito pero di umiilaw ang phone ni Liza. Natatakot ako tumingin kay Nadine pero naglakas loob na ako, napatingin sa akin si Nadine at umiilaw ang phone nya. Imposible ito, bakit ito nangyayari sa akin, all this time niloloko niya ako parin ako. Nagkatitigan kami ni Nadine at napansin yon ni Tonio, nagkatitigan si Tonio at Nadine sabay lumipat ang tingin ni Tonio sa akin. Parang alam niya ang nagaganap at napansin ko ang parang takot sa mukha niya. Di parin ako makapaniwala, di ko alam ano nangyayari, pareho ba nila ako niloloko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BNK B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon