CHAPTER 32: The Traitor

329 14 0
                                    

Chapter 32
[The Traitor]

"PATAY na si Mang Cosmo.." sambit ni Sean. Para akong nanlamig sa sinabi niya. Parang sandaling tumigil sa pagtibok ang puso ko. Napakurap ako.

"A-Anong--"

"At hindi siya traydor." Napalingon naman ako kay Zella.

Lumuluha silang dalawa ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko. Hindi ko na alam ang papaniwalaan ko..

"B-Bakit..--"

"Vesta, ilabas na natin muna ang mga kaibigan mo baka dumating na sila," nilingon ko si Aviana na nakabantay sa labas.

Tumango ako at tinulungan si Grasya. Lumapit naman si Aviana kay Zella.

Habang akay ko si Grasya ay lumapit ako kay Sean na sinusubukang tumayo.

"S-Sige na.. ayos lang ko.." aniya. Tiningnan ko siya.

"Tara," sabi ni Aviana na nauna sa labas.

Sumunod na ako at sa likod ko si Sean.

Nang makalabas kami sa lugar na iyon ay sumalubong sa amin ang ilang kawal. Agad namin iyong napatumba ni Aviana sa pamamagitan ng aming mga kapangyarihan.

Sa pasilyo ay nakasalubong namin si Sir Axton. "Sir!" Napangiti ako.

Napatingin siya sa akin at sa mga kasama ko.

"Nahanap ko na sila! Tulungan niyo kami--" Napatigil ako ng mapansin si Grasya na tila naiiyak na naman. Nilingon ko siya. Galit siya na naluluhang nakatingin kay sir Axton.

Sinusubukan niyang umatras pero dahil hawak ko siya ay napaatras na rin ako. Kumunot ang noo ko sa inasal niya.

"M-Miss..umalis na tayo.." bulong niya.

Nilingon ko si Sir na palapit na sa amin. Napaatras din sina Aviana.

"Halika, Vesta...tutulungan ko kayo--"

"Huwag kang lumapit, traydor!" Sigaw ni Grasya. Natigilan ako. Mas napatitig ako kay sir. Tila nag iba ang pakiramdam ko sa kaniya.

"A-Ano bang sinasabi mo, Eurella?.. tutulungan ko lang naman kayong--"

Nakita ko na si Aviana na hinahanda na ang kapangyarihan niya. Hinila din ako palapit ni Sean.

Isa pang pinagtataka ko ay hindi siya nagtataka kung bakit namin kasama si Aviana, at kung bakit hinang hina ang mga kaibigan ko.

"Mali ang hinihingian mo ng tulong, Vesta." Sabi ni Aviana.

Binitawan niya muna si Zella saka naglakad palapit kay Sir..

Mas lalong kumunot ang noo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"T-Teka, Aviana!"

Lalapit sana ako kay Aviana para pigilan sa gagawin pero pinigilan na ako ni Grasya. "Miss! Siya ang pumatay kay Mang Cosmo! Huwag na kayong maging bulag sa pagkatraydor niyan!"

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon