Chapter 17: Anya
Wednesday sabi ni Anya magsports attire daw ako kaya walking shorts, rubber shoes at sports shirt ang suot ko nang sunduin ko sya. Doon kami sa club house nag breakfast at umagang umaga nakita niya ang isang babae na kinaiinisan niya. “Oh that bitch I really hate her” sabi niya bigla. “Why?” tanong ko at talagang galit na galit sya. “She thinks she is good at badminton, I am just a beginner and she keeps laughing at me. I challenged her but she said it has to be double with her boyfriend. I am going to make her life miserable, I am going to buy their apartment building and force them out” sabi nya.
“Mam Anya don’t do that, I know you are rich but you should not be flaunting your riches around like that. I know you can use your money to make them suffer but its not worth it, if you want to get even accept her challenge” sabi ko sa kanya. “I don’t have a partner, I don’t have friends” sabi nya at nagsimangot. “I am here, I will be your partner, if you don’t want I can call sir Tony” alok ko at tinignan nya ako at napangiti. “You will be my partner? Do you know how to play badminton?” tanong nya. “No but I can learn, maybe its not that hard” sabi ko at tumawa sya. “You will learn and be my partner?” tanong niya ulit. “Yes, because that’s what friends do” sabi ko at napangiti nanaman sya. “So we are friends” sabi nya. “Oh sorry, I forgot I am just a driver but still I am willing to play alongside you” sabi ko at napatingin sya sa kaaway nya at binalik ang tingin sa akin. “Come on lets practice” sabi nya at din a namin natapos ang pagkain namin.
Masama talaga ugali ng kaaway niya at pati boyfriend niya ganon din. Pinagtatawanan nila kami habang naglalaro kami ni Anya at nag iinit na ang ulo ko. Nang natapos kami lumapit yung magsyota at talagang tinawanan pa nila kami face to face. Nag irapan ang mga babae at nang dumaan na sila nilabas ko ang paa ko at pinatid ko talaga yung lalake. Bulagta sya sa sahig at kami naman ni Anya ang nagtawanan. “You should watch your step, wag masyado taas noo kasi” sabi ko at naglakad na kami paalis ni Anya. “Hey bitch why don’t we settle this in the court” sabi ng kaaway ni Anya at napatingin tuloy kami sa kanya. “Sorry you are not in our schedule today” sabi ko at natatawa si Anya. “Your scared because we are going to beat your asses” banat pa ng babae. “Friday!” sigaw ni Anya at nagtarayan sila. “Sure Friday, it doesn’t matter when youre still a pathetic badminton player” banat ulit ng kalaban nya. “Shut up bitch just bring it on Friday” taray ko naman na parang bading with matching irap sabay walk away. Tawa ng tawa si Anya at pinagbabangga nya ako habang palabas kami ng club house.
Maaga kami naghiwalay ni Anya pagkat may date daw sila ni Tonio. Bumili ako ng badminton set at sinundo si Miyu. Nakita agad ni Miyu ang nabili ko at marunong daw sya maglaro non kaya agad kami umuwi nandon na pala ang ibang girls. Pinagyayakap nila ako at nakwento ko sa kanila ang sitwasyon. Nag set up kami ng badminton court at net sa garden, buti madami akong biniling shuttlecock kaya pinagbabato nila ako at kailangan ko daw maibalik lahat sa kabilang court. Mas madali pag may kalaro ako pero itong style nila kakaiba pero nakukuha ko ang punto pagkat magiging flexible ang katawan ko.
“Oy dahan dahan naman wag masyado mabilis” sabi ko pagkat halos dalang sabay na shuttlecock ang paparating sa akin. “Kuya! Ano ka ba bakla?! Habang di pa nagtouch sa ground pilitin mo abutin!” sigaw ni Miyu at nagulat kaming lahat. “Ang arte arte mo, stretch ka, bend, kung kailangan mapahiga ka gawin mo basta maibalik mo sa kabila ang pato! My Goodness kuya ang arte arte mo parang di ka lalake!” banat ni Miyu at nagtatawanan kami. “Miyu grabe ang tapang tapang mo pala” sabi ni Jaja at nagpacute naman si Miyu at lalong nagkatawanan pagkat ang bilis magbago ng reaksyon niya.
Nang magpahinga ako sina Liezl at Miyu ang naglaro at bilib na bilib kami sa galing nung dalawa. Wala sila takot magpagulong gulong at halos mabaluktot na ang mga paa at kamay nila pero ang galing talaga nila. “Shet ang galing nila” sabi ko at aliw na aliw si Tessa. “Yes! Magbabadminton na ako, nakakapayat daw ito” sabi ni Tessa. “Pati sex nakakapayat” biglang banat ni Jaja at napatingin kami sa kanya at nagtawanan. “Sana doubles pero kulang ng raket” sabi ni Loreen, “Kaya nga e, kaya dapat kuya bukas bumili ka pa dalawa para pwedeng doubles” sabi ni Celina. Nawili sila sa kalalaro at hanggang hating gabi kami sa garden at ayaw magpaawat ni Miyu pagkat walang nakakatalo sa kanya. “Miyu bed time na” paalala ko pero ayaw talaga niya umayaw.