Chapter 18: Maureen versus Anya
The next day sinundo ko si Miyu pero nagulat ako pagkat nandon si Tessa at kasama nila si Maureen. “Tessa what are you doing here?” tanong ko at biglang humarap sa akin si Miyu. “Kuya, magprapractice kami ni Tessa dito sa gym, at may bagong team na nabuo, ikaw at si teacher Maureen magsasama” sabi niya at napatingin ako kay Maureen. “Ha? Bakit sinama kami e tournament niyo yon?” tanong ko. “Basta para mas maganda pag madaming teams, at sure talo naman kayo e so parang saling pusa lang kayo” sabi ni Miyu. “Tara na sis practice na tayo” sabi ni Tessa. “Kuya late kami uuwi ni ate Tessa, wag mo sabihin sa iba na nagprapractice kami dito ha, sige na magsama na ang talunan at magprapractice pa kami” sabi ni Miyu at nagtawanan kami ni Maureen.
Umalis na sina Tessa at Miyu at naiwan kami ni Maureen at parang nagkakailangan. “I missed you” sabi ko at ngumiti sya. “Ihahatid mo ba ako sa bahay?” tanong nya. “Actually I have a better idea, lets go eat dinner” sabi ko at agad kong hinawakan ang kamay nya. “Uy Jeff makikita tayo ano ka ba?” sabi nya. “I don’t care, so what kung mabuking, eventually malalaman din nila so tara na” sabi ko at naglakad na kami papunta sa kotse at nag dinner sa labas.
Natapos na kami mag order at magkalapit kaming nakaupo sa isang sulok ng resto, tinitigan ko lang si Maureen at natatawa sya sa akin. “Hoy matutunaw naman ako sa katititig mo” sabi nya. “E miss nga kita e, ano magagawa ko kung gusto kita titigan ha, may angal ka ha?” biro ko at tawa sya ng tawa. “Sira namiss din kita” sabi nya at bigla niya ako hinalikan sa labi. “Wow di ko alam mahilig ka pala sa MSSI” sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay. “Anong MSSI?” tanong nya. “You kissed me in public” sabi ko at ngumiti sya at hinalikan ulit ako, “PDA, public display of affection, MSSI ka dyan” sabi nya. “MSSI ano, Mamatay Sila Sa Inggit” paliwanag ko at ang tindi ng tawa nya.
“Bilib naman ako at nakagawa ka ng paraan para magsama tayo” sabi nya at kahit na di ito planado e inako ko na. “Well I want to be with you, and araw araw pwede na tayo magsama” sabi ko. “You can sleep sa house if you want kasi I cant sleep at your house” sabi nya at nagkatinginan kami. “Sinasabi ko lang naman” landi nya at napangiti ako. “Ihahatid ko sila sa umaga e” sabi ko, “E di weekend, diba?” sabi nya pero nahihiya ako sa magulang nya. “Hmmm alam mo ive never ever tried sleeping sa hotel” sabi ko at tumawa sya. “Ako din sa totoo lang” sabi nya at naging excited kami pareho bigla.
“Friday night and Saturday night sounds good, siyempre si Kuya pwede naman mag business trip kunwari sa malayong lugar at busy naman sila e” landi nya at pareho kami tumawa. “I cant wait for Friday night” sabi ko at kinurot nya ako, and out of nowhere biglang sumulpot si Anya at nakatayo sya sa harapan namin. “Hi Jeff” sabi nya at nagkatitigan sila ni Maureen. “Anya…Maureen eto si Anya, business advsersary, Anya this is Maureen my girlfriend” sabi ko at nararamdaman ko ang tension sa kanilang dalawa. “I just wanted to say hi, sige nice meeting you Maureen” sabi ni Anya, “I cant say the same for you” sagot ni Maureen at talagang mag aaway na ata sila. Pagkaalis ni Anya ay masama ang tingin sa akin ni Maureen at medyo nagtatampo sya.
“Parang close na close kayo ng kaaway mo ha, she is pretty” pataray na sinabi ni Maureen. “Ano pinagsasabi mo? Syempre business world magkakilala kami but that’s it” sabi ko. “And yung sinasabi mong plano niyo ni Tonio?” sabi nya at mabubuking na ata ako. “Oo si Tonio ang may gusto dyan, not me. Pero patay na yung plano namin na yon kasi buking kami so patas nalang ang labanan” sagot ko. “She is pretty” sabi nya sabay inirapan ako. “You are more beautiful than her ano, grabe ka naman pati sya pagseselosan mo” sabi ko at kinurot talaga niya ako ng napakasakit. “Malaman ko lang na nagpapacute ka dyan tignan mo puputulin ko sa Friday yang bird mo” banta nya at nagtawanan kami. “So tuloy talaga sa Friday?” lambing ko nalang sa kanya at ngumiti sya, “Kung pwede nga lang tonight e” sagot nya at naghalikan kami at nagtawanan.