16

774 3 1
                                    

Chapter 16: Jeff the Drayber

Kinabukasan maaga sinundo si Celina at bilib naman ako sa kotse nya Ford Expedition, sinundo sya ng yaya nya at driver at ngayon ko lang nalaman na mas mayaman siya kesa sa akin. An hour later dumating na si manang at sabay pa sila ni Tonio dumating. “Pare kailangan kita ngayon, may date kami ni Anya at kailangan nandon ka” sabi niya agad sa akin. “As a driver?” tanong ko. “Oo pare sabi ko di lang kita driver but parang personal assistant narin at bodyguard, eto pre may dala akong uniform mo” sabi nya at natawa ako bigla. “Jogging pants? Pare naman bakit yellow pa, parang Bruce Lee na dating ko o, ano to Bluetooth headset?” tanong ko. “Oo pare may shoes pa, kailangan terno tayo kasi ako din mag jogging pants, diba nga sabi mo I treat you equally so ganyan din suot ko” sabi nya. “Oo pero among all colors yellow pa, sige ligo lang ako saglit tapos tara na” sabi ko at naligo na ako at after thirty minutes pinuntahan na namin si Anya.

Nang malapit na kami sa meeting place pinalakasan ko ang stereo at gulat na gulat si Tonio. “Pare ang lakas!” sigaw nya. “Chill pare this is how we roll para naman cool ang dating mo bro. Uso to sa mga cool dudes pre malakas na gangstah rap music para bog bog cha ang dating” paliwanag ko at tawa sya ng tawa. “Yeah dude, wassap!” banat ni Tonio at tawa kami ng tawa. Nakita na namin si Anya sa labas ng country club, napansin kong naka cycling shorts lang sya at hang shirt kaya medyo nagdududa na ako sa magaganap ngayong araw. Bumaba si Tonio at nag usap sila, pinarada ko ang kotse sabay lumabas narin ako at biglang tumawa ng malakas si Anya nang makita ako.

“Sorry Anya my back is hurting that is why I told Jeff he will be the one to accompany you” sabi ni Tonio at tinignan ko sya. “Okay, but you have to stick around the whole day” sagot ni Anya. “Yes I will, I want to see Jeff in the Yoga session” sabi ni Tonio. “Say what?!!!” sigaw ko at tawa ng tawa si Anya. “Yoga” ulit ni Tonio at pinasubo nya ako. “Yoga? Sir drivers don’t do Yoga” sabi ko. “Don’t say that Jeff, I told you we are equals, Yoga is relaxing, you are a hard worker so you deserve this day of relaxation” sabi nya sabay ngisi sa akin. “After Yoga we are going to get a full body massage, a facial, foot spa and then we have dinner” sabi ni Anya. Tulala lang ako pagkat pambabae lahat ng sinabi nya, kaya naman pala ako pinasubo ni Tonio at wala na akong magagawa pa.

Pumasok na kami sa loob at pagsilip ko sa yoga room panay babae ang nandon, nahiya tuloy ako at umayaw pero pinilit ako ni Anya. “Its going to get hot so you better take off your sweater, here a borrowed a mat for you” sabi nya at tinulak ako ni Tonio at nahiya talaga ako pumasok. “Hello Anya, you brought a friend” sabi ng yoga master na babae, “Yes, its his first time” sagot ni Anya at nginitian ako ng lahat ng nasa kwarto. “Oh its your first time, ok just follow us and don’t be shy to ask questions” sabi sa akin. “Yes, please don’t kill me” sabi ko at nagtawanan ang lahat ng nasa kwarto at napasilip tuloy si Tonio.

Napwesto kami ni Anya sa pinakalikod ng kwarto, unang activity namin ay breathing lang at napakadali nito. Sunod ang mild stretching, parang normal exercise lang pala pero with feelings kaya todo buhos naman ako sa pag arte at tawa ng tawa si Anya. Pahirap ng pahirap ang aming ginagawa pero nakakarelax talaga pagkat sabi ng master kailangan palayain ang isipan at wag mag isip ng iba kundi mag concentrate lang sa breathing. Kahit na slow motion ang galaw namin pinagpapawisan ako, wala naman kaming ginagawang matindi kundi panay stretching at concentration lang. Naupo na kami sa mat at dito nagsimula na ang matitinding twisting. “If you cannot do it do not force yourself, it takes time so you don’t have to hurry there are other days to do it” paalala ng master.

Body twist ang ginawa namin, at halos tumunog lahat ng buto ko sa likod at parang kakaibang sigla ang naramdaman ko. “Wow for a first timer you are doing good” sabi ng master kaya bumalik na sya sa pwesto at mas matindi nanaman ang pinagawa nya sa amin. After one hour and thirty minutes cooling down na kami, nakaupo parin kami sa mats tapos pinastretch niya outwards ang mga paa namin. Kung kaya daw namin mag split the better, pinilit ko talaga at sinitsitan ako ni Anya. “Don’t force yourself” bulong nya. “No I can do it” sabi ko at todo stretch and split ang mga legs ko, at nagawa ko naman at tuwang tuwa ako. “Next, lie forward on the ground and and spread out your arms” sabi ni master at nang hiniga ko ang katawan ko halos nahigaan ko ang mga itlog ko. “ouch my balls” sabi ko at biglang nagtawanan ang mga tao sa loob. Ang tindi ng tawa ni Anya, nakadapa na ang buong katawan ko at di ako makabangon.

BNK B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon