Chapter 23: Kidnapping the billionaire's wife

1.8K 40 1
                                    

Raven's POV

Naglilibot ako ngayon sa mga beaches na pwede kong mapuntahan. Sigurado ako na isa sa mga iyon ang pinuntahan ni Jocille.

Habang patuloy ako sa paghahanap bigla naman nagring ang phone ko - Si Ralph.

"Ano na naman bang ginawa mo! Diba dapat nagbabakasyon kana ngayon? Bakit sinuntok mo si Mr. Chua!" Sigaw niya

"Paano mo nalaman?" Kalmadong tanong ko habang nasa dagat pa rin na nadadaanan ang tingin ko.

"Kalmado ka pa ngayon? Alam mo ba na ilang reporters na ang tumatawag sa akin? Raven naman eh! Akala ko ba hindi ka na maiinvolve sa mga yan? At nasaan ka ba? 10 minutes nalang flight mo na!" Galit na sagot niya

"Icancel mo ang flight ko." Sabi ko

"Nababaliw ka na- pinutol ko na ang tawag namin bago pa niya matapos ang iba pa niyang sasabihin.

Nakita ko na rin si Jocille na nakaupo sa isang duyan na malapit sa dagat.

Agad akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang dalawang beer na binili ko on the way sa paghahanap sa kanya.

"Sabi ko na sa harap ng dagat kita makikita." Ngiting sabi ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin. Binuksan ko ang dalawang beer bago binigay ang isa sa kanya. Agad niyang ininom iyon.

"Raven, naaalala mo pa ba noong una tayong magkita?" Maya-maya tanong niya.

Napangiti naman ako. Paano ko naman makakalimutan ang araw na sinabi ko sa sarili ko na pangingitiin ko ang babaeng ito?

"Oo, naman. Malungkot ka non tapos nababasa kana sa ulan. Nilapitan kita para makasukob ka sa payong na dala ko." Sagot ko habang inaalala rin ang araw na iyon.

"Alam mo ba kung bakit ako malungkot non? Yon kasi ang unang beses na nakita ko si Mac na may katalik na iba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam mo ba kung bakit ako malungkot non? Yon kasi ang unang beses na nakita ko si Mac na may katalik na iba. Nagpapart-time akong tagalinis ng isa sa mga hotel kung saan siya natutulog madalas. Pauwi na ako non nang makita ko siya na nakikipag-halikan sa isang babae papasok sa kwarto niya. Naiwan nilang bukas ang pinto kaya nakasilip ako sa loob, at nakita ko kung paano niya paligayahin ang babae gaya ng ginawa niya sa akin noong kami pa." Naiiyak na naman ang mga mata niya.
Kaya pala parang wala siya sa sarili ng mga panahong iyon. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Mahal na mahal ko siya Raven, to the point na mas pinili ko na lumayo sa kanya noon dahil ayaw ko na maging hadlang para guminhawa ang buhay niya, ayokong isipin niya na iba siya dahil sa pagiging anak niya sa labas. Pero siguro nagkamali ako ng desisyon kaya ako pinaparusahan ng ganito." Dagdag pa niya

"Bakit ba kasi siya pa ang minahal mo, sana ako nalang Jocille. Kung ako nalang sana hindi ka sana magdurusa ng ganyan." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Sana nga ikaw nalang Raven, kasi pagod na ako. Pagod na akong magmahal at paulit na masaktan. Pero alam naman natin pareho diba? Hindi natuturuan ang puso na magmahal. Noong una ko siyang nakita naramdaman ko talaga na siya na ang mamahalin ko habang nabubuhay ako at wala ng iba." Naiiyak niyang sabi.

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon