Chapter 14: Hold back feelings

1.8K 49 0
                                    

Mac Romer's POV

Nang maalala ko kung paano ako nagdusa nang mga panahon na iniwan niya ako ay agad ko siyang tinulak palayo sa akin.

Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Ano bang ginagawa mo? Hindi ibig sabihin na pumayag ako sa deal natin ay pwede mo na akong yakapin ng ganyan." Sabi ko sa kanya at akmang tatalikuran na sana siya.

"Dahil sa pangako mo sa akin kaya hanggang ngayon pinagmamaneho ka pa rin ni Michael hindi ba?" Natigil ako sa pagpasok ko sana sa loob.

"Nangako ka sa akin noon na ako lang ang isasakay mo-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nangako ka sa akin noon na ako lang ang isasakay mo-

"Nagkakamali ka. Ayoko lang magmaneho dahil naaksidente na ako dati at na trauma. Hindi lahat dahil sayo kaya wag kang masyadong umasa. Don't cross the line again" Pagkasabi ko non ay tuluyan na akong pumasok sa loob.

Hindi na. Hinding-hindi na dapat ako mahulog ulit sayo. Ayokong masaktan na naman ng paulit-ulit. Bulong ko sa sarili ko.

Jocille's POV

Para akong tinusok ng matalim na kutsilyo sa sinabi ni Mac. Tama siya, deal lang ang meron kami. Hindi ko na dapat pang guluhin muli ang mundo niya gaya ng ginawa ko dati. Hindi na maaari.

Agad akong umuwi sa bahay.

"Jocille." Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Raven

"Ikaw pala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ikaw pala."

"Bakit malungkot ka na naman?" Tanong niya sa akin.

"Pagod lang ako. Bakit ka nga pala nandito?" Balik-tanong ko sa kanya.

"Well, naisip ko lang na alokin ka ng trabaho" Sagot niya

"Trabaho?" Takang tanong niya

"Sabi mo nga diba kumukonti nalang ang part time jobs mo. Kailangan ko lang talaga ng magandang tagaluto sawa na talaga akong magpanggap na masarap luto ni Ralph" Natatawa niyang sabi.

"Bakit dyan kayo nag-uusap?" Napalingon naman kami sa nagsalita- Si Tatay.

"Magandang gabi Tatay Mario." Bati ni Raven.

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon