(A/N: Rated SPG alert)
Jocille's POV
Nagulat ako sa ginawa ni Mac at the same time nakaramdam ako ng galit dahil basta basta nalang niya akong hinila kay Raven.
"Ano bang problema mo?!" Galit na tanong ko sa kanya sabay bitaw sa pagkakahawak niya.
"Ano ang problema ko? Nagpapayakap ka sa iba na may asawa kana!" Galit na sagot niya.
"Nababaliw ka na ba? Nakalimutan mo na ba na peke lang-
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang bigla niya akong yakapin.
"Nandon ka diba? Nandon ka noong araw na yon." Malumanay niyang sabi.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.
Bumitaw siya sa akin saka pinakita ang isang hikaw. Hikaw na matagal ko ng hinahanap. Binigay sa akin iyon ng Nanay ko pagkapanganak sa akin bago siya namatay kaya mahalaga sa akin iyon.
Nagulat ako nang makita ko na hawak niya ito.
"Kailan ka pa nagtatrabaho sa hotel na tinutuluyan ko? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi ka nagpakita sa akin?" Sunod-sunod na tanong niya.
"H-hindi mo na kailangan malaman." Tanging nasagot ko sa kanya.
"Gusto kong malaman!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.
"Gusto kong malaman kasi buong buhay ko nagtanim ako ng hinanakit sa puso ko dahil sa pag-iwan mo sa akin. Ngayon, gusto kong malaman ang lahat. Please Jocille sabihin mo sa akin ang lahat." Pagsusumamo niya
Wala akong nagawa kundi aminin sa kanya ang lahat. Pumunta muna kami sa Pension house niya bago masinsinan na nag-usap.
Flashback
Pagdating namin sa bago naming nilipatan ay walang tigil pa rin akong umiiyak.
"Anak, okay ka lang ba? Pasensya kana kung bigla tayong lumipat ha? Kailangan lang talaga nating ilayo ang Tiyo Jaime mo para tumigil na ang pamilya ng biktima na pagbantaan siya." Paliwanag ng Tatay.
Hindi ko pa alam non na binigyan pala siya ng pera para lumayo lang ako kay Mac dahil iba ang rason ng paglayo ko rin.
Nagsusulatan pa rin kami ni Joan, siya lang ang nakakaalam kung nasaan ako pero hindi ko pinasabi kay Mac. Lalong nagdurugo ang puso ko sa mga kwento niya na araw-araw umiiyak si Mac habang nagmamakaawa na sabihin niya kung nasaan ako.
Hanggang isang araw, nalaman ko na namatay na ang Mama ni Mac. Agad akong bumalik ng San Agustin para dalawin siya.
Parang sinasaksak ang puso ko ng di mabilang na kutsilyo nang makita ko siyang umiiyak habang hinahatid sa huling hantungan ang kanyang Ina. Nasa di kalayuan ako, gustong-gusto ko sanang lumapit para mayakap siya at masabi sa kanya na nandito ako, na kasama niya ako. Pero hindi ko maaaring gawin iyon, lalo na at nakasalalay ang kinabukasan niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETED
RomanceSi Mac Romer ang legitimate child ng pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Kahit siya na ang Presidente ng Chua Group of Companies ay hindi pa rin siya nagiging kampante sa kanyang pwesto, lalo na at may dalawang bastardo ang kanyang ama. Sina Jac...