CHAPTER 7: Viral

541 22 0
                                    

Chapter 7
[Viral]

MAAYOS ang naging unang araw ko kasama sila. Marami akong natutunan. At nakita ko ang kaonting parte ng mga pagkatao nila.

Hindi na din muling bumalik kahapon sa training si Zella. Kahit kaonti naman ay nakaramdam ako sa kaniya ng pag alala. Kahit ganoon ang ugali niya ay dapat magpasalamat pa din ako. Unang una dahil napag alaman kong binantayan niya din ako simula pagkabata. Pangalawa, kahit hindi nahalata, tinulangan niya sila Dylan na mahanap ako. Pangatlo, siya ang dahilan kung bakit ko napalabas at natuklasan ang kapangyarihan ko. Dahil doon naipaalam niya sa akin ang isang parte ng pagkatao ko.

Nung sumunod na araw ay halos nanibago kami, hindi dahil sa training kung hindi dahil kay Zella. Ang tahimik niya buong araw. Kahit si Grasya ay nagtataka kung bakit parang wala sa mood si Zella. Mukha rin siyang matamlay. Ang tahimik tuloy ng room kahapon. Sa training naman ay hindi pa din siya sa amin sumama. Ganun din nung lunch time.

Ako naman ay ganun pa din. Ilang oras matapos ng training ay agad nanghihina ang katawan ko. Sabi nila ay dahil ngayon ko lang ito nailabas at dapat paunti-unti ang paggamit ko nito.

Kapag lumalabas naman kami ng room, tulad ng cafeteria ay nagtataka kaming anim kung bakit parang iba ang tingin ng mga estudyante sa amin. Hindi katulad dati na may paghanga ang tingin nila kila Dylan. Ngayon, Ewan ko ba..

Parang nakita ko ang pagtataka at takot sa mga mukha nila. May nagbubulong-bulungan din pero hindi na ako nag-aksaya ng oras para lang makinig sila. Ano bang problema nila?

Hanggang ngayon ay ganun pa din sila. Si sir Axton ay mukha namang walang alam sa nga nangyayari. Pero kahapon nung hapon bago siya umalis sa room namin ay parang may nakita akong kaba sa itsura niya.

"Hindi ba kayo madalas gumamit ng cellphone?" Boses ni Sean.

"Hindi. Tsaka hindi naman talaga mahalaga sa ating nga Mage 'yan diba?" Si Liam.

"Alam ko, Liam."

"Teka, pakita nga ako niyan--! Woah, ang daming pictures ni Mi--"

"Shut up! Akin na nga!"

Ibinaling ko ang ulo ko sa gilid ng aking mesa. Natutulog ako dito dahil wala yung teacher. Pero ang ingay ingay nila Sean at Liam. Iniangat ko ang ulo ko pero pagka angat ko ay si Dylan lang ang sumalubong sa paningin ko.

Prente siyang nakaupo habang magkakrus ang mga braso at mariing nakatitig sa akin. Sa tabi niya ay isang bakanteng upuan dahil umalis kanina si Zella.

Nagkatitigan kami pero iniwas ko din agad ang tingin. Umayos na ako ng upo.

"Hala kayo nagising niyo tuloy!" Si Grasya. Napatingin ako sa kaniya. Tsaka ako bumaling kina Liam. Nakaupo silang dalawa sa mesa niya.

Nakangisi at nang-aasar ang mukha niyang nakatingin sa akin. Nag taas baba ang kilay niya at nginuso ang cellphone na hawak ni Sean. Siniko naman siya ni Sean na nakatingin din sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ano yun?" Tanong ko kay Liam. Tumayo siya sa pagkakaupo sa mesa niya at hinablot bigla ang cellphone ni Sean. Nagulat si Sean sa ginawa ni Liam, natulala siya saglit. "Hoy!"

Papalapit na sana sa akin si Liam para iabot sa akin ang cellphone ni Sean nang bigla siyang salubungin ng isang malakas na water ball. Nairita ako dahil natalsikan pa ako ng kaonti. Napatili naman si Grasya. Napapikit ako ng mariin. Pagkadilat ko ay nakita ko si Liam na natigilan sa harapan ko at basang basa na ang buong katawan niya ngayon...ganun din ang hawak niyang cellphone.

"What the fuck?! My phone!" Ani Sean. Tumayo siya sabay hablot nito kay Liam. Sinubukan niya itong buhayin pero mukhang napasukan na ata ng tubig ang loob nito dahil nakablack pa din ang screen kahit anong gawin niya.

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon