Chapter 13: Rain, Rain go away

1.7K 48 2
                                    

(A/N: Rated SPG)

Mac Romer's POV

"Sir, nakaset na ang meeting niyo ngayong dinner kay Mr. Buen" Pagbabalita ni Michael.

"Mabuti, tayo na."

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa mesa bago tumayo.

"Ahh Sir, pumunta nga pala si Jocille kanina pero sinabihan ko nalang siya na bumalik bukas." Sabi ni Michael nang nasa sasakyan na kami.

Tumango lang ako sa kanya.

Pagdating nga namin sa meeting place ay nandoon na si Mr. Buen.

"Mr. Chua! Totoo nga, talagang ikaw nga ang makakaharap ko ngayon." Ngiting bati sa akin ni Mr. Buen

Nakipagkamay naman ako sa kanya. Halos lahat ng investors gustong ako ang makaharap dahil nga alam nila na ako ang future Chairman ng Chua Groups of companies.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Buen, kung ano man ang nangyari sa inyo ng kapatid ko ay labas doon ang negosyo. Sana naman hindi mo idamay ang deal natin." Ngiting sabi ko sa kanya.

Tumawa naman siya.

"Iyon ay depende sa kung ano ba ang magiging kapalit." Sagot naman niya.

"Ano ang ibig niyong sabihin?" Nagtataka kung tanong.

"Gusto kong lumuhod sa harapan ko ang bastardo mong kapatid. Tapos syempre hindi natatapos don dapat may compensation din. Gusto ko na makuha ang lahat ng naipatalo ko sa poker namin ni Jacinth Jude." Ngiting sabi niya.

Tuso talaga ang matandang to.

"Ano sa tingin mo? Alam mo kasi Mr. Chua masyado akong napahiya dahil sa kapatid mo. At tignan mo naman ang mukha ko puro sugat pa rin. Hindi naman labis ang hinihiling ko hindi ba? Kapag hindi mo naibigay ang gusto ko, eh the deal is off." Dagdag na sabi pa niya.

Sa halip na sumagot ay tumayo ako.

"Mr. Chua-

Bago pa matapos ang sasabihin niya ay agad ko siyang sinuntok pagkatayo niya.

Agad naman akong inawat ni Michael.
"Narecord mo ba lahat ng sinabi niya?" Tanong ko kay Michael.

"Yes Sir." Sagot naman ni Michael

"A-anong-

"Para sabihin ko sayo, hindi ka masyadong kawalan sa kumpanya ko. Business is business Mr. Buen, hindi ko hahayaan na dahil lang sa personal na bagay idadamay mo ang negosyo. Ngayon kung ayaw mo na ituloy ang deal, nasasaiyo yan. Huwag kang magkakamaling ilabas sa media ang ginawa ng kapatid ko kung ayaw mo na malaman din nila kung gaano ka ka tuso. Sige ka baka wala ng makipag partner sayo sa negosyo." Pagkasabi ko non ay agad akong umalis

"T-Teka, Mr. Chua, Mr. Chua!" Pero hindi ko na siya pinansin pa.

"Ang galing mo talaga Sir." Puri pa ni Michael sa akin.

"Pabantayan mo si Mr. Buen, napakatuso ng taong yon baka ano ang gawin non." Utos ko kay Michael.

"Noted! Saan ko po kayo ihahatid?" Tanong niya.

"Sa Pension house. Gusto ko na magpahinga."

Pagkadating ko sa pension house ay nagulat ako nang makita ko si Jocille sa harap ng pinto.

"Jocille." Pagtawag ko sa kanya.

Pagkakita niya sa akin ay bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"Sorry." Tanging nasabi niya na mas lalong kinagulat ko.

Mga katagang noon ko pa gustong marinig sa kanya. Pero mas gusto kong marinig kung bakit. Bakit niya ako iniwan noon.

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon