CHAPTER 29: War

347 14 0
                                    


Chapter 29
[War]


SOBRANG bilis ng tibok ng puso ko ng napatingin sa akin si Ina habang nagsasalita si Dylan. Mukhang nasabi na niya..

"Mahal na Prinsesa..nakikinig ka po ba?" Bumaling ako kay Maestro nang sabihin iyon.

Mariin kong kinagat ang labi. "Opo, Maestro.. ipagpatuloy niyo lang po.." tumango ito at muling nagsalita habang nasa libro ang paningin.

Sumulyap ulit ako kina Dylan at nakitang nakayuko na siya. Mas lalong tumakbo sa kaba ang puso ko ng lumapit sa akin si ina. Ganito pala kakaba ang pag amin sa mga magulang.

Nilingon ako ni Dylan, ngumiti siya at lumapit naman kay Ama na kausap na ngayon si Heneral.

Tumikhim si ina ng makalapit.

"Agnar, maaari ko ba munang makausap ang aking anak? Ipatatawag na lang ulit kita mamaya,"

Yumuko si Maestro. "Masusunod po, Mahal na Reyna." Bumaling siya sa akin at yumuko din. "Alis na muna po ako, Prinsesa Vesta." Tipid akong ngumiti sa kaniya dahil sa kaba.

Nang makaalis siya ay sinukbit ina ang kaniyang kamay sa aking braso at iginayang maglakad paalis doon.

"Vesta.." paunang sabi niya. Marahan lang ang paglalakad namin.

Napalunok ako. "Ina? M-May problema po ba?" Kunyaring tanong ko.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ako. "Alam kong alam mo kung bakit kita kinakausap ngayon.."

Napayuko ako. "Masama po ba?" Tukoy ko sa amin ni Dylan.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni ina. "Walang masama doon, Vesta. Umiibig ka at walang masama doon. Hindi man galing sa asul na dugo si Dylan, galing naman siya sa ating pinakatapat at magiting nating heneral. Ang kaniya ring ina ay isang malakas na ylundra dati nung nabububay pa.."

Napatingin agad ako kay ina ng marinig ang huling sinabi niya. Tumango siya bilang pagkumpirma. "Oo, bata pa lamang si Dylan ay namatay na ang kaniyang ina. Nagkaroon ito ng matinding karamdaman, hindi ito kinaya ng mga healers kaya bumigay ang kaniyang katawan.. malaking kawalan sa mga ylundra ang ina ni Dylan.."

Natahimik ako. Ngayon ko lang nalaman na wala na pala siyang ina..

"Hindi ako tumututol sa inyo, ang totoo nga niya'y natutuwa pa ako ng sinabi ni Dylan ang inyong relasyon."

Para akong nabunutan ng tinik. Nakahinga ng maluwag at napangiti. "Talaga po ina?"

Nakangiti siyang tumango tango. Muli niya akong pinagmasdan. Hinaplos niya ang aking pisngi.

"Matagal kitang hindi nakasama, Vesta. Hindi ako nakasaksi sa mga unang dapat masaksihan ng isang ina sa kaniyang anak. At ngayong nakikita kitang umiibig ay lubos akong nagagalak." Saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Hindi man kita nakasama ng lumalaki ka, sinisugrado ko sayong makakasama mo kami hanggang sa iyong pag tanda. Nandito kami ng iyong ama para suportahan ka palagi. Sa pag ibig man 'yan o sa kung ano pa man." Kumalas si ina at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Parang hinahaplos ang puso ko dahil doon. Pinilit kong maging matatag dahil ayokong umiyak na naman sa harapan ni Ina.

"May tiwala ako sa'yo, anak. May tiwala ako kay Dylan, sa inyo.."

Mas lalo akong napangiti. Kinagabihan ay silang dalawa na ni ama ang kumausap sa akin. At wala silang tutol sa amin! Sobrang natutuwa ako ngayon!

Nang makasalubong ko si Dylan sa pasilyo kinaumagahan, pagkalabas ko ng aking silid, ay tumakbo na ako para mayakap siya. Nakangiti rin siya at ginantihan ang yakap ko. Sinamapay ko ang dalawa kong braso sa balikat niya ng kumalas ako sa yakap at agad ko siyang hinalikan. Hindi siya gumalaw kaya tumigil ako at pinagmasdan siya.

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon