Chapter 24: Saving the love of my life

1.8K 40 2
                                    

Mac Romer's POV

"Sir? Sino yon? Ang mga kidnapper na ba yon?" Sunod-sunod na tanong ni Michael.

Tumango naman ako.

"Ipapaalam ko sa-

Pero agad ko siyang pinigilan sa paglabas niya sana sa library.

"Michael makinig ka, maghanda ka ng sampung bilyon. Huwag mong sabihin sa mga pulis." Pagsusumamo ko sa kanya.

"Ano?! Nababaliw na ba kayo? Napakalaking halaga-

"Wala akong pakialam! Ang mahalaga sa akin maligtas ko si Jocille. Huwag mong sasabihin sa kanila. Ihanda mo ngayon din ang pera. Magkita tayo sa likod ng bahay may isang gate don, dalhin mo ang sasakyan don pati ang pera." Utos ko sa kanya.

"Pero kailangan nating sabihin sa mga pulis to, kung di natin gagawin iyon baka mapahamak ka Mac!" Pamimilit niya.

"Kapag sinabi ko sa kanila mas lalo lang mapapahamak si Jocille. Ano ba! Sundin mo nalang ako! Ako pa rin ang amo mo!" Sigaw ko sa kanya.

Buti nalang soundproof ang kwarto hindi kami maririnig ng mga pulis sa sala.

Walang nagawa si Michael kundi sundin ang gusto ko. Humanap naman ako ng paraan para makapunta sa likod ng bahay ng hindi nila napapansin.

Raven's POV

Lalabas sana ako para bilhan ng maiinom ang mga pulis nang mapansin ko si Mac na dahan-dahang binubuksan ang pintuan sa kusina. Sinundan ko naman siya at nakita ko na papunta pala sa likod nila ang pinto sa kusina. Nakita ko nga na parang may inaabangan siyang dumating sa gate.

Maya-maya nga lang ay dumating na si Michael.

"Nasa loob na ang pera, sa safety house mo yan. Doon na ako kumuha dahil wala ng bukas na bank ngayon." Narinig kong sabi ni Michael.

"Huwag mong sasabihin sa mga pulis to naiintindihan mo? Kokontakin kita kapag nakita ko kung gaano sila karami doon, saka mo ihanda ang mga body guards natin." Sabi ni Mac saka nagmamadaling sumakay ng kotse at pinaharurot ito.

"Michael!" Nagulat naman si Michael nang makita ako.

"Sa mga kumidnap ba kay Jocille ang punta niya?" Tanong ko kay Michael.

"Ang tigas ng ulo sinabihan-

Hindi ko na pinatapos si Michael nang makita ko na dumaan ang isang taxi, agad akong sumakay at pinasundan si Mac.

Jocille's POV

Nagising ako sa isang bodega na medyo madilim ang paligid. Tatayo sana ako pero di ko magalaw ang katawan ko. Nakatali ako sa kinauupuan ko.

Nasaan ako? Bulong ko sa sarili ko. saka ko lang naalala na may mga di ko kilalang lalaki ang kumuha sa akin kanina.

"Gising kana pala." Napatingin naman ako sa nagsalita- Matandang lalaki na di ko kilala.

"S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Napatawa naman siya ng malakas.

"Huwag kang mag-alala wala akong kailangan sayo, pero sa asawa mo meron." Sagot niya.

"A-anong kailangan niyo sa kanya?" Nanginginig na tanong ko.

"Masyado kasing mayabang yang asawa mo eh. Akala niya kaya niya lahat paikutin sa mga kamay niya, malas lang niya nagpalabas siya ng baraha na gagamitin laban sa kanya.... At ikaw iyon." Ngiting sabi niya.

"Napakasama mo!" Sigaw ko

Agad naman niyang sinabunutan ang buhok ko.

"Huwag mo akong sisigawan, alalahanin mo hawak ko ang buhay mo ngayon!" Sigaw niya

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon