12

950 5 1
                                    

Chapter 12: Sem Break!

Sem break na ng girls at magsisiuwian sila sa family nila. Akala ko makakasama ko si Liezl pero pinilit sya ni Tessa na sumama sa kanya. One week sila mawawala pagkat kailangan ulit nila mag enroll, si Miyu naman balik eskwela na after a week, pati si manang humingi ng bakasyon kaya ako lang ang naiwan na mag isa sa bahay.

First day palang na wala sila nalulungkot na ako, nagpunta ako sa mall at nakita doon si Tonio. “Pare good timing, tatawagan na sana kita e, pare kanina ko pa sinusundan si Anya at nandito sya” sabi nya sa akin. “Ows? Nasan? Ano nakilala mo na ba? Game na ba?” tanong ko. “Pare hindi nga e, nahihirapan ako, pare for the first time natotorpe ako sa kanya” sabi nya at natawa ako. “Ikaw Tonio na babaero natotorpe? Imposible naman” sabi ko. “Oo pare kasi you never seen her up close yet, as in napaka ganda nya. Sa malayo akala mo mestizang pinay pero pare up close mabibighani ka sa blue eyes nya, grabe pare in love ata ako sa kanya” sabi ni Tonio at nagtawanan kami.

“Nasan ba sya para makita ko pero dapat di mahalata maybe she knows me” sabi ko sa kanya. “No pare, hindi pa naupdate yung website natin, mukha parin ng lolo mo ang nakalagay don as head and owner” sagot nya. “Good, nasan na sya pakita mo na sa akin yang Anya na yan” sabi ko kaya hinanap namin sya sa mall. Isang oras kami naglilibot at di namin mahanap si Anya, pinasok na namin lahat ng shops pero wala talaga sya. “Maybe she went home already” sabi ko. “Oo nga, damn gusto ko ulit sya makita pare” sabi ni Tonio at napansin kong natamaan na sya talaga kay Anya. “Tara pre kape tayo sa labas, nayoyosi narin ako” sabi ko at nagpunta kami sa outside coffee shop para magkape at magyosi.

Habang nagkakape kami at yosi biglang nanigas si Tonio at pinatay ang yosi nya, sinundan ko ang direksyon ng mga mata nya at nakita ko si Anya na naupo sa malayong table at mukhang marami syang nabili. “Wow pare she is pretty nga pero parang kikay ata” sabi ko. “Oh yes pare, ganda nya ano, pare ano gagawin ko shet gusto ko na sya makilala” sabi nya. “E di do what you do best, parang yan lang, dati e pag may babae ang bilis mo, so whats different now?” tanong ko sa kanya. “Ewan ko, natatakot ako sa kanya…ang ganda nya pre look at those blue eyes o” sabi nya at natatawa na ako.

Matagal namin pinagmasdan si Anya pero wala parin lakas ng loob si Tonio para lapitan sya. Out of nowhere biglang may sumulpot sa tabi namin at pagtingin ko si Sydney yon. “Hi Jeff” sabi nya at napatayo ako bigla. “Sydney, musta?” sabi ko at niyakap nya ako at bineso beso. Nanlaki ang mga mata ni Tonio at tulala sya, “Ah Sydney this is my friend Tonio, pre si Sydney kaibigan ni Liezl” sabi ko at nagkamayan sila at inalok ko na maupo si Sydney pero kukuha muna daw ng maiinom nya. “Holy shwet pare, porn star yon diba?” tanong ni Tonio at natawa ako. “Ogag kamukha niya lang” sabi ko. “Damn! This is the best day of my life pare, o nandyan lang si Anya tapos si Sydney kamukha ni Miyabi! Wow pare may boyfriend na ba yon?” tanong nya agad. “Ewan ko, nakagimik ko lang sa bar one time. Teka pre focus ka muna kay Anya” paalala ko. “Oo nga pero grabe ha…okay focus tayo” sabi nya.

Bumalik si Sydney at nakitabi sa akin, “So you come here often?” tanong nya. “Ah hindi ngayon lang kasi wala si Liezl” sabi ko. Tinignan ako ni Tonio at nagtataka sya, di ko pa nasabi na medyo may naganap sa amin ni Liezl. “E ikaw?” tanong ko. “Week ends lang, kasi pag week days busy ako sa school ko” sabi nya. “You are still studying?” tanong ko. “No, I teach little kids. May kinder garten school ako” sabi nya at napabilib nya ako. “Ikaw nagtuturo? Wow, tapos sa gabi gimikera” sabi ko at tumawa sya. “OO bakit may law ba nagsasabi bawal yon?” banat nya at natahimik lang ako. “Bakit friend mo parang silent lang?” tanong ni Sydney. “Star struck sa iyo” sabi ko at napasimangot sya. “Hay naku yung Japanese bold star nanaman, ive been hearing that many times pero I have not seen her yet, may video ka? If you have tara lets watch it” sabi nya.

BNK B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon