Chapter 5: Langit
One week matapos ang exams nila hiningi ko ang kopya ng mga grades nila. Nangako sila na pag uwi nila ipapakita nila sa akin pagkat ang usapan ay pag madami bagsak tanggal narin sila sa aking bahay. Isa lang sa kanila ang kampante pagkat di pag nag eexam si Miyu at medyo malayo pa ang first grading exam nila. “Girls pag walang bagsak may regalo sa akin, pag madami bagsak goodbye” paalala ko bago kami umalis ng bahay. Super ngiti si Miyu at agad sumakay sa harapan ng kotse, huling lumabas si Liezl at tahimik lang sya.
Bilang authorized guardian nila di nila alam pwede ko irequest ang grades nila at yon ang pinagawa ko kay Tonio, dito ko narin malalaman pag nagsisinungaling sila sa akin o hindi. Natanggap ko ang grades pero kailangan ko na sunduin si Miyu, di ko tuloy nabasa. Pagkasundo ko kay Miyu nakita nya ang envelope kung nasan ang mga grades agad nya binasa at panay ang sabi niya ng wow.
“Kuya ang galing ni ate Loreen o, panay line of 9 ang grades nya. Pati si ate Celine magaganda grades nya o” sabi nya. “Syempre magaling ata tutor niya” biro ko at tumawa si Miyu. “Pero kuya si ate Liezl” sabi nya at di na niya tinuloy ang sinabi nya. “Miyu, nakita mo na ang epekto ng sobrang gimik?” sabi ko nalang sa kanya at nang tignan ko sya parang naluluha sya. “Kuya pano na yan? Kawawa naman sya” sabi nya. “Well ang usapan ay usapan wala na ako magagawa. Kaya ikaw mag aral ka ng mabuti or else” banta ko sa kanya. “Nag aaral naman ako kuya…pero kuya pano na si ate Liezl?” tanong niya ulit pero wala na ako masagot sa kanya.
Dumiretso ako sa kwarto ko at isa isa ko sila pinatawag, naunang pumasok si Loreen at biniro nya ako agad, “Kailangan ko pa ba ipakita?” sabi nya at tumawa ako. Inabot nya sa akin ang papel kung saan nakasulat ang mga grado nya tugma naman ito sa mga nakuha ko mismo. Sumunod si Celina, tapos si Tessa at si Jaja, inantay ko si Liezl pero di sya pumasok sa kwarto ko. Pumunta ako sa kwarto nya at nakita ko sya nag iimpake kung saan dinadamayan sya ng ibang girls.
Tinignan ako ni Miyu at umiiyak na sya, “Kuya…wag naman” sabi nya. “Miyu okay lang, kasalanan ko naman ito e” narinig ko sinabi ni Liezl kaya bumalik na ako sa kwarto ko para magbihis. Nang tignan ko ulit ang listahan ng grades napansin kong may pagkakaiba ang binigay ni Celine sa akin. Although pasado sya sa lahat, tatlong subject ang iniba niya ng marka. Pagkatapos ko magbihis tinawag ko sya at naglakad kami sa likod ng bahay.
“Bakit mo ako tinawag kuya?” tanong nya. “Wala gusto lang kita makasama” sabi ko sa kanya at kinurot nya ako. “Are you starting to have feelings for me?” landi nya at tinignan ko na sya at prinangka. “Celine why did you change your grades?” tanong ko at halata ang pagkaguilty sa mukha nya. “Pero kuya pasado lahat naman promise” sabi nya. “Oo alam ko pasado ka sa lahat pero bakit mo kailangan palitan yung tatlong subject mo?” tanong ko at napayuko na ang ulo nya at nagsimangot.
“Kasi kuya yung tatlong subject na yon nahihirapan talaga ako and yun yung mga pinaturo ko sa iyo. Nahihiya naman ako na panay line of seven lang ipapakita ko kaya ginawa kong line of eight, pero kuya pasado naman talaga e” sabi nya. “I know pero Celine, naisip mo ba yung epekto ng ginawa mo? Okay sabihin natin na naniwala ako sa binigay mong grades sa akin. Ang iisipin ko naman ay wow kayang kaya pala nya. So next time magpapaturo ka syempre tatamarin narin ako kasi alam ko kaya mo naman. Ngayon I know nahihirapan ka pala e di lalo kita matuturuan, do you get my point Celine?” tanong ko. “Opo kuya, sorry kuya nahihiya lang talaga ako sa iyo e” sabi nya. “Nahihiya? One time ka lang nagpaturo sa akin ha, ano naman magagawa ng one time na yon?” tanong ko. “Nung tinuruan mo ako dun ko lang naintindihan e” sabi nya at tumawa ako. “Sipsip” sabi ko.
“Honest kuya, yung three subjects talaga na yon imbyerna sa akin” sagot nya. “So based on sa pinakita mong grades okay naman e so next time di na kita tuturuan” sabi ko. “E di magsisimula narin ako mag impake pag ganon?” tanong nya at alam ko pinaparinggan nya ako tungkol kay Liezl. “So next time be honest okay? Hayaan mo lalo kita tuturuan, buti nalang halos pareho course natin, dapat gawin natin line of nine ang lahat ng grades mo” sabi ko at ngumiti sya at napayakap sa akin. “79 lahat” biro ko at ngumiti parin sya, “Papalitan ko gagawin kong 80” biro nya at bigla nya ako inismack sa labi. Pareho kami nagulat at agad nya ako binitawan, napakamot nalang ako at tumalikod at dahan dahan sya bumalik sa loob ng bahay.