Chapter 28: How can you pay me?

2K 39 6
                                    

Mac Romer's POV

"Nasaan ako? Bakit puro puti ang nakapaligid sa akin?" Bulong ko sa sarili ko nang magising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa nakita ko ang isang hagdan paakyat ng langit.

"Patay na ba ako?" Bulong ko ulit.

Lumapit naman ako sa hagdan at magsisimula na sanang umakyat nang may humawak sa balikat ko.

Paglingon ko nakita ko si Raven na may hawak na bulaklak.

"Bumalik ka na, maraming nag-aantay sayo, lalo na si Jocille

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bumalik ka na, maraming nag-aantay sayo, lalo na si Jocille. Miss na miss ka na niya. Ako na lang ang aakyat dito. Huwag na huwag mo siyang paiiyakin Mac kung ayaw mong bumaba ako mula sa langit para kunin siya sayo." Sabi pa niya bago umakyat ng hagdan. Pinagmasdan ko pa siya ng matagal hanggang sa maglaho na nga siya sa paningin ko.

Nagising naman ako na nasa hospital na ako.

"Mac, anak mabuti at gising kana" Nakita ko ang mukha ni Nanay Toots na umiiyak.

"Kuya, kumusta? May masakit ba sayo?" Tanong ni Jacinth Jude

"Nurse! Gising na siya!" Narinig kong sigaw ni Don Cezar sa may pintuan

"Mac, naririnig mo ba kami?" Tanong ni Papa.

Pero hindi ako sumasagot. May hinahanap ang mga mata ko sa silid na iyon.

"Mac!" Napatingin ako sa bagong dating- Ang umiiyak na si Jocille.

"J-Jocille" Bulong ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Tanong niya habang umiiyak.

"O-okay lang ako. Hindi ka ba nasaktan?" Tanong ko.

"Ano bang sinasabi mo! Ikaw tong nakahiga dyan tapos ako ang tatanungin mo." Pinunasan ko naman ang mga luha sa mata niya bago ako nakatulog ulit.

Jocille's POV

Masaya ako na nagising na si Mac. Successful ang operation nila ni Tatay pagkatulog ulit ni Mac ay si Tatay naman ang nagising.

Pero sobra rin siyang napaiyak nang malaman ang tungkol kay Raven.

"S-sana nakapagpasalamat man lang ako sa ginawa n-niya" Sabi ni Tatay habang iiyak.

"Tay, alam ko na naririnig ni Raven ang pagpapasalamat ninyo. K-kahit ako yan din ang hiling ko. Sana nakapagpasalamat ako sa kanya" Naiiyak na naman ako.

"Hay, wag na nga kayong malungkot! Sa tingin niyo ba magiging mapayapa si Raven kung iyak kayo ng iyak?" Pagpapatahan ni Michael sa amin.

Pinunasan ko ang mga luha ko dahil tama si Michael. Ayaw na ayaw ni Raven na maging malungkot ako.

"Hinding-hindi ko sasayangin ang pinagkaloob sa akin ng Diyos na pangalawang buhay sa pamamagitan ni Raven. Kung nasaan man siya ngayon, sana mapayapa na siya. Anak, pagkalabas natin dito dalawin natin ang puntod niya" Sabi ni Tatay

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon