My heart is beating loudly. Droplets of sweats formed in my forehead. My cold hand is shaking and I am already exhausted. I really wanted to cry for Pete's sake but I can't.
Kanina pa ako tumatakbo dahil hinahabol ako ng mga mababangis na lobo dito sa madilim na gubat. I am running in bare foot at ang dami ko ng sugat sa katawan. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon, basta ang natatandaan ko lang ay biglang may mga lobo sa likod ko kaya naman tumakbo na kaagad ako palayo sa kanila.
"HOLY MOLY!"
I didn't notice the small rock that was blocking my way kaya naman nadapa ako na siyang nagpahinto sa aking pagtakbo. Napagulong ako sa lupa at naramdaman ko ang pagkakaroon ko ng mga gasgas sa braso.
Tatayo na sana ako upang tumakbo muli kaso mukhang nagka-sprain pa ako. Pakening syet.
Nang tingnan ko ang mga lobong sumusunod sa akin ay wala akong magawa kundi ang iharang na lang ang mga braso ko sa sarili nang makitang malapit na sila sa pwesto ko at napapikit. I thought they were going to devour me with those sharp fangs but I was wrong. Mas lalo lang akong kinabahan nang tumigil din ang mga lobo sa pagtakbo at sabay-sabay na umalulong. Para bang may ritwal muna silang kailangang gawin bago ako pagpiyestahan.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa sobrang takot at dahil na rin siguro sa panghihina. Fuchsia, if I die tonight, I'm going to haunt these creatures for the rest of my life.
Kanina pa sila umaalulong kaya naman dumoble lalo ang kaba ko at kasabay nito ang pagpapanic ng isip ko. Hindi ko na kayang tumakbo pa kaya alam kong ito na ang katapusan ko. Hindi pa ba kayo tapos sa ritwal niyo?
Hindi ko na namalayan na kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko habang nagdadasal na sana may knight in shining armor na lumitaw dito. Please, kahit hindi na knight o prince, basta makaalis lang ako dito sa gubat na ito.
Nagulat naman ako nang tumigil sila bigla sa pag-alulong. Sabay-sabay silang tumingin sa akin at mukhang handa na sila sa kung anumang gagawin nila. Their bloodshot eyes stared at me in hunger and lust, as if I was the most enticing dish in their whole life. I couldn't help but to shout for mercy even though I know they cannot understand me anyway.
"Please! Huwag ako ang kainin niyo! I'm not yummy! May group report pa kami tomorrow! Hindi ko pa natatapos yung thesis ko! Papagalitan ako ni Daddy! Saka ayokong magkaroon ng ugly scars if ever na mabuhay pa ako ngayong gabi—AY!"
Napapikit ako nang maramdaman kong lumutang ang aking katawan. Pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko dahil sa pagkagulat. Ngunit napatigil ako ng may napagtanto. Wait. NAKALUTANG AKO SA ERE?!
Bigla akong napasigaw at nagmulat ng mga mata. Napakapit ako ng mahigpit sa kung ano mang bumubuhat sa akin sa pag-iisip na dito nakasalalay ang buhay ko.
"MOMMY—!"
Ngunit napatigil din ako sa pagsigaw nang makita ang nasa harapan ko.
Sheezy.
'Di ko ineexpect ito.
Tumambad sa paningin ko ang isang napakagwapong lalaki na seryoso ang tingin sa daan. Mukha siyang grim reaper sa suot niya na turtleneck na pinatungan ng black trench coat. Ang lapit ng kanyang mukha kaya naman hindi ko mapigilang mapalunok habang pasikretong humahanga sa kanyang taglay na kagwapuhan.
Ang takot na nararamdaman ko kanina ay muling nanumbalik nang mapagtantong hindi ko pala kilala ang lalaking bumubuhat sa akin ngayon. Paano kung masama pala siya? Paano kung kakampi siya ng mga lobong humahabol sa akin kanina?
Don't tell me dadalhin niya ako sa pinuno ng mga lobo?!
Bigla naman siyang tumawa sa hindi ko malamang dahilan kaya lumitaw ang dimple niya sa kanang pisngi. Instead of getting confused, I found that very charming and cute. I stared at him in awe as I covered my mouth with my hands.
