Chapter 10: Different Side of Kuya
Isang sabado sinama ko ang mga girls sa aking opisina, tinipon tipon ko lahat ng aking mga empleyado sa auditorium at nagsalita ako sa harapan.
“Good morning. Matagal narin tayo nagsama sama lahat, alam ko meron bagong company which is offering you better pay. Sad to say I cannot match that offer to make you stay. Triple pay is really a big deal lalo na ngayon panahon ng crisis sa ating bansa. So today those who want to accept the offer I am letting you go” sabi ko at naging maingay sa auditorium.
“Yes, no hard feelings. Aminin ko di ko kaya pantayan yang inaalok nila, open books naman ang records for you to see that this company is not earning that much. Tamang tama lang to offer you a decent pay, but if you are offered three times more I can understand. Pati naman ako pag inalok ako ng triple pay talagang mapapaisip ako. Those who want to accept the offer I will let you go today. Gusto ko na malaman sino ang matitira at sino ang aalis so that we can move forward already” sabi ko at tumahimik ang lahat.
“Wag na kayo mag iinarte, alam niyo naman ang patakaran dito, barkada system ever since I took over. So don’t be shy and stand up, you don’t need to explain just go pack your things and that’s it. Wala nang thank you thank you, wala nang please understand, practical reasons I know that so please wag na kayo mag iinarte, if you want to accept the offer stand up and leave. For those who want to stay on please remain seated. I will give you one minute” sabi ko at naupo ako sa harapan.
Ang daming tumayo pero nagsitayuan lang sila sa likod ng auditorium tila nahihiya lumabas. “Okay I understand why nandyan pa kayo, I will give you another minute to make up your minds. If you really want to go remain where you are. If you want to stay go back to your seats” sabi ko at mas madami pa ang tumayo at nagpunta sa likod, isa lang ang bumalik sa kanyang upuan at sinaluduan niya ako. Masaya naman ako at nasa upuan parin si Tonio kaya pagkatapos ng isang minuto at tumayo na ulit ako.
“Okay then, it seems only one third shall remain. To those na nakatayo thank you for your hard work. Sana maging successful kayo sa company na bago, without you guys di sana naging matagumpay ang company na ito. I understand why inalok kayo kasi you are the best, and the best deserve better than I can offer. No hard feelings, I wish you all goodluck” sabi ko at nagpalakpakan sila lahat.
“Now, for those natira loyalty has its rewards. Yung offer sa inyo I will match it” sabi ko at ang tindi ng palakpakan ng mga natira, nakita ko ang mga itsura ng mga nakatayo at halata na ang pagsisisi nila. “Ops wala nang balikan, you made your choice already. Stick to your decision!” sabi ko pagalit at tumahimik ang lahat. “This is war! For those na nakatayo at umalis we will crush you, oh yes tandaan niyo yan, ipaabot niyo yan sa bagong boss niyo” sabi ko at ang tindi ng palakpakan at hiyawan ng mga natira.
“Dati lolo ko may hawak ng company na ito, I stuck to tradition in respect to him pero ako na ang namamahala so this is the right time to make changes. Wag kayo mag alala kahit kokonti tayo I promise you mananatili tayong nakatayo at kung may babangga sa atin gigibain natin at pipigain hanggang sa wala nang matira sa kanila. Walang personalan ito, trabaho lang. We will survive and they wont. So in line with this may I ask those who are standing to step out of my building right now!” sabi ko at inescortan na sila ng security palabas.
“Sir pano na to kulang kulang na tayo” sabi ng isa. “Well you have to work harder tutal triple pay naman na kayo what do you expect?” sagot ko at nagtawanan ang lahat. “Aminin ko magandang timing pag alis nila, naka triple pay kayo, so if you want to maintain that pay grade you know what to do, keep this company alive” sabi ko at agree sila lahat. “Sir the clients have not renewed” sabi ng isa. “Then we shall win them back, in order to do that aalukin natin ang rivals nila sa business to advertise with us, when they see na we are doing a good job babalik sila pero tatanggi tayo. They will beg to come back pero magpapakipot tayo para mas mataas makukuha nating bayad” sabi ko at ang tindi ng tawanan.