Chapter 20: The Bomb

1.8K 50 2
                                    

Mac Romer's POV

Nagising ako kinabukasan na wala na si Jocille sa tabi ko. Agad akong tumayo at nagbihis dahil nakahubad pala ako. May nangyari na naman kasi sa amin kagabi, alam niyo na kailangan makabuo.

Napangiti ako nang makita ko siya sa kusina na nagluluto. Napangiti rin siya ng makita ako.

"Maupo kana, malapit na matapos to" Ngiting sabi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maupo kana, malapit na matapos to" Ngiting sabi niya

"Bakit ikaw ang nagluluto? May cook naman tayo ha?" Tanong ko sabay yakap sa likuran niya.

"Alam ko, pero gusto ko lang naman na ipagluto muna kita kahit ngayon lang." Sagot niya

"Okay. Pupunta ka ba kay Tatay Mario ngayon?" Tanong ko

Tumango naman siya.

"Para makapagpahinga rin si Tiyo Jaime."

"Okay. Ihahatid kita don bago ako pumunta sa opisina. Baka may mga reporters na nakakalat pa rin sa paligid." Pag-aalalang sabi ko.

Pagkatapos nga namin kumain ay sabay pa kaming naligo ni Jocille. At gaya ng inaasahan may nangyari pa sa amin habang naliligo.

"Gusto mo dito nalang tayo sa bahay maghapon?" Pilyong sabi ko sa kanya

"Tumigil ka na, kailangan ko na pumunta sa ospital" ngiting sabi niya habang pinipigil ako sa paghalik-halik ko sa kanya.

"Okay, I'll let you go today but tomorrow dito lang tayo sa bahay okay?" Ngiting sabi ko

"Oo na po." Sagot niya

Hinatid ko muna siya sa ospital bago ako pumunta ng opisina.

Nagpalagay din ako ng 20 bodyguards sa buong paligid para harangin ang mga reporters na magtatangkang lumapit kay Jocille.

"Sir, mamayang dinner po ang punta natin sa bahay ninyo. May board meeting lang kayo ngayong umaga tapos press con mamayang hapon." Pagbabalita ni Mac pagdating ko sa opisina.

"Okay, nakahanap kana ba ng donor para kay Tatay?" Tanong ko.

"Sa ngayon po, pati sa ibang parte ng mundo ay number 1 tayo sa list. Kaya lang dahil sa sobrang rare ng dugo ni Tatay ay mahihirapan tayo ng konti Sir. Kaunti lang talaga ang may AB negative sa mundo." Sagot niya

"Sir excuse me, ready na po ang lahat." Napatingin kami pareho kay Angel.

Tumayo na nga ako at nagpunta na sa VIP room para sa board meeting.

"We heard about your wedding Mr. Chua, Sana hindi pa huli para icongratulate kayo ng Misis mo." Sabi ng isang board member.

"Thank you, Im sorry to tell you na hindi ko pa siya mapapakilala ngayon sa inyo dahil nga nasa ospital ang Father-in-law ko." Sagot ko naman

"But Mr. Chua, akala ko ay after ng wedding mo ay ipapalit ka ng Chairman ng Papa mo?" Tanong ng isa naman.

"I'm sure mangyayari at mangyayari yan wala kayong dapat ipag-alala." Sagot ko

The Billionaire's Ex (Billionaire Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon