EPILOGUE

922 24 20
                                    

NAPATINGIN ako sa babaeng umagaw sa atensyon ko pagkapasok ko sa eskwelahang ito. Mag isa lang siyang naglalakad habang may hawak siyang libro.

"Huy, Dylan, sino 'yang tinitignan mo? Type mo 'no?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Liam. Nilingon ko siya at malamig na tiningnan.

"Nope,"

Pero ngumisi lang siya.

"Sus..kakalipat lang natin, ah?. Sa dating pinasukan natin na school wala ka man lang isang pinansin na babae doon. Pero dito, unang araw palang natin napalingon ka agad!"

"Shut up--"

"Hoy, ano 'yang pinag uusapan niyo?" Singit ni Eurella ng makahabol sa amin.

Tumikhim ako.

"Nothing, Let's go, Sir Axton's waiting for us." I said and left them.

Days passed and that girl is still stealing my attention, hindi ko lang pinapahalata dahil baka kung ano-ano na naman ang sabihin ni Liam at tuksuhin niya na naman ako. Hindi ko naman gusto yung babae, I just feel something about her, that's all.

Eh, kung tuksuhin ko kaya sila ni Eurella? Tss.

Madalas kong makita ang babaeng 'yon, madalas mag isa siya, wala man lang akong nakikitang ibang kaibigang babae niya tulad ng nakikita ko sa iba. Ang tanging nakikita ko lamang na kasama niya ay yung lalaki.

Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang kausapin, pero may misyon kami na dapat unahin. Wala naman kaming balak mag aral tulad ng mga normal na tao dito. We're just here to find our Princess Vesta, who until now we still can't find.

Until one day, sa canteen. May kaguluhang naganap at kasali siya do'n. I saw how she gave punch and fight those two girls.

Hindi nila alam ang tiniis ko para hindi makielam sa ginawa nila sa babaeng iyon.

Nang hilahin ang kwintas niya na nakikita kong madalas niyang suot ay parang may naramdaman ako. Nagkatinginan kaming tatlo nila Liam at Eurella ng maramdaman din nila ang naramdaman ko.

Ang pakiramdam na pamilyar, na ka-uri namin.

Napatayo ako at nagtama ang paningin namin ng babae. Napalunok ako dahil sa unang beses ay tiningnan niya ako...

Nang tumakbo siya paalis ay gusto kong sumunod at sundan siya. Pero ayokong magpahalata.

Kinuyom ko ang mga kamao at pinagmasdan ang palagi niyang kasamang lalaki na sumunod sa kaniya.

Napaiwas ako ng tingin.

Ilang araw namin siyang hinanap sa school dahil nagtataka ako ng sumunod na mga araw ay mukhang hindi siya pumasok. Hanggang isang araw nakabunggo ko siya malapit sa library. She looks nervous.

Fvck this heart of mine for it's loud and fast beating whenever I see her, especially this close. Ngayon ko lang siya natingnan ng malapitan at diretso sa mata.. ako yata ang nininerbyos.

She looks so damn beautiful and now that she's in front of me...I don't know what to fvcking do.

"Anong pangalan mo?" Damn! Did I sounded rude?

"Bakit ko naman sasabihin?" Matapang..

Pinilit kong manatiling kalmado sa sinagot niya sa akin.

"Kasi tinatanong kita."

"Aseila Bloom Valdezada.." pinilit kong hindi mangiti ng sabihin din niya.

So that's her name...finally.

"BABE!"

May dumating na lalaki. Yung lalaking kasama niya palagi.

What the...babe? Boyfriend niya?

The Missing Ember (Magos Zarroah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon