Chapter 8: Miyu Madness
One week lumipas at iba ang kinikilos ni Miyu lately, siya siguro ang nagtetext sa akin ng I love you araw araw. Lunes, over breakfast habang kumpleto sila sa harapan ko tinawagan ko ang number at syempre wala sasagot dito pagkat katabi ko si Miyu. “Wala talaga sumasagot syempre nandito kayo lahat” sabi ko. “Kuya sino ba talaga ang hinala mo?” tanong ni Miyu. “Ikaw sino pa kaya?” sabi ko sa kanya at tumawa sya. “Nope not me promise” sabi nya.
Tinawagan ko ulit ang number at lahat sila nakatingin sa akin, di inaasahan pero may sumagot ng phone at nagulat ako. “Hello?” sabi ko pero di nagsasalita yung nasa kabilang linya. “Hello sino ka ba talaga?” tanong ko pero pinatay agad ang phone. “Sumagot kuya?” tanong ni Miyu. “oo nga e pero di nagsasalita” sabi ko. “O ayan that means wala sa amin” sabi ni Tessa. “Oo nga e, sorry pinagdudahan ko kayo” sabi ko sa kanila.
Friday sumapit at pinapatawag ako ng adviser ni Miyu sa school nila. Pumunta ako after classes at doon sa classroom ni Miyu kami nag usap. Si Miyu nag aantay sa labas at medyo naiilang ako sa teacher niya pagkat maganda at sobrang cute. “Mister Mendez I would like to talk to you about Mayumi” sabi nya at naupo sya sa tabi ko. “Is there something wrong mister Mendez at nanginginig kayo ata” sabi nya bigla. “Ah, wala ito, di lang ako sanay nakikipag usap kasi sa mga magagandang babae e” sabi ko at tumawa sya. “Masyado formal yung mister Mendez, guardian lang ako, kahit Jeff nalang” sabi ko at ngumiti sya. “OK then you call me Maureen too then” sabi nya. “Yes teacher” sabi ko at muli syang tumawa.
Kinakabahan ako baka ito ay tungkol sa paghalik ko kay Miyu, baka nagsumbong ang bata. “Eto Jeff tignan mo mga report card copy ni Miyu from first year to third year high school” sabi nya at inabot nya ang mga card at tinignan ko. “Ouch! Pasang awa lahat, wala kasi dito yung favorite subject nya e” sabi ko. “Anong subject yon?” tanong nya. “Eating” sagot ko at tumawa ulit sya, ang cute ng tawa ni Maureen, kumikinang talaga ang braces niya at nag rorosy cheeks sya. “About that eating ilang beses sya nahuli eating inside the classroom, pero that’s not why I called you here” sabi nya at kinabahan na ako.
“Eto ang latest report card ni Miyu” sabi nya at natatakot ako basahin ito baka panay bagsak. “Sabihin niyo nalang diretso parang ayaw ko na basahin tuloy ito” sabi ko. “No, go on take a look” sabi nya kaya tinignan ko agad. Natulala ako at nagulat pagkat ang tataas ng grado nya, lahat A at A plus. “Grades ni Miyu ito?” tanong ko at ngumiti sya. “Wow! What happened?” tanong ko at tumawa sya. “that’s what I want to ask you, Mayumi is our top student sa section na ito but over-all she is only second” sabi nya. “Ha? First and second? Sorry paki explain kasi medyo overwhelmed pa ako dito” sabi ko at ngumiti sya.
“Pag dito lang sa classroom she is the top student. But if you include all of the fourth year students in general second lang sya” sabi nya at kahit na ganon bilib na bilib parin ako kay Miyu. “Did she cheat?” tanong ko at tumawa sya. “Oh no, we have all the records and she really did well this first grading, and when I asked her bakit ngayon lang niya ginawa ito she told me kasi inspired daw sya gawin best nya para sa boyfriend nya” sabi ni Maureen at tumawa ako. “She has a boyfriend?” tanong ko. “Ikaw daw yon” sabi nya at di ko na mapigilan ang tawa ako. “Ako boyfriend daw nya? Oh my God, sa bahay she just says that out of fun, I didn’t know hanggang dito ibibiro nya yan” sabi ko.
“Jeff I think she isn’t joking, sa tingin ko feeling talaga nya ikaw ang boyfriend nya” sabi ni Mau at nagulat ako. “No its not true, alam ko naman boundaries ko, I mean 24 ako at sixteen lang sya ayaw ko naman makulong o mabitay ano” sabi ko at pinalo nya ako sa kamay at tumawa. “I know that but to her it is real, alam ko its wrong pero look at the results sa grades nya and even her attitude changed. Nakausap ko ang past advisers nya at sabi nila sya yung carefree person dati na walang pakialam sa pag aaral. The spoiled brat na who just comes to school kasi requirement. Pero now lahat sila shocked kasi she totally changed, pag break time nakikipagkwentuhan sya sa akin and lahat ng kwento nya about you” sabi niya. “Wow, I hope panay good things lang sinasabi nya” sagot ko at ngumiti sya.