PROLOGUE

2.9K 75 1
                                    

Malalim na ang gabi ngunit rinig na rinig pa rin ang ingay ng mga yabag ng mga paa ng kabayo sa mababatong lupa.

Marahas na bumukas ang mataas na pintuan ng palasyo patungo sa bulwagan kung saan naroroon ang Hari ng Zerrendale. Isang kawal ang lumuhod at nagbigay galang sa nakaupo sa kaniyang harapan.

"Mahal na Hari, parating na po rito si Haring Rocero ng Grendelle!" Sigaw ng kawal dahilan ng pagkabalisa ni Haring Dion. Ang Hari ng Zerrendale. Napatayo ito sa kaniyang trono.

Ang tanging pumasok lamang sa kaniyang isipan ay ang kaniyang natatanging anak na babae.

"S-Si....Si Vesta nasaan?" Kinakabahang tanong nito sa isang tagapaglingkod. Ito lang ang pinaka unang beses na natakot at kabahan siya.

"Mahimbing na po itong natutu--" sasagot na sana ang tagapaglingkod ng biglang may isa pang tagapaglingkod ang tumakbo at nagsisigaw papunta sa harap ng hari.

Umiiyak na ito.

"Anong problema, Lyra?" Tanong ng Hari sa tagapaglingkod na nakatalaga para bantayan si Vesta. Ginapangan ng takot at pangamba ang babae.

"Kamahalan... Si Prinsesa Vesta po nawawala sa kaniyang silid!" Muli itong humagulhol. Parang gumuho ang mundo ni Haring Dion. Nakaramdam siya ng matinding poot at galit. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin.

Lumabas na din ang Reyna. "Dion, nasaan ang ating anak?" Nilingon siya ng Hari. Mahihimigan ang takot at kaba sa tanong ng Reyna. Napayuko ang Hari at napalunok. Hindi niya alam ang isasagot sa asawa. Bumaling siya sa kaniyang harapan kung saan naghihintay ng mga utos ang kaniyang mga kawal.

Mariin siyang napapikit. Pagkadilat ay saka siya nag anunsyo. "Hanapin niyo ang aking anak! Ngayon na! Salubungin niyo sila Rocero at maghanda sa panibagong digmaan!" Dahil sa sinabing iyon ng Hari ay nakumpira ng Reyna na nawawala nga ang kaniyang sanggol na anak.

Napatakip siya sa bibig at umiyak nang umiyak. Alam na niyang mangyayari ito, ngunit hindi nila pinagtibay ang proteksyon ng bata. Napasigaw siya kasabay ng paglabas ng nagliliyab at galit na galit na apoy sa kaniyang mga palad.

Wala nang ibang nararamdamang ang Hari't Reyna ng Zerrendale maliban sa matinding galit sa kung sino mang kumuha kay Vesta.

Samantala, Isang lalaking nasa kakahuyan palabas ng Kaharian ng Zerrendale ay nakasuot ng mahabang damit na kulay itim na halos hindi makita ang mukha. Hawak ang isang sanggol na malakas na umiiyak.

Pinagmasdan niya ang napakaamong mukha ng bata. Umiling siya sa naalalang ipinag-uutos sa kaniya. Nakaramdam siya ng matinding awa para sa sanggol. Nakaisip siya ng paraan kung kaya't may nilapitan siyang isang babae na galing pa sa isang emperyo sa Hilaga, ang Kaharian ng Hermeas sa emperyo ng Las Aragua.

"Adamina, ikaw na muna ang bahala sa batang ito. Magtungo kayo sa mundo ng mga mortal na tao at lumayo kayo dito. Malayo dito sa Magos Zarroah." Mahinang sambit nito habang binibigay ang sanggol kay Adamina.

"Sino itong batang ito, Cosmo?" Kunot noong tanong ni Adamina. Pabalik balik ang tingin niya sa bata at kay Cosmo.

Napalunok si Cosmo sa tunay na pagkakakilanlan sa kinuha niyang sanggol.

"Siya si Prinsesa Vesta. Anak ni Haring Dion at Reyna Eliane ng Zerrendale." Kinakabahang sambit ni Cosmo. Nanlaki ang mga mata ni Adamina at bahagyang napaatras.

"Anong ginawa mo?! Bakit mo siya kinuha?! Nasisiraan ka na ba ng bait? Nakakalimutan mo na bang maharlika ang sanggol na ito? Pareho tayong mamamatay!" Galit man ay hindi niya hinayaang tumaas ang boses niya dahil sa takot na may makarinig sa kanila.

"Saka ko na ipapaliwanag sa'yo. Nagmamadali ako, Adamina. Ikaw na munang bahala sa Prinsesang iyan. Huwag na huwag mong ipapalaam sa iba ang tunay niyang katauhan. Kung hindi ay parehas tayong mapapahamak. Mas maganda kung baguhin mo ang kaniyang pangalan, sa ganoong paraan ay mas makakaligtas siya sa mga gustong pumatay sa kaniya. Aalis na ako."

"Sandali, Cosmo--!" Pero huli na ang lahat, nawala na sa paningin niya si Cosmo. Kinabahan si Adamina dahil hindi niya alam ang gagawin lalo pa't Prinsesa ang hawak niyang sanggol.

Napatingin siya sa tahimik na sanggol na tila ba nakikiramdam. "Nako, Mahal na Prinsesa, pagpasensyahan niyo na..." hinawakan ni Adamina ang maliit na kamay ni Vesta. Niyakap ng mga maliliit na daliri nito ang hintuturo ni Adamina. Nakaramdam siya ng matinding tuwa sa puso lalo pa't wala siyang anak. Ngumiti siya at hinalikan sa noo ang Prinsesa.

Kanina ay nagdadalawang isip pa siya kung ibabalik niya sa Zerrendale ang Prinsesa, pero ngayon ay nagbago ang isip niya...

"Aseila...papangalanan kitang Aseila," pumikit pikit ang sanggol. May kaonting ngiti ang lumabas sa maliit na labi nito. Naisip ni Adamina na mas maganda ang kaniyang ginawa para na rin sa kaligtasan na sinasabi ng kaniyang kaibigang si Cosmo.

Halos itinuturing na niyang kapatid si Cosmo, kaya may tiwala pa rin siya dito.

Matapos ang ilang sandali ay umalis na si Adamina sa kakahuyan kung saan sila nagkita ni Cosmo at nagtungo na sa kaniyang tahanan para kumuha ng mga iilang gamit. Naghahanda na siya para makaalis sa Magos Zarroah at tumawid sa lugar ng mga normal na tao kasama ang sanggol na pinangalanan niyang Aseila...


____

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental. Also, I do not own the photo I used in the book cover of this story, credits to the rightful owners.

Plagiarism is a crime.

Written by: mizzy_kim

[Welcome to Magos Zarroah Series #1]

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon