Jocille's POV
Flashback
Katatapos lang ng klase namin nang makita ko na naman ang crush kong si Mac Romer.
Ang gwapo niya talaga kahit napaka patpatin niya.
"Hoy! Nakatingin ka na naman sa crush mo baka matunaw na yan." Sabi sa akin ni Joan na tumabi na sa akin.
"Hoy! Tumahimik ka nga baka marinig ka niya." Galit na bulong ko sa kanya.
"Asus, di tayo maririnig niyan. Tara na baka malate na tayo sa taekwondo class ni Tatay." Pag-aaya niya pa.
"Tara." Bago kami umalis ay sinulyapan ko pa ulit si Mac Romer.
Agad ko naman binawi ang tingin ko nang mapatingin din siya sa akin.
"Muntik na ako don ha." Bulong ko sa sarili.
Pagkatapos nga namin umattend sa taekwondo class ng Papa ni Joan ay sa bahay naman kami pumunta. Nagugutom daw siya at hindi masarap magluto ang Papa niya, walang utang na loob talagang bata. Sa bahay siya halos laging kumakain.
"Umaandar kaya yan?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang sirenong nakuha namin sa Papa niya kanina. Pinapatapon na yon ng Papa niya pero mukang magagamit pa namin kaya dinala nalang namin. Mahilig kasi kaming mag-experiment magkaibigan.
"Teka, Jocille si Mac Romer yon diba? Yung crush mo?" Sabi ni Joan habang ang mata ay nakatingin sa tatlong lalaki na binubully si Mac Romer.
"Aba't! Makakatikim sa akin ang mga yan." Sabi ko at akmang pupuntahan na sana sila pero pinigilan ako ni Joan.
"Nababaliw ka na ba? Hindi mo ba nakita na tatlo sila?" Awat niya pa.
"Alangan naman manood lang tayo dito?" Sagot ko sa kanya.
"Dapat may plano ka."
Nag-isip naman kami ng plano. At nang makaisip kami ay saka ko nilapitan ang mga nambubully sa crush ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETED
RomanceSi Mac Romer ang legitimate child ng pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Kahit siya na ang Presidente ng Chua Group of Companies ay hindi pa rin siya nagiging kampante sa kanyang pwesto, lalo na at may dalawang bastardo ang kanyang ama. Sina Jac...