Mac Romer's POV
Hindi ko magalaw ang katawan ko. Hindi ko maintindihan ang sakit na nararamdaman ko. Isa pala akong bastardo?
"A-anak." Napatingin naman ako sa matandang nasa harap ko. Ang pinagkakatiwalaan ko- pero niloloko lang pala ako.
"Huwag mo akong hawakan." Nanginginig na sabi ko nang maramdaman ang hawak niya na dating nagpapasaya sa akin.
"P-patawarin mo ak-
"Huwag mo sabi akong hawakan!" Sigaw ko.
"H-hindi ko sinasadyang-
"Hindi sinasadya ang ano?! Ang lokohin ako? Alam mo! Alam mo buong buhay ko ang galit na nararamdaman ko sa mga kapatid ko! Alam mo kung gaano ko sila kinamumuhian! Dahil para sa akin sila ang dahilan ng pagkawala ng Mama! Pero napakasama kong tao...." Napaiyak na ako.
"Napakasama ko kasi wala naman pala akong karapatan na mamuhi sa kanila kasi katulad lang din nila ako! Isa lang din naman pala akong bastardo!" Sigaw ko habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata ko.
"A-anak, pakinggan mo muna ako ha?" Umiiyak na rin na sabi ni Nanay Toots at saka nga niya kinuwento ang nakaraan na balak sana nilang ibaon sa limot.
Flashback
Hindi gustong pakasalan ng Papa mo ang Mama mo dahil may iniibig talaga siya.
Pero dahil baliw na baliw si Señorita sa Papa mo ay pinikot niya ito at may nangyari sa kanila kaya sila pilit na pinakasal.
Galit na galit ang Papa mo sa ginawa ng Mama mo. Kahit nagawa na ng Señorita ang gusto niya na maikasal sila ay para pa rin siyang nakatira sa impyerno dahil sa pagmamalupit ng Papa mo. Bukod pa roon, laging nag-uuwi ng babae ang Papa mo at nakikipagtalik sa mga ito kahit pa katabi lang ng kwarto nilang mag-asawa, at tiniis lahat iyon ng Mama mo.
Hanggang isang gabi, umuwing lasing ang Papa mo-nagkataon na walang tao non at ginalaw niya ako. Pilit akong lumalaban pero malakas siya hanggang sa makuha nga niya ang gusto niya. Sinabi ko iyon sa Mama mo pero hindi siya nagalit sa Papa mo o sa akin humingi pa nga siya ng tawad dahil nadamay ako sa paghihiganti ng asawa niya.
At ang isang gabing pagkakamali nga ay nagbunga, at isinilang kita. Pero dahil sa matinding kahihiyan na maaaring idulot non sa pangalan nila ay inampon ka nila at ginawang Chua, kahit ayaw ko ay wala akong magagawa dahil pinagbantaan ako na palalayasin at ilalayo sayo kapag nagpumilit ako. Kaya tiniis ko nalang ang bawat sakit na nararamdaman ko sa tuwing maririnig kita na tinatawag siyang Mama imbes na dapat ako iyon.
End of Flashback"P-patawarin mo sana ako Mac. Patawarin mo ako kung mahina ako." Umiiyak na rin na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETED
عاطفيةSi Mac Romer ang legitimate child ng pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Kahit siya na ang Presidente ng Chua Group of Companies ay hindi pa rin siya nagiging kampante sa kanyang pwesto, lalo na at may dalawang bastardo ang kanyang ama. Sina Jac...