Mac Romer's POV
"What do you think Mr. Chua? Its a great script right?" Sabi ng ka meeting ko.
Kukuhanin akong investor ng isa sa sikat na agency sa South Korea.
"And the main leads here are really a perfect combination." Dagdag pa niya.
"Who?" Tanong ni Michael."Its So Ji Sub and Son Ye Jin. One of our great actor and actress." Ngiting sagot niya.
"Ano sa tingin mo Sir?" Tanong ni Michael sa akin.
Kahit hindi ko pinakinggan kung ano ba ang takbo ng kwento ay pinirmahan ko pa rin ang kontrata. Wala dito sa Korea ang isip ko.
"Sir, okay lang kayo?" Napakatahimik ninyo nitong mga nakaraang araw ha." Puna ni Michael sa akin.
"Wag mo kong intindihin. Umuwi na tayo." Sabi ko sa kanya bago pumasok sa private plane. Plano kung matulog na muna habang nasa byahe pa. Pero napanaginipan ko na naman ang isa sa mapait na nakaraan ko.
Flashback
Nagpunta ako sa bahay nila Joan para itanong kung nasaan si Jocille.
"Joan, please naman oh. Sabihin mo naman sa akin kung nasaan si Jocille." Pagsusumamo ko sa kanya.
"Sorry talaga Mac, gustuhin ko man na sabihin sayo ay wala talaga akong alam. Pati sa akin hindi siya nagpaalam." Pero gaya ng mga nagdaan naming pag-uusap ay ganon pa rin ang sagot niya.
"Best friend ka niya, hindi ka naman matitiis non eh. Kung sakaling magparamdam siya sayo please naman oh sabihin mo na sana sa akin din kasi miss na miss ko na siya. Gulong-gulo ang isip ko kung ano ba ang nagawa kong kasalanan. May mali ba ako?" Umiiyak ko ng sabi
"Magpakatatag ka Mac-
"Mac! Mac!" Napalingon kami sa tumatawag ng pangalan ko- Si Michael
"Mac kailangan mong umuwi, may nangyaring masama sa Mama mo." Pagbabalita niya
"Ano?!" Gulat kong sabi
"Anong nangyari?" Tanong din ni Joan.
"Mamaya ko na ipapaliwanag. Joan alis na muna kami." Sabi ni MichaelAgad kaming sumakay sa sasakyan na dala niya.
At halos magunaw nga ang mundo ko nang malaman ko ang nangyari kay Mama.
Umiiyak pa akong nagwala noon dahil ayaw nilang ipakita sa akin ang itsura niya.
"Mac, anak tama na." Pag-aalo ni Nanay Toots sa akin.
Nang makita ko si Papa ay agad ko siyang sinugod.
"Kasalanan mo to! Kasalanan mo to! Kung hindi ka nambabae hindi magpapakamatay si Mama! Ibalik mo ang Mama ko! Ibalik mo siya!" Pero isang suntok lang ang sinagot niya sa akin.
Umiiyak na napahandusay ako.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETED
RomanceSi Mac Romer ang legitimate child ng pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Kahit siya na ang Presidente ng Chua Group of Companies ay hindi pa rin siya nagiging kampante sa kanyang pwesto, lalo na at may dalawang bastardo ang kanyang ama. Sina Jac...