Chapter 5
[New Classmates]
"Siya nga pala. Maligayang kaarawan...Vesta.."Hindi matanggal tanggal ang mga 'yan sa utak ko. Sinabi iyan ni inay bago siya mawalan ng hininga. Ibig sabihin...Vesta talaga ang tunay kong pangalan?
Habang naguusap-usap kami kahapon ay biglang dumating ang nurse ng clinic kaya sinabi ni sir Axton na sa susunod nalang pag-usapan ang iba pang bagay patungkol sa akin. Nung una hindi ko naintindihan, pero napagtanto kong napakapribado nila at hindi alam ng mga tao dito sa school ay alam ang mga lihim nila...namin.
Ngayon parang may paunti-unting nabubuong puzzle sa utak ko, pero may kulang pa.
Napabuntong hininga ako. Habang hawak ang magkabilang strap ng bag ay pumasok ako sa room.
Napakunot ang noo ko ng makitang may ibang nakaupo sa upuan ko.
"Hoy, Lino. Anong ginagawa mo dyan sa upuan ko?!" galit na sabi ko kay Lino. May kausap siya sa katabi niya at dahan-dahang nilingon ako. Nang makita niya ako ay unti-unting lumiwanag ang mukha niya.
"Hi, Aseila! Good morning!" Masaya ang mukha niya pero ako hindi. Nakakunot ang noo ko't muli siyang tinanong.
"Bakit ka nandyan sa upuan ko?"
Ngumiti na naman siya at tumayo. Ngayon ay magkatapat na kami. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Eh, kasi," Marahas kong inalis ang mga kamay niya sa balikat ko. Tumawa siya na siyang mas lalong nagpairita sa akin.
"Ano bang--?!"
"Miss Valdezada," Napalingon ako sa kakapasok lang na si Ms. Gozman. Natahimik ang buong room.
"Hindi na dito ang room mo," aniya.
"Po?!"
~*~
Halos mg init ang buong mukha ko ng biglang yumuko sa harap ko sina Liam, Eurella at Dylan pagkarating na pagkarating ko palang sa classroom nila. Pinalipat daw ako dito ni Sir Axton.
"A-Ano bang ginagawa n'yo?"
Matamis na ngumiti sa akin si Eurella.
"Bilang paggalang sayo, Miss Vesta..." Napakunot noo ako sa tinawag niya sa akin. Hindi ko alam kung tutugon ba ako sa kaniya dahil sa itinawag niya sa akin. Ako ba talaga iyon?
"Natutuwa kami at nakita ka na namin, Mahal na Prinsesa.." saad naman ni Liam habang nakangiti. Hindi ako nakapagsalita. Mas lalo akong namula. Napalingon naman ako kay Dylan. Nang magtama ang paningin namin ay tipid siyang ngumiti.
"Mahal na Prinsesa," Aniya at marahang yumuko. Napalunok ako. Hindi ako sanay..
Napaiwas ako ng tingin. Tumingin na lamang ako kila Eurella. "Pwede bang huwag niyo na akong tawaging V-Vesta, at Mahal na Prinsesa?...Hindi kasi ako sanay," mahinang sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "Pero, Miss Vesta. Sign po ito ng paggalang namin sa'yo, bilang Prinsesa ng Zerrendale." Ani Eurella.
"Pero...Wala naman tayo sa Zerrendale." Giit ko.
Napanguso si Eurella. "Pero--"
Bumuntong hininga ako. "Kung Prinsesa niyo nga ako...sundin nyo ang inuutos ko." Hindi ko alam kung may karapatan ba akong sabihin iyon sa kanila. Pero nagulat ako ng ngumiti lang silang dalawa sa akin at marahang yumuko. Nilingon ko si Dylan na magkakrus ang mga braso habang nakasandal sa pader. Nakangiti ito sa akin na para bang sumasang ayon sa desisyon ko.
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)
FantasiNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...