13

849 4 1
                                    

Chapter 13: Jeff and Maureen

Pagkauwi ko kinaumagahan pagod na pagod ako, natatakot ako matulog mag isa sa bahay baka dalawin ako bigla ni Lolo. Sa kubo ako natulog buong araw, hinang hina talaga ang katawan ko pero nag enjoy ako sobra. The next day pagkagising ko nagriring ang phone sa loob ng bahay, agad ako pumasok at sinagot ito. Yung guard house at sabi may bisita daw ako, di ko na tinanong kung sino at sinabi ko na papasukin nalang at pakihatid pagkat tinatamad ako lumabas. Nag abang nalang ako sa gate at dumating ang security vehicle at nakita ko bumaba si Maureen.

Hiyang hiya ako pagkat ang gulo ng suot ko, “Sana tumawag ko o nagtext para sinundo nalang kita” sabi ko. “I wanted it to be a surprise” sabi nya. Umalis na yung mga security at pumasok na kami sa loob ng bahay. “Sorry ha I just woke up kasi at doon ako natutulog sa kubo kasi takot ako sa mumu” sabi ko at tumawa sya. “Para kang bata, ang tanda tanda mo na takot ka pa sa ganyan” sabi nya. “Well at least honest, sana nagtext ka muna para naman nakapag prepare ako maigi” sabi ko. “Eh bakit ikaw last time o bigla ka nalang dumating sa bahay di rin ako prepared ha” sabi nya. “Oo pero ikaw di mo na kailangan magprepare e kasi inborn presentable ka na, e ako kailangan ko pa mag ayos para naman mag mukha akong tao ano” biro ko at inakbayan nya kamay ko at naglakad kami papunta sa likod ng bahay. “E lets just say gusto kita makita na unedited version, director’s cut ika nga nila” sabi nya.

Tinour ko si Maureen sa loob ng bahay pero di kami umakyat, “Nag almusal ka na ba?” tanong niya sa akin. “Hindi pa, bakit papakainin mo ako?” sagot ko at tinignan nya ako sabay tinawanan. “Parang iba tumatakbo sa isipan mo, ikaw ha, tara sa kitchen at lutuan kita” sabi nya at napangiti nalang ako. “You can cook?” sabi ko. “Oo naman bakit ano tingin mo naman sa akin?” sabi nya. “Wala, sige nga nagugutom na ako e” sabi ko.

Habang nagluluto si Maureen pinapanood ko lang sya, gandang ganda talaga ako sa kanya, sexy pa sya at talagang naakit ako. “Maureen nagpaputi ka ba o natural mestiza ka?” tanong ko. “Nakita mo naman mom ko at sis ko diba? Natural ito bakit?” sagot nya. “Wala naman, iba talaga ang ganda ng kutis ng mga mestiza parang walang pangit na mestiza” sabi ko at tumawa sya. “Madami din naman magaganda na morena ha o yung kayumanggi” sabi nya. “Oo alam ko pero sinasabi ko lang naman. Ganyan ka ba daring magdamit talaga? Ano naman tawag sa suot mo?” sabi ko. “Eto jeans lang at racerback itong blouse ko, in normal terms parang sando lang” sabi nya. “Racerback…ganyan ba lahat ng racerback talagang mababa ang neckline…kita cleavage tuloy” sabi ko at tumawa sya. “Hindi naman lahat, madami naman klase, meron yung normal neckline pero ito sinuot ko para akitin kita” sabi nya at nagtawanan kami.

“Mau why do beautiful women have to wear super seductive or attractive clothes?” tanong ko at bigla nya ako tinignan. “I mean maganda na nga sila so anything they wear naman would be okay. Kung pangit siguro na nagsuot ng daring maiintindihan ko, pero yung maganda na nga tapos seductive clothes pa sus” sabi ko at ngumiti sya. “Well kasi alam mo meron girls gumagawa non to attract attention, mga teasers tawag don. Parang drugs nila yon e, they like it when men look at them. Yung iba naman they just like to wear that pag kasama nila mga like nilang guy sabi ko nga like me inaakit kita” sabi nya at tumawa sya.

“Oo pero eventually may mambabastos sa kanila diba?” sabi ko. “Oo gets ko point mo. Magsusuot sila ganon tapos feeling nila nababastos sila, well dapat panindigan nila. Ako naman nagsusuot lang ako ganito pag alam ko safe ako sa kasama ko kaya nga nagtaxi ako papunta dito e. Pero normal days wala ako courage mag ganito talaga” sabi nya at natawa ako. “So feeling mo safe ka sa akin?” tanong ko at tumawa sya. “Oo at inaakit nga kita kulit mo talaga” sabi nya. “Well its working naman” biro ko at tawa kami ng tawa.

“Maligo ata muna ako nakakahiya naman sa iyo e tapos magsuot din ako ng seductive, butas na shorts siguro pwede na ba yon?” biro ko at binato nya ako ng sibuyas at tawa sya ng tawa. “Sira! Mamaya na gusto ko subukan yung pool” sabi nya. “Bakit may baon ka bang bikini?” tanong ko. “Yep nasa bag ko” sabi nya. “Aba parang planado tong araw na ito ha” sabi ko at ngumiti sya. “So after the pool ano pa gusto mo subukan?” biro ko at tumawa sya, “Hindi ko sasagutin yan alam ko nanaman iniisip mo, ikaw ha lumalabas na totoong kulay mo” sabi nya. “I was thinking about billiards ano, grabe ka naman di naman ako manyakis” sabi ko. “Ay sorry akala ko kasi bed sasabihin mo” sagot nya. “Look who is manyak now…grabe naman bed agad pwede naman sa sofa o sa sahig” biro ko at binato ulit nya ako ng sibuyas.

BNK B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon