Chapter 9: Pagbabago
Malaki ang pinagbago ni Miyu after that night we had, hindi na sya nagsusot ng pigtail at dalaga na sya pag gumalaw. Matakaw parin sya pero conscious na sya sa pangangatawan at suot nya. Araw araw ako kinukulit ni Maureen kung pano ko sya pinagbago pero di ko sinasabi ang totoo. Lalo daw naging inspired mag aral si Miyu pero si Loreen napapansin kong palayo ng palayo sa akin.
Tapos na ang midterms nila at dumating na ang resulta ng grades sa akin. Di ko ito binasa at tinago ko nalang para sila nalang ang magsabi sa akin ng totoo. Inaantay ko ang oras sa opisina, katatapos lang ng lunch at todo laro ako sa PSP ko. May kumatok sa pintuan ko at pagbukas ay nagulat ako pagkat si Loreen yon. Naupo si Loreen sa upuan at napansin kong kakaiba ang kinikilos nya. Tinago ko ang PSP nya at tinabihan ko na sya.
“Napadalaw ka ata, is there a problem?” tanong ko. “Meron, I have to tell you something” sabi nya at nakinig naman ako. “Kuya, lately iniiwasan kita” sabi nya. “Oo nga e napansin ko yon may nagawa ba ako? At akala ko ba Jeff ang tawag mo sa akin?” tanong ko. “Please kuya let me finish” sabi nya at medyo alam ko na, kuya na ulit ang tawag niya sa akin at alam ko hindi maganda itong susunod na maririnig ko.
“Lately iniiwasan kita, its not your fault, its my fault. No hindi ako bumagsak, pero kuya I like someone else. Second year sya, kuya I thought it was just attraction, so medyo tinimbang ko maigi. Medyo guilty ako pag kasama ko sya kasi I feel I am doing you wrong. That is why pareho ko kayo iniwasan to see sino ang mas matimbang” sabi nya sa akin. “Wag mo na ituloy kwento mo, I get it already. You chose him, its okay I understand na talagang pipiliin mo ang gwapo” sabi ko at napaluha na sya.
“Di naman kuya, I love you naman talaga pero di ko maexplain kasi e” sabi nya. “Oo naiintindihan ko, wag ka mag alala sanay na ako dyan. Gwapo sya diba?” tanong ko at nanginginig ang mga bibig nya at tinignan nya ako. “Its not that naman e kuya” sabi nya. “Pero gwapo nga sya diba?” hirit ko. “Opo, pero kuya hindi naman yon e, sweet din sya at napapatawa nya ako, matalino sya sobra and he is my age” sabi nya. “Its okay you can stop crying now, manhid na ako pagdating sa ganyan, it’s a risk I had to take really. Sorry I cant show you any emotions kasi my first relationship ended in a similar way so don’t worry its fine” sabi ko at bumalik na ako sa upuan ko.
“Pero kuya im really sorry. I love you still kuya pero…” sabi nya. “Oo na, I love you too. Stop crying and go back to school” sabi ko sa kanya. “No kuya, I have to go home and pack my things” sabi nya. “Bakit aalis ka na sa bahay ko?” tanong ko at tinignan niya ako. “Yes, kasi nakakahiya na e, iniwasan mo ex mo so nagpasya ako na umalis nalang ako baka kasi pag nakikita mo ako lalo ka lang maiinis e” sabi nya. Tumayo ako at lumapit sa kanya, niyakap ko sya at niyakap nya din ako.
“Loreen, you don’t have to do that. Someone taught me na kahit ganito ako pwede naman pala ako mahalin. At ikaw yon, you gave back my confidence, and you made me a man wag mo kalimutan yon” sabi ko at natawa sya at pinalo nya ako. “Stop crying Loreen, you can stay in my house kahit na ganito nangyari sa atin. I admit I am hurt pero wala ito, ang mas mahalaga lagi kita nakikita to remind me na I can be loved for who I am. Ikaw bata ka pa that’s normal, ayaw ko naman ipilit sarili ko sa iyo talaga, if I did that e di sana galit na galit ako ngayon sa ginawa mo. So that’s life and I just have to accept it. Hurt I may be pero if I see you I know that there is another person who will be able to love me, when I see you iisipin ko na its possible. So don’t go away just for that okay?” sabi ko at napangiti sya.
“So tell me more about this guy, baka naman niloloko ka lang nya” sabi ko at niyakap nya ako ng mahigpit. “Well he is younger in age kasi genius daw sya, pero second year na sya. Champion sila sa debate kuya, and his name is Pipoy” sabi nya at natawa ako. “Pipoy? Seryoso ka?” tanong ko at tumawa sya. “Yup, nickname nya lang, pero his name is Paul Francis, he is tall and so mabait. Sabi nila babaero daw pero hindi naman, when we talk he seems gentle and kind. Lagi nya ako napapatawa kuya just like you” sabi nya. “Okay, tama na at magseselos na ako” sabi ko at tumawa sya. “Kuya do you hate me?” tanong nya. “No I don’t. Eto promise ko sa iyo, walang magbabago. Although no more kissing and you know pero that’s okay, I want you to be happy, pag happy ka sa kanya okay na ako. Pero pag sinaktan ka nya lagot sya sa akin, lagi sya sa kuya mo” sabi ko at ngumiti sya. “No hard feelings?” tanong nya. “Pag niyakap mo pa ako ng mahigpit e magkakahard feelings talaga ako sa baba” biro ko at tawa sya ng tawa.