Chapter 20
[The Magic Of Blue Blood]"HE got poisoned." Sagot ko.
Kumunot ang noo ni Serro. "Anong klase? Saan?" Tanong niya pa habang naghahanap ng kung ano ano sa isang malaking drawer.
"Natagpuan ko sila malapit sa ilog ng Azulaya. Siguro'y doon nalason si Nico." Si Zach ang sumagot. Nakahalukipkip siya sa gilid. Sa harap niya ay si Liam na nakaupo sa tabi ng kama kung saan nakahiga si Dylan. Naglakad na ako palapit sa kanila.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Serro.
"Masyadong makamandag ang lason ng ilog na iyon..Ngayon na lamang ako makakagamot ng ganito at hindi ko alam kung bibisa ang aking gagawin." aniya habang lumalapit sa amin. Mayroon na siyang hawak na mga mukhang halamang gamot at mga kulay green na likido na nakalagay sa isang manipis na bote.
Napahinto ako sa sinabi niya. Napatiim bagang. "Kaninong kaharian ba ang lugar na ito? Bakit nila hinahayaang may lason ang tubig ng ilog na iyon? Hindi ba nila kayang gawan ng paraan para mawala ang lason dito?" Tanong ko.
Nilingon ako ni Serro."Binibini, ang lupaing ito ng Thudarriaga ay hindi sakop ng kanino mang kaharian. Subalit ang ilog ng Azulaya ay konektado sa ilog sa emperyo ng Yohagria. Doon nanggaling ang lason. Isa pa, hindi ang tubig nito ang may lason." Muli siyang bumaling kay Dylan. Binuka niya ang bibig nito at pinainom ng green na likido.
Natigilan ako. Ano? Kung ganon ano? Kaya ba hindi naramdaman ni Dylan na may lason ang tubig? Tubig ang majika ni Dylan at imposibleng hindi niya ito maramdaman.
Nakita niya ang pagkalito sa ekspresyon ko. "Ang ilog ng Azulaya ay may sariling hangin. Ang hangin na bumabalot dito ay siyang may lason. Kung sino mang lumapit dito ay unti unting manghihina at mamamatay." Aniya habang may hinahalo sa mga halong gamot na hindi ko alam kung anong tawag.
Nanlaki ang mga mata ko. Muling kumalabog ang puso ko. Napatingin ako kay Liam. "B-Bakit ikaw kanina, Liam..bakit hindi ka nalason."
Napatungo siya. "Hangin ang kapangyarihan ko, Mis--- Nagawa kong labanan ito kanina ng maramdaman kong may nakabalot na lason dito. Huli ko na ring nalaman."
Muli kong tiningnan si Dylan. Parang may tinutusok sa dibdib ko habang nakikita ko ang kalagayan niya ngayon.
Tumayo na si Serro. "Tapos na ako. Hintayin natin ang paggising niya ng mga ilang minuto.."
"Paano kung hindi magising?" Halos murahin ko si Zach sa tanong niyang iyon.
"Kung ganoon..." Nilibot ni Serro ang paningin niya sa amin. "Kakailangan na natin ng huling sangkap."
"Anong sangkap ba iyon?" Tanong naman ni Liam.
Pinagkrus ni Serro ang mga braso at napatingin kay Dylan na nasa kama. "Ang huling sangkap ay ang makapangyarihang dugo ng mga maharlikang salamangkero. Ang kanilang asul na dugo."
Natigilan kaming lahat. Mabilis na napatingin sa akin si Liam. Napalunok ako. Hindi ko pa nakikita ng lubusan ang asul na dugo na mayroon daw ako. Pero kung sakaling kailanganin ni Dylan ay handa akong sugatan ang sarili para bigyan siya ng aking dugo.
"Bakit hindi pa ngayon para sigurado nang magigising?" Tanong ni Zach sa gilid.
"Sapagkat may pinainom na ako sa kaniya, Zach. Makapangyarihan din ang pinainom ko sa kaniyang likido na tatabla sa lahat ng uri ng lason. Kung hahaluan agad ng asul na dugo ay baka mas lalo niya pang ikamatay. Kaya kailangan nating maghintay ng ilang minuto. Pero kung hindi umepekto ang pinainom ko sa kaniya dahil sa lakas ng lason ng Azulaya ay kailangan na natin ng asul na dugo sa lalong madaling panahon." Mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)
FantasíaNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...