Chapter 6
[Training]
"EURELLA, ikaw ba ang may kagagawan ng lindol kanina?" Bungad na tanong ni Sir Axton nang makapasok siya sa room. Napatingin ako kay Grasya.Nakayuko siya sa kaniyang upuan na katabi ni Liam. Napabuntong hininga siya. "I'm sorry, sir. Hindi ko lang po talaga napigilan ang emosyon ko kanina..." Mahinang aniya.
Humalukipkip si sir. "Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo na dapat matuto na kayong kontrolin ang mga kapangyarihan niyo? Ang tagal niyo na dito sa lugar ng mga normal na tao, paano kung malakas ang naging lindol kanina dahil sa kapangyarihan mong hindi mo kamo makontrol? Paano kung maraming napahamak?" mahihimigan ang disappointment kay Sir. Napatingin nalang ako sa mesa ko sa harap. Napasulyap sa akin si Sean na katabi ko.
Pakiramdam ko ako ang may kasalanan dahil nahihirapang makontrol ni Grasya ang kapangyarihan niya.
"Eh, sir. Kung hindi dahil kay Zella ay hindi magkakaganyan si Eurella." Saad ni Liam. Inis naman na bumaling sa kaniya si Zella.
"Excuse me, Mr. Hangin. Hindi ko kasalanan na pikon ‘yang girlfriend mo. And hindi ko rin kasalanan na hindi niya pa kontrolado ang kaniyang majika. Kaya wag mo 'kong masisi-sisi diyan!" Sumama ang tingin sa kaniya ni Grasya.
"Hindi ko siya boyfriend!" Agap niya pero irap lang ang natanggap niya kay Zella.
"Pwede bang tumigil na kayo?!" Natahimik ang lahat sa sigaw ni Sir Axton.
Maya maya ay bumaling siya sa akin. "Kung ganyan kayo palagi, paano niyo matutulungan ang inyong Prinsesa?" Napayuko ako. Nakaramdam na naman ako ng hiya dahil sa ginamit niyang salita.
"Siya ang mas wala pang kaalam alam sa mundo natin. Sa lahi natin!"
"Sir, tutal nandito naman na si Vesta, Hindi ba’t mas maganda kung ibalik na namin siya sa Zerrendale? Dahil yun naman talaga ang mission namin?" Napatingin ang lahat kay Dylan.
Nakita kong natigilan si Sir. Saka siya napailing. Tumitig siya sa akin. "Hindi pa muna sa ngayon, Dylan. Hindi pa tayo nakakasigurado kung ligtas na ba siya doon." Sagot niya.
Doon bumalik ang mga tanong sa utak ko. Ano bang meron sa akin? Bakit kailangan akong protektahan ng ganito? Bakit hindi ako pwedeng makapunta sa Zerrendale? Anong meron doon at hindi ligtas?
Gusto kong itanong ang lahat ng iyan pero hindi ko alam kung paano at saan magsisimula.
"Mas mabuting dito muna tayo hangga't hindi pa tayo nakakasigurong ligtas na nga si Aseila doon." Dagdag pa niya.
Sumang ayon nalang ang lahat ganoon na din ako.
~*~
"Dito natin sasanayin ang kapangyarihan natin, Miss..." Sambit ni Grasya. Napatingin ako sa paligid.
Isa itong open space. Tuyo at matigas ang lupa. Sa kalayuan ay doon nakahilera ang mga puno. Ito ang pinakalikurang bahagi ng school. Kailangan mo pang dumaan sa mga kakahuyan bago makarating dito.
Mas lumapit pa kami sa bandang mga puno dahil umiinit na. Namangha ako dahil sa isang kumpas na kamay lamang ni Grasya ay automatikong mas lumago ang mga sanga at mga dahon ng puno na nagbigay sa amin ng lilim. Lumamig din ang haplos ng hangin dahil din sa kapangyarihan ni Liam. Kaya mas lalo kong hindi naramdaman ang init.
Pero dahil siguro ‘to sa aking m-majika...dahil pakiramdam ko mas gusto ko ng mainit na pakiramdam. Parang mas lumalakas ang katawan ko. Lumayo ako ng bahagya sa lilim na ginawa ni Grasya.
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)
FantasíaNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...