HALA ANG CUUUUTE!!!!
ASHFHDJGNDJHF—
Valerie.exe has stopped working.
But seriously, I would like to take him home, pinch his cheeks, and poke his dimple forever.
"Please stop." Humahagikhik pa rin siya pero bakit ang hot ng pagkasabi niya 'dun?! Isa pa, ano ba ang nakakatawa? Wala naman akong ginagawa ah?
"Stop? What? Edi go!" Hindi ko na alam ang sinasabi ko fuchsia. Wala naman akong ginagawa kaya bakit niya ako pinapahinto? Is he laughing at my reaction? Ano 'to, reacting to a reaction video?
Tumatawa pa rin siya at para namang nakikisabay din ang mga ibon sa kanya dahil lumilipad ito sa tabi namin habang humuhuni.
Wait, paanong may ibon na dito? Lumilipad? Sa tabi namin? Wut?!
Saka ko lang napansin na tumatalon pala kami sa mga sanga ng puno. Infairness, ang taas ng talon niya, parang Tarzan lang. Ang graceful ng pagtalon niya kaya ang sarap sa pakiramdam ng hangin na banayad na tumatama sa balat ko.
Kung kanina ay takot at pangamba ang nararamdaman ko, ngayon ay feeling ko isa akong prinsesa sa isang fairytale.
Don't touch me, prinsesa na ako.
He's carrying me in his arms—syet, dapat na ba ako kiligin dito?
Tumigil na siya sa pagtawa pero hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. Hinahabol pa rin kami ng mga lobo pero panatag ako na ligtas na ako ngayong gabi. There's something in him that calms me even though he is just a total stranger. I felt familiarity and connection towards him even though I'm very sure that this is our first encounter.
Habang nakatitig sa kanya, hindi ko alam kung bakit may nag-uudyok sa akin na hawakan ang kanyang perpektong mukha.
Unti-unting nawala ang kurba ng kanyang labi at ngayon ay seryoso na ang kanyang mukha. Nakita kong napalunok siya habang nakatingin sa daan kaya nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya. He looked tense for some reasons in which I don't know why. I also noticed his ears turned red. Cute.
Hindi ko na napigilan ang taksil kong daliri nang tusukin ng hintuturo ko ang kanyang pisngi. I don't have bad intentions, I just want to make sure if he's real!
Bigla naman siyang napatingin sa akin at sa mga sandaling iyon, tanging tibok ng puso ko lang ang aking naririnig.
May kaunting liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan ang tumatama sa mukha niya, ngunit hindi iyon hadlang para hindi ko makita ng buo ang kanyang perpektong mukha.
Mahaba ang mga pilikmata niya at makapal ang kilay, matangos ang ilong at may mapulang labi. Ang buhok niya ay marahan na isinasayaw ng hangin. Pero higit sa lahat, pinakanakakaakit ay ang kulay abo niyang mga mata na nagniningning dahil sa repleksyon ng mga bituin.
Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya pero ang lungkot ng mga mata niya at parang nakikiusap.
Ngumiti siya sa akin na para bang pinapagaan ang loob ko pero ganoon pa rin ang mga mata niya.
Katulad kanina 'nung tumawa siya, iba ang sinasabi ng mga tingin niya.
He is staring at me directly like he already knew me.
It's like he's looking at my soul...
wanting me to hear his plea.
"Recuerdalo siempre."
Hindi ko alam kung saan nagmula ang boses na narinig ko pero para itong pampatulog na unti-unting bumabalot sa katawan ko. Sigurado akong hindi ito nagmula sa lalaking buhat-buhat ako ngayon dahil hindi niya iginalaw ang kanyang labi.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig kong may ibinulong ang lalaki sa akin sa huling pagkakataon.
"Dream of me."
BINABASA MO ANG
Dream of me again. [COMPLETED]
Fantasy"March 10, 2020. This was my dream. Actually, it's a crazy one. Sino ba namang maniniwala dito? Everything happened like its real. So I met this guy named Cedric and he... he, uh... wait... Basta! I met him, and he told me that... Wait, why am I rec...