CHAPTER 1: Blood

1.6K 56 8
                                    

Chapter 1
[Blood]

Aseila's P.O.V

"Psst!..."

"Huy!.."

Mariin akong napapikit sa ingay. Sinusubukan kong matulog ng may kumalabit sa akin.

"Hmm.. Shut up, Sean..."

Nilipat ko sa kabilang side ng mesa ang ulo ko habang hindi pa rin nagmumulat.

Pero di pa rin nakuntento ang pesteng nangpepeste sa pagtulog ko ngayon. Marahas ako nitong niyugyog pero di pa din ako dumidilat at bumabangon. Kahit na rinig rinig ko na ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga bungangera kong mga kaklase.

"Aseila! Gising! Nandyan na si Ma'am!" Agad akong napadilat at mabilis na napaayos ng upo. Pinunasan ko ang mukha ko kung may muta ba ako o laway. Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman. Pagkatapos kong ayusin ang uniform ko ay napatingin ako sa harapan at nakitang...

WALA PA SI MA'AM!

Nilibot ko ang paningin at wala pa talaga siya! Nagkakagulo ang buong classroom. May nagbabatuhan ng mga basahan at eraser sa harapan. May nagiipitan sa may gilid. May nag lalaro sa kanilang mga cellphones, nagtsi-tsismisan, nagkakantahan, nagbabasa ng libro at tulad ko ay may natutulog lang din. May iba din na tulad ni Sean--na bwisit sa buhay ko-- ay nanggugulo lang din at nagpapasikat. Napatampal nalang ako sa noo ko.

Inis akong tumingin sa upuan niya na katapat ko sa kanan. Diretso siyang nakaupo at patay malisyang nakatingin sa harap. Pero kalaunan nang mapansin niya sigurong tinititigan ko siya ng masama ay napanguso siya na mukhang nagpigil ng tawa. "Pfft---"

Mabilis kong dinampot ang notebook na nasa ibabaw ng lamesa ko at malakas kong binato sa kaniya.

"Bwisit ka! Sa susunod na manggugulo ka, wag sa natutulog, pwede?!" Sigaw ko sa kanya.

Mas lalo lamang siyang natawa at mas lalong kumulo ang dugo ka sa inaasta niya. Nakakabwisit siya, inistorbo niya ang magandang tulog ko!

"Kanina ka pa kasi natutulog. Pasalamat ka nga sa'kin at ginising kita. Alam mo bang masama ang sobrang tulog? Atsaka mamaya binabangungot ka na pala hindi ko pa alam. Kaya pasalamat ka sa'kin dahil sinagip ko ang buhay mo." Mahabang aniya habang magkakrus ang mga braso't nakangisi. Napakunot ang noo ko sa ka-OA-yan niya.

Pinatong ko nalang ulit ang mga braso sa lamesa ko at doon inihiga ang ulo. Pumikit ako.

"Hoy, matutulog ka na naman?" Ramdam kong nakatayo na siya sa harap ko. Ipinatong niya sa ulo ko ang notebook na ibinato ko sa kaniya kanina. Hindi ako gumalaw.

"Wala kang pake,"

Nang maramdamang wala ng nanggugulo sa akin ay pinilit ko nalang ulit matulog.

Maya maya ay nakaramdam na naman ako ng kumakalabit sa gilid ko. Panigurado si Sean na naman 'to! Nagising na ang diwa ko pero hindi pa din ako dumidilat.

"Psst! Huy, Aseila! Nandyan na si Ma'am!" Binuksan ko ng kaonti ang mga mata ko, saka ako umirap. pumikit ulit ako. Ako pa lokohin mo, gago.

Hindi ko siya pinansin at pinilit na matulog pa.

"Aseila.. Get up, I'm serious.. she's looking at you now.." naririnig ko ang mga bulong niya sa gilid ko. Palibhasa katapat ko siya at maliit lang ang pagitan namin sa gitna.

Akala mo matatakot mo 'ko?

"Hey... palapit na si Ma'am. This time I'm not joking, Aseila. Bahala ka nga d'yan," I heard nothing again after that. Fortunately, that one also gave up.

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon